06/08/2026
PAANO BA NAGDEDESISYON ANG PAMAHALAANG BAYAN SA SUSPENSION NG KLASE?
Upang maiwasan ang kalituhan at maling impormasyon, nais naming ipaliwanag na ang suspension ng klase ay hindi basta-basta idinedeklara. Ito ay nakabatay sa DepEd Order No. 014, s. 2026 at sa aktwal na lagay ng panahon na ibinibigay ng PAGASA.
๐ Kapag may Tropical Cyclone Wind Signal (TCWS):
๐ข Signal No. 1 โ Awtomatikong suspendido ang klase sa Kindergarten.
๐ก Signal No. 2 โ Awtomatikong suspendido ang klase mula Kindergarten hanggang Grade 10.
๐ Signal No. 3 โ Awtomatikong suspendido ang lahat ng face-to-face classes sa lahat ng antas.
๐ด Signal No. 4 at 5 โ Awtomatikong suspendido ang lahat ng face-to-face classes at iba pang kaugnay na aktibidad.
๐ง๏ธ Kapag Heavy Rainfall Warning naman:
๐ก Yellow Rainfall Warning โ Maaaring magsuspinde ng klase ang Local Chief Executive (Mayor) batay sa aktwal na sitwasyon sa ating bayan. Hindi ito awtomatikong suspension.
๐ Orange Rainfall Warning โ Awtomatikong suspendido ang lahat ng face-to-face classes sa lahat ng antas.
๐ด Red Rainfall Warning โ Awtomatikong suspendido ang lahat ng face-to-face classes sa lahat ng antas.
โ ๏ธ Bakit minsan hindi agad nagsususpinde ang LGU?
Dahil ang Pamahalaang Bayan ay kailangang magsagawa ng masusing assessment batay sa:
โ๏ธ Opisyal na weather bulletins ng PAGASA;
โ๏ธ Mga ulat mula sa MDRRMO at iba pang response agencies;
โ๏ธ Aktwal na kondisyon ng mga kalsada, tulay, ilog, at mga paaralan; at
โ๏ธ Kaligtasan ng ating mga mag-aaral, g**o, at mga kawani.
Ang pangunahing layunin ng bawat desisyon ay protektahan ang buhay at kaligtasan ng ating mga kababayan habang tinitiyak na ang mga hakbang ay naaayon sa umiiral na mga alituntunin.
๐ข Ugaliing maghintay lamang ng opisyal na anunsyo mula sa Municipal Government of Cabarroguis at sa mga kinikilalang ahensya ng pamahalaan.
Photo credit to the owner.