Mr. Malasakit Ariel Bariring

Mr. Malasakit Ariel Bariring Para sa mabilis na pagtugon at pagtutulungan, komento at suhestyon sa mas mabuting paglilingkuran
(1)

Anumang bagay na ginagawa mo ng may pagmamahal at pagmamalasakit ay laging nagiging madali, hindi ka mapapagod at patulo...
03/09/2026

Anumang bagay na ginagawa mo ng may pagmamahal at pagmamalasakit ay laging nagiging madali, hindi ka mapapagod at patuloy pang bibiyaan ng lakas dahil sinasamahan ka ng Diyos❤️🙏

01/09/2026

Minsan hindi natin namamalayan na nasa tabi na pala natin ang biyaya o regalong inihanda ng Diyos para sa atin. Hindi lang natin agad ito nakikita o nauunawaan.

Tulad ng ating mga kabiyak paano natin sila nakilala? Paano tayo pinaglapit o pinagtagpo at nagmahalan, at humantong sa pagsasama at pag-iisang dibdib kung hindi ito ginabayan at niloob ng Diyos?

May mga taong dumarating sa ating buhay na akala natin ay pagkakataon lamang ngunit sa huli ay malalaman nating bahagi pala sila ng magandang plano ng Diyos para sa atin. God bless po❤️🥰🙏

Karaniwan sa ating mga Pilipino ngayon na inaabangan natin ang pagpasok ng September ang pagsilip ni Mr. Jose Mari Chan ...
01/09/2026

Karaniwan sa ating mga Pilipino ngayon na inaabangan natin ang pagpasok ng September ang pagsilip ni Mr. Jose Mari Chan na parang nagpapahiwatig na tila malapit na ang Pasko.

Pero sa isang banda ay may tunay na palaging nakasilip at nakasubaybay sa atin sa araw araw, kahit hindi lang tuwing sasapit ang Pasko, yan ay ang ating Panginoong Hesu Kristo🙏

Maligayang unang araw ng kaPaskuhan po sa ating lahat, at nawa ay patuloy tayong mamuhay na laging may pagmamahal at pagmamalasakit sa isa’t isa❤️🙏🎊🎄🌟

Napakasarap sa pakiramdam kapag nararamdaman mong ikaw ay pinahahalagahan ng iyong kapwa. Mas lalo pang nagiging espesya...
30/08/2026

Napakasarap sa pakiramdam kapag nararamdaman mong ikaw ay pinahahalagahan ng iyong kapwa.

Mas lalo pang nagiging espesyal ang isang regalo kapag alam mong ito ay bunga ng tiyaga, panahon, pagsisikap at pagmamahal ng taong naghandog nito. Hindi lamang ang regalo ang aming pinahahalagahan, kundi higit sa lahat ang oras at pusong inilaan ninyo upang ito ay mabuo.

Maraming, maraming salamat po Kuya Konsi Pareng Labo Gerardo Benito sa napakaganda at napakaespesyal na regalo para sa aming mag-asawa.
Pagpalain po kayo ng ating Panginoon at patuloy na pagpalain ang inyong mabuting puso. ❤️🥰🙏

CFARMC Monthly MeetingPatuloy po tayong nakikiisa at sumusuporta sa mga programa at proyektong naglalayong higit pang ma...
28/08/2026

CFARMC Monthly Meeting

Patuloy po tayong nakikiisa at sumusuporta sa mga programa at proyektong naglalayong higit pang mapaunlad ang kabuhayan ng ating mga mangingisda, gayundin ang wastong pangangalaga at pagprotekta sa ating karagatan.

Patuloy din tayong makikilahok at magiging katuwang sa mga paghahandang kinakailangan, lalo na sa panahon ng kalamidad, upang higit nating mapangalagaan ang buhay, kabuhayan at kapakanan ng ating mga kababayan. God bless po❤️

Isang nakapangingilabot na pangyayari ang naganap sa bansang Nepal dulot ng matinding flash flood, na kumitil sa maramin...
27/08/2026

Isang nakapangingilabot na pangyayari ang naganap sa bansang Nepal dulot ng matinding flash flood, na kumitil sa maraming buhay. Isang malungkot na paalala na sa mundong ito ay wala tayong ganap na kayang hawakan o kontrol, gaano man tayo kalakas, kayaman o katatag, sapagkat ang buhay ay nasa kamay pa rin ng ating Panginoon.

