19/08/2026
MALUGOD NA PAGBATI SA LIMANG (5) PRESIDENTIAL SCHOLARS NG BARANGAY MATAAS NA LUPA! 🎉
Isang taos-pusong pagkilala at pagbati mula Pamahalaang Barangay ng Mataas na Lupa para sa limang (5) Kwalipikadong kabataan na naging benepisyaryo ng Presidential Scholarship sa ilalim ng SCPF Bawat Barangay Makikinabang Program.
Sa tulong ng inisyatibong ito, nagkaloob ng kabuuang ₱100,000.00 na tulong-pinansyal para sa edukasyon—kung saan ₱20,000.00 ang natanggap ng bawat scholar. Ang pondong ito ay nakalaan upang maipangkatulong sa kanilang mga gastusin sa kanilang pag-aaral
Ang Ating mga Kwalipikadong Presidential Scholars:
🎖QUEENVERE M. AFRICA
🎖NIÑO JEGGENS D. CONTI
🎖RALPH VINCENT S. HORNILLA
🎖SAIRA D. NATAL
🎖PAUL JHON C. ORDIALES
Ang probisyong ito mula sa Socio-Civic Projects Funds (SCPF) – Bawat Barangay Makikinabang Program ay patunay ng walang-sawang pagsuporta ng pamahalaan sa pagpapalawak ng oportunidad sa edukasyon at pagpapahalaga sa hinaharap ng kabataang Pilipino.
Sa pangunguna ni Punong Barangay Danilo M. Africa kasama ang buong Sangguniang Barangay, buong-puso naming ipinapaabot ang aming pagmamalaki sa ating mga Presidential Scholars. Nawa'y maging lakas at inspirasyon ninyo ito upang patuloy na magsumikap sa pag-aaral, manatiling matatag sa pag-abot ng inyong mga pangarap, at maging inspirasyong pinuno na mag-aangat sa ating komunidad at sa buong bansa.
🎉 Muli, Isang Mainit na Pagbati sa Inyo! Ang inyong tagumpay ay tunay na karangalan at pagmamalaki ng buong Barangay Mataas na Lupa.