30/05/2026
https://www.facebook.com/share/p/18p2rYvNLr/?mibextid=wwXIfr
BALIK ESKWELA 📚✏️
Bilang paghahanda sa pagbubukas ng klase para sa School Year 2026–2027, handog ng Sangguniang Barangay at Sangguniang Kabataan ng Barangay Poblacion Dos ang taunang programang “Libreng School Supplies” para sa mga mag-aaral mula Grade 1 hanggang Grade 6.
📢 Para sa mga nagpa-registered at nakatanggap ng STUB ang pamamahagi po ng school supplies ay gaganapin sa:
🗓️ June 1, 2026 (Lunes)
⏰ 2:00 PM
📍 Barangay Hall
Mangyaring dalhin po ang inyong stub at dumating sa itinakdang oras upang maging maayos at mabilis ang distribusyon.
Ang programang ito ay bahagi ng patuloy na pagsuporta ng ating Barangay at SK sa Edukasyon at kapakanan ng ating mga kabataan.
📖✨ Sama-sama nating ihanda ang ating mga mag-aaral para sa isang matagumpay na School Year 2026–2027!