Kaya habang tayo ay nabubuhay ay patuloy lamang tayong maging handa, maging mabuting tao, magmahalan at magmalasakit sa ating kapwa. At higit sa lahat, huwag nating kalimutang mahalin at pangalagaan ang kalikasan, dahil ang mga nangyayari sa ating paligid ay paalala na may malaking epekto ang ating pakikitungo sa mundong ipinagkatiwala sa atin ng Diyos.

Patuloy nating isama sa ating mga panalangin ang mga nasawi, ang kanilang mga pamilya at mga mahal sa buhay, at ang buong bansang Nepal. Nawa’y bigyan ng Diyos ng kapayapaan ang mga kaluluwa ng mga yumao, lakas ang mga naiwan, at pag-asa para sa muling pagbangon ng kanilang bansa. 🙏

Sa buhay hindi natin alam kung kailan darating ang unos. Kaya habang may panahon, piliin nating maging mabuti, magmahal at gumawa ng kabutihan. 🙏❤️

Pakikiisa para sa ating mga magsasaka.Muli po tayong dumalo sa buwanang pagpupulong ng CAFC, patuloy na nakikiisa at nak...
27/08/2026

Pakikiisa para sa ating mga magsasaka.

Muli po tayong dumalo sa buwanang pagpupulong ng CAFC, patuloy na nakikiisa at nakikibahagi sa mga usapin, plano at programang may kinalaman sa sektor ng agrikultura.

Bilang kinatawan sa Sangguniang Panlungsod, patuloy tayong magiging boses ng ating mga magsasaka at katuwang sa pagsusulong ng mga programang makatutulong sa kanilang kabuhayan at kapakanan. 🙏🌱

Makinig. Makibahagi. Maglingkod.

26/08/2026

Masakit talaga ang pagkabigo, ang hindi pagtanggap, ang hindi pagkamit ng inaasahan, o ang makita na hindi pumabor sa atin ang mga nangyari. Ngunit hindi ibig sabihin nito na dahil nabigo tayo ay wasak na agad ang ating pagkatao o kailangan na nating sumuko.

May mga bagay na hindi man natin nakuha ngayon, maaaring may mas maganda at mas mabuting inilaan ang Diyos para sa atin. Kaya huwag nating hayaang ang isang pagkabigo ang magdikta sa buong buhay natin. Huminga, tanggapin, matuto, bumangon at magpatuloy. God bless po❤️🙏

Hindi naman natatapos sa eskwelahan ang pag-aaral. Patuloy tayong natututo sa bawat karanasan, sa bawat pakikipag-ugnaya...
24/08/2026

Hindi naman natatapos sa eskwelahan ang pag-aaral. Patuloy tayong natututo sa bawat karanasan, sa bawat pakikipag-ugnayan sa kapwa, at maging sa ating pagdalo sa iba’t ibang seminars at formation, hindi lamang tungkol sa paglilingkod sa gobyerno, kundi higit sa lahat sa kung paano natin mas mapagbubuti ang ating paglilingkod sa Diyos at sa ating kapwa.

Ang buhay ay isang paglalakbay. Lakad lang nang lakad, at aral din nang aral. Ang pinakamahalaga ay hindi lamang kung gaano karami ang ating natutunan, kundi kung paano natin ginagamit ang ating mga aral na natutunan upang maging mas mabuting tao at lingkod.

At kung may natutunan tayo sa ating paglalakbay, huwag nating sarilinin. Ibahagi natin ito sa iba, sapagkat ang kaalamang naibabahagi ay maaaring maging inspirasyon, gabay, at pagpapala sa kapwa. 🙏❤️

Magandang araw po ng Linggo! Dalangin ko po sa Diyos na maging masaya at makabuluhan ang inyong pagsasama-sama bilang is...
22/08/2026

Magandang araw po ng Linggo!

Dalangin ko po sa Diyos na maging masaya at makabuluhan ang inyong pagsasama-sama bilang isang pamilya sa araw na ito. Sama-sama po tayong magsimba, manalangin at magpasalamat.

Nawa’y patuloy kayong pagpalain ng Diyos, ingatan, at patatagin ang pagmamahalan ng bawat isa. Sapagkat ang pinakamagandang biyaya ay ang magkaroon ng panahong magkakasama ang buong pamilya. God bless po sa inyong lahat! 🙏❤️

Address

Cabuyao
4025

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Mr. Malasakit Ariel Bariring posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Mr. Malasakit Ariel Bariring:

Shortcuts

Share