14/08/2026
"Hindi lang tayo nagtatanim ng mga punla. Nagtatanim din tayo ng pag-asa"
Ito ang mahalagang mensahe ni MAYOR Dennis DENHA Hain sa paglulunsad ng Adopt-A-Lot Project at Gulayan sa Aplaya Project na ginanap ngayong araw sa Cabuyao Retail Plaza, sa pangunguna ng ating Cabuyao Agriculture Office.
Ang programa ay dinaluhan ng mga benipisyaryo mula sa iba't-ibang sektor kagaya ng Homeowner's Associations, grupo ng magsasaka at fisher folks, at mga kinatawan mula sa iba't-ibang Elementary schools na silang makikinabang sa nasabing programa.
Nakiisa din sa programang ito ang iba't-ibang ahensya ng LGU tulad ng Cabuyao City Disaster Risk Reduction and Management Office, CUDHAO-Cabuyao City, Cabuyao City Nutrition Office, at Sangguniang Panglunsod sa pangunguna ni Vice Mayor Junjun Del Rosario Batallones sa layunin na siguruhin ang nutrisyon, seguridad sa pagkain, at tiyak na pagkakakitaan mg mga benipisyaryong komunidad.
Ito'y isang malinaw na hakbang tungo sa direksyon ng isang maunlad, malusog, at sustainable na mga komunidad sa .