07/08/2026
Magandang Araw, mga Ka-Barangay Gulod! โ๐ปโค๏ธ
Bilang pakikiisa sa Ligtas Tigdas 2026: Measles-Rubella Supplemental Immunization Activity (MR SIA), hinihikayat namin ang lahat ng mga magulang at tagapangalaga na pabakunahan ang kanilang mga anak na edad 6 hanggang 59 buwan laban sa tigdas (measles) at tigdas-hangin (rubella).
Magtungo lamang sa pinakamalapit na fixed o temporary vaccination site at tiyaking mabibigyan ng nararapat na proteksyon ang inyong anak.
Libre, ligtas, at epektibo ang bakuna. Sa sama-samang pagkilos, mapapanatili nating malusog at ligtas ang bawat batang Gulod at ang buong komunidad.
Ligtas Tigdas, Ligtas na Kinabukasan! ๐๐ถโค๏ธ