Quirino Province

Quirino Province VISION
“Quirino: The Prime Agro-industrial and Eco-tourism destination in the north”
(6)

𝐃𝐀𝐘 𝟑 𝐒𝐍𝐀𝐏𝐒𝐇𝐎𝐓𝐒 | Isang makapangyarihang mensahe ng pagkakaisa at malasakit sa kalikasan ang ipinamalas sa ikatlong araw...
05/06/2026

𝐃𝐀𝐘 𝟑 𝐒𝐍𝐀𝐏𝐒𝐇𝐎𝐓𝐒 | Isang makapangyarihang mensahe ng pagkakaisa at malasakit sa kalikasan ang ipinamalas sa ikatlong araw ng mga aktibidad noong Hunyo 4, 2026.

Sa pagsikat ng araw, nagsama-sama ang mga Kailyan sa Bamboo Planting sa Bamboo Ecopark upang magtanim hindi lamang ng mga kawayan kundi ng pag-asa para sa isang mas luntiang kinabukasan. Sinundan ito ng makabuluhang pagdiriwang ng Environment Month Celebration, na dinaluhan at sinuportahan ng isang lisensiyadong forester at content creator na si Jonathan Ethan Hernandez, bilang pagpapakita ng matibay na adbokasiya para sa pangangalaga at konserbasyon ng kalikasan.

Sa bawat itinanim na punla at bawat adbokasiyang isinulong sa pangunguna ng Pamahalaang Panlalawigan at pakikiisa ng mga tagapagtaguyod ng kalikasan, muling pinatunayan na ang tunay na pagbabago ay nagsisimula sa sama-samang pagkilos para sa isang mas luntian at mas matatag na Quirino.



𝐃𝐀𝐘 𝟐 𝐒𝐍𝐀𝐏𝐒𝐇𝐎𝐓𝐒 | Kahapon, June 3, 2026, nagsimula ang ikalawang araw ng Alay sa Masa 2026 sa isang makulay at masiglang...
04/06/2026

𝐃𝐀𝐘 𝟐 𝐒𝐍𝐀𝐏𝐒𝐇𝐎𝐓𝐒 | Kahapon, June 3, 2026, nagsimula ang ikalawang araw ng Alay sa Masa 2026 sa isang makulay at masiglang Mañanita, kung saan nagtipon-tipon ang mga Quirinian sa diwa ng pagkakaisa, kasiyahan, at pasasalamat. Sa bawat awit, ngiti, at samahan, naging simbolo ito ng matibay na ugnayan ng komunidad at ng patuloy na pag-unlad ng lalawigan.

Kasunod nito ang sunod-sunod na programang naghatid ng serbisyong pangkalusugan, ayuda, at kabuhayan sa mamamayan. Tampok din ang pagkilala sa mga natatanging mag-aaral, Latin honor awardees, at mga pambansang kampeon na nagbigay ng karangalan sa Quirino.

Isang araw na puno ng inspirasyon, pagkilala, at makabuluhang serbisyo, patunay na ang tunay na pag-unlad ay nagsisimula sa isang nagkakaisa at nagmamalasakit na komunidad.



𝐃𝐀𝐘 𝟏 𝐒𝐍𝐀𝐏𝐒𝐇𝐎𝐓𝐒 | Masiglang sinimulan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Quirino ang unang araw ng Alay sa Masa 2026, tampok...
03/06/2026

𝐃𝐀𝐘 𝟏 𝐒𝐍𝐀𝐏𝐒𝐇𝐎𝐓𝐒 | Masiglang sinimulan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Quirino ang unang araw ng Alay sa Masa 2026, tampok ang magkakasabay na programang naglalayong palakasin ang kabuhayan, serbisyo, imprastraktura, at pangangalaga sa kalikasan.

Mula sa pamamahagi ng agricultural inputs, fingerlings, at livestock, hanggang sa Diskwento Caravan at serye ng mga inagurasyon ng makabagong pasilidad, ipinakita ang patuloy na pagtugon ng pamahalaan sa pangangailangan ng bawat Quirinian. Kabilang din sa mga binuksan ang mga proyektong magpapalawak ng oportunidad at magpapahusay sa serbisyong pampubliko.

