31/08/2021
Calling for VOLUNTEERS and DONATIONS!
Naranasan nyo na bang ma-Quarantine? yung hindi kayo maaring lumabas man lang para makabili ng makakain, kung ganon mas maiintindihan ninyo kung para san at kung gano kahalaga ng proyektong ito.
Inilulunsad ng mga mamamayan ng Niugan ang isang proyekto na naglalayon na makapagpakain ng mga naka quarantine natin na kabarangay (kapitbahay). Ang Tulungan sa Niugan: Kusinang Bayan para sa mga Covid Positive Patient at mga naka-Quarantine nilang mga kapamilya ay parang COMMUNITY PANTRY o SOUP KITCHeN ng LUTONG PAGKAIN na dadalhin sa mga bahay ng mga nangangailangan nating mga barangay. Ang maramdaman nilang sila ay may karamay sa mga ganitong oras ng pangangailangan ay napaka laking bagay na para sa lahat.
Kami ay nananawagan para sa mga DONATIONS na ingredients na pwede maluto, at mga VOLUNTEERS na pwede makatulong (maggayat, magluto, mag pack ng mga pagkain) na siya naman dadalhin ng ating mga katuwang na mga frontliners sa mga bahay bahay ng mga naka quarantine at isolate na kababayan.
Para sa mga intresadong makibahagi sa proyektong ito, i-PM nyo lang po ako. Atin pong i aacknowledge ang lahat ng contribution maliit man o malaki para sa ating mga kababayan.
Maging makabagong bayani sa sarili mong bayan!