19/06/2026
Extended po ang registration ng National ID ang Philsystem sa ating barangay, Saturday June 20, 2026; 9am to 3pm
Sa magpapa-rehistro para sa NATIONAL ID ang mga REQUIREMENTS na pwedeng dalhin:
* Para sa 0-4 years old ORIGINAL BIRTH CERTIFICATE at NATIONAL ID ng Isa sa magulang at dapat kasama na pupunta ang magulang na mayroong National Id.
* Para sa 5 to 17 yrs old: ORIGINAL BIRTH CERTIFICATE
* Para sa 18 yrs old and above: 2 valid id's or documents o kaya ay 1 valid id at 1 document.
* Para sa mga SENIOR CITIZEN ang kailangan lang pong dalhin ay SENIOR CITIZEN ID.
* Para po sa mga babae na MARRIED na at wala pang valid ID na married na ang status, magdala po Ng ORIGINAL MARRIAGE CERTIFICATE
MGA PAALALA:
* Bawal ang kwintas, hikaw at iwasan na rin po ang maglagay ng heavy make up.
* Bawal ang nakasando at iba pang uri ng damit na walang manggas.
----Pakishare na rin po ang post na ito upang mas marami pa ang makaalam.
Maraming Salamat po.