Ang unang araw ay naging malinaw na larawan ng isang progresibo, makakalikasan, at mas inklusibong Quirino para sa lahat.



03/06/2026

HAPPENING NOW | Thanksgiving Mass and Program Proper for the Environment Month Celebration and Alay sa Masa 2026

𝗛𝗔𝗣𝗣𝗬 𝗕𝗜𝗥𝗧𝗛𝗗𝗔𝗬, 𝗦𝗜𝗥 𝗝𝗨𝗡𝗜𝗘! 🎉With grateful hearts, we honor and celebrate a man whose vision and leadership helped shape ...
02/06/2026

𝗛𝗔𝗣𝗣𝗬 𝗕𝗜𝗥𝗧𝗛𝗗𝗔𝗬, 𝗦𝗜𝗥 𝗝𝗨𝗡𝗜𝗘! 🎉

With grateful hearts, we honor and celebrate a man whose vision and leadership helped shape the Quirino Province we proudly call home today.

Thank you for your countless contributions, your unwavering commitment to progress, and the lasting impact you have made in our province. Your life and service remain a testament that true leadership is measured by the lives touched and communities empowered.

May God bless you with good health, happiness, and many more years of meaningful service and fulfillment.

Happy Birthday, Sir Junie! Your legacy lives on in every milestone and success of Quirino Province.

We love you po🧡

TINGNAN | Nagsagawa ng inauguration ang Pamahalaang Panlalawigan ng Quirino sa mga bagong pasilidad sa Capitol Compound,...
02/06/2026

TINGNAN | Nagsagawa ng inauguration ang Pamahalaang Panlalawigan ng Quirino sa mga bagong pasilidad sa Capitol Compound, na pinangunahan ni dating Governor at Congressman Junie Cua.

Kabilang sa mga inagurahang imprastruktura ang New Plenary Building, New Government Center, Provincial General Services Office Warehouse, Quirino Environmental Information Center, at ang bagong bleachers sa Motocross Mountain.

Ang nasabing aktibidad ay bahagi ng pagdiriwang ng Environment Month at Alay sa Masa na isinasagawa mula June 2 hanggang June 5, 2026.

Dumalo rin sa programa si Vice Governor Julius Vaquilar, mga miyembro ng Sangguniang Panlalawigan, at mga head ng mga iba’t ibang provincial at national government agencies.

𝐓𝐈𝐍𝐆𝐍𝐀𝐍 | Sa pagdiriwang natin ng Alay sa Masa 2026, kikilalanin at pararangalan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Quirino ...
01/06/2026

𝐓𝐈𝐍𝐆𝐍𝐀𝐍 | Sa pagdiriwang natin ng Alay sa Masa 2026, kikilalanin at pararangalan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Quirino ang mga natatanging kabataang Quirinian na nagpakita ng kahusayan sa akademya at iba’t ibang larangan.

Kabilang sa mga bibigyang-pugay ang mga nagtapos ng Senior High School na may Pinakamataas na Karangalan sa ilalim ng Gawad Parangal 2025–2026, mga nagtapos sa kolehiyo na may Latin Honors sa ilalim ng Pagkilala 2026, at mga National Awardees na nagdala ng karangalan sa lalawigan sa pambansang antas.

Ang pagkilalang ito ay patunay ng patuloy na pamumuhunan ng lalawigan sa edukasyon, talento, at kakayahan ng kabataang Quirinian na nagsisilbing inspirasyon at pagmamalaki ng buong Quirino. 🏅


𝐁𝐀𝐋𝐈𝐊 𝐄𝐒𝐊𝐖𝐄𝐋𝐀 𝐁𝐔𝐃𝐎𝐋 𝐃𝐄𝐀𝐋𝐒! Get your children ready for school without breaking the bank! Join the Diskwento Caravan - Ba...
01/06/2026

𝐁𝐀𝐋𝐈𝐊 𝐄𝐒𝐊𝐖𝐄𝐋𝐀 𝐁𝐔𝐃𝐎𝐋 𝐃𝐄𝐀𝐋𝐒!

