30/08/2026
Sa gitna ng patuloy na pag-ulan at paglikas ng ating mga kabarangay, ang Sangguniang Kabataan ng Barangay Baclaran ay patuloy na nakikiisa sa pagtulong at pagbibigay ng suporta sa ating mga evacuees na kasalukuyang nananatili sa Baclaran Elementary School Evacuation Center.
Ngayong araw, may kabuuang 34 ๐ป๐ฎ ๐ฝ๐ฎ๐บ๐ถ๐น๐๐ฎ o 121 ๐ถ๐ป๐ฑ๐ถ๐ฏ๐ถ๐ฑ๐๐ฎ๐น ang nabigyan ng libreng pagkain bilang munting tulong at paraan ng pagpapakita ng malasakit sa ating mga kababayan na pansamantalang lumikas mula sa kanilang mga tahanan.
Sa panahon ng pangangailangan, pinatutunayan natin na ang pagkakaisa, bayanihan, at malasakit ay mahalagang sandigan ng bawat isa. ๐โค๏ธ
Maraming salamat sa lahat ng tumulong at naging bahagi ng munting hakbang na ito. Patuloy tayong magtulungan at magmalasakit para sa ating Barangay Baclaran