19/08/2026
Sa patuloy na pagkilala sa mga natatanging barangay na nagpapakita ng mahusay na pamamahala, makabagong mga programa, at huwarang pamumuno, muling isinasagawa ng DILG Quirino, katuwang ang Pamahalaang Panlalawigan ng Quirino, ang ๐๐ฎ๐ฟ๐ฎ๐ป๐ด๐ฎ๐ ๐๐๐ฎ๐ฟ๐ฑ๐ ๐ณ๐ผ๐ฟ ๐๐ผ๐ฐ๐ฎ๐น ๐๐ฒ๐ฎ๐ฑ๐ฒ๐ฟ๐๐ต๐ถ๐ฝ ๐ถ๐ป ๐๐
๐ฒ๐บ๐ฝ๐น๐ถ๐ณ๐๐ถ๐ป๐ด ๐๐ผ๐ผ๐ฑ ๐๐ผ๐๐ฒ๐ฟ๐ป๐ฎ๐ป๐ฐ๐ฒ ๐ฎ๐ป๐ฑ ๐๐ป๐ป๐ผ๐๐ฎ๐๐ถ๐ผ๐ป๐ o ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐ถ ๐๐ฎ๐ถ๐น๐๐ฎ๐ป.
Bilang paghahanda sa isinagawang Onsite Evaluation, nagsagawa ng Preparatory Meeting ang Provincial Evaluation Team (PET) noong Agosto 6, 2026 sa DILG Provincial Office, Cabarroguis, Quirino. Tinalakay sa pagpupulong ang mga alituntunin, pamamaraan ng pagsusuri, at mga tungkulin ng bawat evaluator upang matiyak ang maayos at patas na pag-assess sa mga nominado.
Ang Onsite Evaluation ay isinagawa noong Agosto 12, 13, at 18, 2026 sa mga barangay na nominado para sa nasabing parangal. Sinuri ng PET ang ibaโt ibang programa, inisyatiba, at mga natamong tagumpay ng bawat barangay bilang bahagi ng masusing proseso ng pagpili ng mga karapat-dapat na pagkalooban ng pagkilala.
Ngayong Agosto 19, 2026, muling nagpulong ang PET upang isagawa ang deliberasyon at talakayin ang mga resulta ng isinagawang pagsusuri. Ang mga napiling kampeon ay magiging kinatawan ng Lalawigan ng Quirino sa ๐๐
๐ฐ๐ฒ๐น๐น๐ฒ๐ป๐ฐ๐ฒ ๐๐๐ฎ๐ฟ๐ฑ๐ ๐ณ๐ผ๐ฟ ๐๐ผ๐๐ฒ๐ฟ๐ป๐ฎ๐ป๐ฐ๐ฒ ๐ฎ๐ป๐ฑ ๐๐ฒ๐ฎ๐ฑ๐ฒ๐ฟ๐๐ต๐ถ๐ฝ (๐๐๐๐๐), ang prestihiyosong programa ng DILG Region 2 na nagbibigay-pugay sa mga natatanging barangay sa rehiyon.
Ang PET ay binubuo nina CH Michael E. Camacam, LGOO V Carolyn C. Mateo, ADAS II Jan Rose M. Lopez, PEO II John Louise N. Villalobos, Jr., ISA I Rociel Mari R. Roces, PMAJ Siony Rose M Monforte, PCPT John G Fernando, SFO3 Jonathan H Agustin, FO1 Jonas Efraim G Abejero, Atty. Reallen C. Sadang, AO V Jocelyn I. Dantes, BO IV Maila G. Silva, at Agricultural Technician I Wesley D. Dumahin.