28/05/2026
Isang masiglang pagbati sa ating mga kapwa Kabyawenyo!
Bilang bahagi ng pangako ng ating Lokal na Pamahalaan ng Cabiao na tiyakin ang maayos, ligtas, at mabilis na takbo ng mga serbisyo sa ating bayan, pormal po nating tinanggap ang pinakabagong Tamaraw Van para magamit ng ating Lokal na Pamahalaan.
Ang pangunahing layunin ng pagbili sa modernong sasakyang ito ay upang mas mapabilis ang pagtugon sa mga pangangailangang ng ating bayan mula sa distribusyon ng ating mga programa, suporta sa mga aktibidad ng pamayanan, field operations, pagkuha ng mga kagamitang pang opisina, hanggang sa pag-asiste sa iba't ibang departamento ng ng ating Lokal na Pamahalaan.
Sa pamamagitan ng makabagong sasakyan na ito, mas pinapadali natin ang trabaho ng ating mga kawani upang mas maging produktibo at ligtas sa bawat opisyal na biyahe.
Ang inyong Lokal na Pamahalaan ng Cabiao ay mananatiling katuwang sa pagpapanatili ng mga de-kalidad na kagamitan para sa tuluy-tuloy at walang abalang serbisyo-publiko.
Makakaasa po kayo na ang bawat ari-arian ng ating pamahalaang lokal ay patuloy na aalagaan at gagamitin nang may katapatan at husay para sa kapakanan ng bawat Kabyawenyo.ππ