27/07/2026
๐๐ฌ๐๐ง๐ ๐๐๐ ๐ฎ๐ฅ๐๐ง๐ ๐ง๐ ๐๐๐๐, ๐๐ข๐ง๐๐ซ๐๐ง๐ ๐๐ฅ๐๐ง ๐๐ข๐ฅ๐๐ง๐ ๐๐ฎ๐ฐ๐๐ซ๐๐ง๐ ๐๐ข๐ง๐ ๐ค๐จ๐-๐๐๐ฒ๐๐ง
Ortiz-Saranay Elementary School, Cabatuan, Isabela โ Hulyo 27, 2026 โ Sa isinagawang Flag Ceremony noong Lunes, Hulyo 27, 2026, isang makabuluhang programa ng pagkilala ang ginanap sa Ortiz-Saranay Elementary School upang parangalan ang isa sa mga magulang ng paaralan na si PCpl Kelvin Jay Mora Medina Intel Operative ng Cabatuan Municipal Police Station.
Iginawad kay PCpl Medina ang pagkilala bilang pagpapahalaga sa kanyang ipinakitang kahusayan, dedikasyon, at katapatan sa tungkulin sa matagumpay na implementasyon ng Warrant of Arrest noong Hulyo 14, 2026, kaugnay ng kasong Estafa.
Nakiisa sa programa ang ilang miyembro ng Cabatuan Municipal Police Station sa pangunguna ng kanilang Chief of Police na si Police Major Oneil Jay S. Dumayas, na nagbigay ng suporta at mensahe sa mga mag-aaral at g**o ng paaralan.
Layunin ng naturang programa na magsilbing inspirasyon sa mga kabataan upang pahalagahan ang sipag, integridad, disiplina, at pagmamahal sa bayan sa pamamagitan ng pagkilala sa mga huwarang lingkod-bayan na nagsisilbing mabuting halimbawa sa komunidad.
Sa kanyang mensahe, hinikayat ni Police Major Dumayas ang mga mag-aaral na pagbutihin ang kanilang pag-aaral at paghubog ng mabuting pagkatao. Aniya, "Mag-aral ng mabuti kasi iyon ang magiging foundation ng ating buhay." Binigyang-diin niya na ang edukasyon ang matibay na pundasyon tungo sa pag-abot ng mga pangarap at matagumpay na kinabukasan.
Ang pamunuan ng Ortiz-Saranay Elementary School ay taos-pusong nagpapasasalamat sa Cabatuan Municipal Police Station sa kanilang pakikiisa sa paghubog ng mga kabataan. Ang pagkilala kay Police Corporal Kelvin Jay Mora Medina ay nagsilbing paalala na ang katapatan sa tungkulin at pagmamahal sa kapwa at bayan ay mga pagpapahalagang nararapat tularan ng bawat mag-aaral.