Get your children ready for school without breaking the bank! Join the Diskwento Caravan - Balik Eskwela Edition for massive discounts on essential school supplies.

🗓️ When:𝐉𝐮𝐧𝐞 𝟐-𝟑, 𝟐𝟎𝟐𝟔 | 𝟖:𝟎𝟎 𝐀𝐌 - 𝟓:𝟎𝟎 𝐏𝐌
📍 Where: 𝗖𝗮𝗽𝗶𝘁𝗼𝗹 𝗚𝗿𝗼𝘂𝗻𝗱𝘀 (𝗜𝗻 𝗳𝗿𝗼𝗻𝘁 𝗼𝗳 𝗤𝘂𝗶𝗿𝗶𝗻𝗼 𝗣𝗿𝗼𝘃𝗶𝗻𝗰𝗶𝗮𝗹 𝗠𝘂𝘀𝗲𝘂𝗺), 𝗖𝗮𝗯𝗮𝗿𝗿𝗼𝗴𝘂𝗶𝘀, 𝗤𝘂𝗶𝗿𝗶𝗻𝗼

Stock up on notebooks, shoes, pens, bags, and grocery baon snacks at unbeatable prices. Stretch your budget and share this with fellow parents today!

𝐁𝐀𝐋𝐈𝐊 𝐄𝐒𝐊𝐖𝐄𝐋𝐀 𝐁𝐔𝐃𝐎𝐋 𝐃𝐄𝐀𝐋𝐒!

Get your children ready for school without breaking the bank! Join the Diskwento Caravan - Balik Eskwela Edition for massive discounts on essential school supplies.

🗓️ When:𝐉𝐮𝐧𝐞 𝟐-𝟑, 𝟐𝟎𝟐𝟔 | 𝟖:𝟎𝟎 𝐀𝐌 - 𝟓:𝟎𝟎 𝐏𝐌
📍 Where: 𝗖𝗮𝗽𝗶𝘁𝗼𝗹 𝗚𝗿𝗼𝘂𝗻𝗱𝘀 (𝗜𝗻 𝗳𝗿𝗼𝗻𝘁 𝗼𝗳 𝗤𝘂𝗶𝗿𝗶𝗻𝗼 𝗣𝗿𝗼𝘃𝗶𝗻𝗰𝗶𝗮𝗹 𝗠𝘂𝘀𝗲𝘂𝗺), 𝗖𝗮𝗯𝗮𝗿𝗿𝗼𝗴𝘂𝗶𝘀, 𝗤𝘂𝗶𝗿𝗶𝗻𝗼

Stock up on notebooks, shoes, pens, bags, and grocery baon snacks at unbeatable prices. Stretch your budget and share this with fellow parents today!

Quirino Province PIA Quirino 92.1 DWQP FM I Love Quirino Radio - Online

Kailyans! Inaanyayahan po namin kayong makiisa at makibahagi sa nalalapit na Environment Month Celebration and Alay sa M...
01/06/2026

Kailyans! Inaanyayahan po namin kayong makiisa at makibahagi sa nalalapit na Environment Month Celebration and Alay sa Masa 2026 na gaganapin sa June 2–5, 2026!

Isang linggong puno ng mga makabuluhang aktibidad para sa kalikasan, komunidad, at sama-samang adbokasiya para sa mas malinis at mas luntiang Quirino.

Para sa kumpletong schedule of activities at iba pang detalye, pakitingnan na lamang po ang mga posters sa ibaba.👇

Kita-kits po!🧡

30/05/2026

Address

Capitol Hills
Cabarroquis
3400

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 9am - 5pm
Thursday 7am - 9pm
Friday 7am - 9pm
Saturday 7am - 5pm
Sunday 8am - 5pm

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Quirino Province posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Quirino Province:

Share