03/09/2026
πππππππ| πππππ ππ ππππππππ ππ πππππππππππππ πππππ πππ ππππ πππππππππππ ππππππππ
Matagumpay na isinagawa noong ika-29 ng Agosto sa Quirino Watersports Complex ang Culminating Activity ng Buwan ng Kabataan at International Youth Day Celebration 2026.
Sa mensahe nina G. Jun Vincent M. Alay-ay, Focal Person ng Youth Development Program; Hon. Hydie Mae Diaz, PPSK President; at Hon. Midy N. Cua, Congresswoman ng Lone District of Quirino, na kinatawan ni Hon. Junie Isagani βJayβ E. Cua Jr., binigyang-diin ang kahalagahan ng pagkakaisa, paglilingkod, pamumuno, at aktibong pakikilahok ng kabataan sa patuloy na pag-unlad ng lalawigan.
Kabilang sa mga tampok na gawad at pagkilala ang Gawad Parangal sa mga Kabataang Quirinian 2026, na kung saan ipinagkaloob ang mga sertipiko at cash incentives sa mga kinilalang kabataang Quirinian na nagkamit ng ibaβt ibang pambansang parangal at pagbibigay-pugay sa mga Senior High School students na nagtamo ng With Highest Honors, bilang pagkilala sa kanilang natatanging kagalingan at tagumpay.
Bukod dito, pinagkalooban ang mga YORP-Registered Organizations ng β±5,000.00 sustainability fund bilang pagpapatuloy na suporta sa mga programang naisakatuparan sa pamamagitan ng start-up fund na ipinagkaloob noong Buwan ng Kabataan 2025. Samantala, ang mga bagong YORP-Registered Organizations ay pinagkalooban naman ng β±10,000.00 start-up fund upang makatulong sa pagsisimula at pagpapatupad ng kanilang mga programa at inisyatiba para sa kabataan.
Kinilala rin ang Quirinian Studentsβ Organization β NVSU Bayombong bilang nagwagi sa Most Innovative and Distinguished Youth Award β Youth Organization Category.
Nagtapos ang programa sa masayang "team building activities" at "Unity Dance", na nagsilbing simbolo ng pagkakaisa at sama-samang pagkilos ng Kabataang Quirinian.
Nakiisa at naging katuwang sa pagsasagawa ng programa ang Provincial Youth Development Council, Pambayang Pederasyon ng mga Sangguniang Kabataan, PSWDO Youth Development Program Services, at Provincial Governor's Office- Youth Development Program, bilang bahagi ng kanilang patuloy na suporta sa mga inisyatibang naglalayong paunlarin, bigyang-lakas, at palawakin ang partisipasyon ng Kabataang Quirinian upang masigurong konektado, nagkakaisa, at kumikilos ang bawat isa.
Ang mga Kabataang Quirinian ay hindi lamang tagatanggap ng programang pangkabataanβsila ay katuwang, lider, at bahagi ng pagbabago. Sila ang mga may akda ng kasalukuyan na gumagawa ng makasaysayang kwento ng pagbabago para sa hinaharap.