02/09/2026
Nagpasya ang na maaaring patawan ng parusa ng homeownersโ associations (HOAs) ang mga miyembrong hindi nagbabayad ng kanilang kaukulang ambag o ๐ข๐ด๐ด๐ฐ๐ค๐ช๐ข๐ต๐ช๐ฐ๐ฏ ๐ฅ๐ถ๐ฆ๐ด. Gayunman, hindi maaaring ipagkait sa mga ito ang karapatan nilang gamitin ang mga ๐ค๐ฐ๐ฎ๐ฎ๐ฐ๐ฏ ๐ข๐ณ๐ฆ๐ข, kabilang ang mga kalsada sa loob ng ๐ด๐ถ๐ฃ๐ฅ๐ช๐ท๐ช๐ด๐ช๐ฐ๐ฏ.
Sa isang Desisyong isinulat ni Kasangguning Mahistrado Alfredo Benjamin S. Caguioa, isinantabi ng Ikatlong Dibisyon ng Korte ang petisyong inihain ng mga dating direktor at opisyal ng ๐๐ ๐พ๐ค๐จ๐ฉ๐ ๐ฝ๐ง๐๐ซ๐ ๐๐ค๐ข๐๐ค๐ฌ๐ฃ๐๐ง๐จโ ๐ผ๐จ๐จ๐ค๐๐๐๐ฉ๐๐ค๐ฃ, ๐๐ฃ๐.
(Association).
Hindi nakapagbayad ang mag-asawang Linley at Juvy Retirado ng kanilang buwanang ๐ข๐ด๐ด๐ฐ๐ค๐ช๐ข๐ต๐ช๐ฐ๐ฏ ๐ฅ๐ถ๐ฆ๐ด mula 2016 hanggang 2021. Dahil dito, itinuring sila ng Association na delinquent o may atraso sa pagbabayad at pinatawan ng ibaโt ibang parusa.
Kabilang sa mga ipinataw na parusa ang pagbabawal sa paggapas ng damo o pagsasagawa ng ๐ฎ๐ข๐ช๐ฏ๐ต๐ฆ๐ฏ๐ข๐ฏ๐ค๐ฆ sa loob ng limang metro mula sa kanilang ari-arian; pagbabawas sa dalas ng pagkolekta ng basura; pagbabawal sa paghahatid ng pagkain, package, appliance, at gas sa kanilang tirahan; pagpigil sa mga taxi, tricycle, at ride-hailing vehicle na pumasok sa ๐ด๐ถ๐ฃ๐ฅ๐ช๐ท๐ช๐ด๐ช๐ฐ๐ฏ para sunduin sila; pagbabawal sa kanilang mga bisita na pumasok sa ๐ด๐ถ๐ฃ๐ฅ๐ช๐ท๐ช๐ด๐ช๐ฐ๐ฏ; at paniningil ng ๐ฅ๐ฆ๐ญ๐ช๐ท๐ฆ๐ณ๐บ ๐ง๐ฆ๐ฆ sa mga truck at sasakyang naghahatid ng mga suplay at materyales sa kanilang construction site.
Naghain ang mag-asawa ng reklamo sa Human Settlements Adjudication Commission (HSAC), na nagpasyang labag sa Republic Act No. (RA) 9904, o Magna Carta for Homeowners and Homeownersโ Associations, ang mga ipinataw na parusa. Bukod dito, tuluyan ding inalis ng HSAC ang kuwalipikasyon ng mga opisyal na responsable sa pagpapatupad ng mga parusa para humawak ng anumang posisyon sa Association.
Umapela ang mga opisyal sa Court of Appeals pero hindi pinagbigyan ang kanilang petisyon.
Pinagtibay ng Korte Suprema ang naging desisyon ng HSAC hinggil sa mga ipinataw na parusa.
Itinatakda ng Seksyon 7(a) ng RA 9904 ang dalawang magkahiwalay na karapatan ng mga may-ari ng bahay o ๐ฉ๐ฐ๐ฎ๐ฆ๐ฐ๐ธ๐ฏ๐ฆ๐ณ๐ด: ang karapatang makinabang sa mga pangunahing serbisyo at pasilidad ng komunidad, at ang karapatang gumamit ng mga ๐ค๐ฐ๐ฎ๐ฎ๐ฐ๐ฏ ๐ข๐ณ๐ฆ๐ข.
Nilinaw ng Korte na maaaring magpatupad ang HOAs ng mga parusa laban sa mga miyembrong may atraso sa pagbabayad, alinsunod sa kanilang mga alituntunin o ๐ฃ๐บ๐ญ๐ข๐ธ๐ด. Gayunman, may hangganan ang kapangyarihang ito. Maaaring paghigpitan ng HOAs ang paggamit o pagtamasa ng mga miyembrong may atraso sa pagbabayad sa ilang serbisyo at pasilidad ng komunidad, pero hindi nila maaaring ipagkait ang karapatan ng mga ito na gumamit ng mga ๐ค๐ฐ๐ฎ๐ฎ๐ฐ๐ฏ ๐ข๐ณ๐ฆ๐ข, gaya ng mga kalsada.
Batay sa pagkakaibang ito, sinabi ng Korte na ang paghihigpit sa mga delivery, pagpasok ng mga sasakyan, at pagbisita ng mga panauhin ay tuwirang lumabag sa karapatan ng mag-asawa na gumamit ng mga kalsada sa loob ng subdivision.
Isinantabi rin ng Korte ang pahayag ng mga opisyal na hindi sapat ang bigat ng kanilang paglabag para tuluyang madiskwalipika sa paghawak ng anumang posisyon sa Association. Ayon sa Korte, ang paghihigpit sa paggamit ng mga kalsada sa ๐ด๐ถ๐ฃ๐ฅ๐ช๐ท๐ช๐ด๐ช๐ฐ๐ฏ para sa mahahalagang pangangailangan, gaya ng paghahatid ng mga produkto at transportasyon, ay nagdulot ng malaking pinsala at maaaring magbunga ng mapanganib na mga kahihinatnan. Dahil dito, itinuring ng Korte na sapat na mabigat at seryoso ang paglabag para bigyang-katwiran ang permanenteng diskwalipikasyon ng mga opisyal sa paghawak ng posisyon sa Association.
Basahin ang kabuuan ng ๐๐ง๐๐จ๐จ ๐๐๐ก๐๐๐จ๐ sa https://sc.judiciary.gov.ph/sc-homeowners-associations-may-sanction-delinquent-members-but-cannot-restrict-use-of-subdivision-
Basahin ang kabuuan ng ๐ฟ๐๐จ๐๐จ๐ฎ๐ค๐ฃ sa https://sc.judiciary.gov.ph/278137-reuben-mikhail-p-sabig-et-al-vs-court-of-appeals-18th-division-cebu-city-and-spouses-linley-and-juvy-retirado/
Sumunod sa ๐พ๐ง๐๐๐๐ฉ ๐ผ๐ฉ๐ฉ๐ง๐๐๐ช๐ฉ๐๐ค๐ฃ ๐๐ค๐ก๐๐๐ฎ ng SC PIO: https://sc.judiciary.gov.ph/credit-attribution-policy/