PWD Brgy Pob Tres

PWD Brgy Pob Tres A safe and friendly space for the PWD community of Brgy. Poblacion Tres. Stay connected, informed, and empowered through updates, events, and helpful programs✨️

21/08/2026

Bibigyang-pansin ng Pamahalaang Panlalawigan ang mental health services sa Laguna kasunod ng patuloy na pangangailangan ng mga residente para sa mas accessible at abot-kayang serbisyong pangkalusugan. Isa sa mga hamon ng ilan ay ang mataas na halaga ng psychiatric consultation, na maaaring umabot sa humigit-kumulang ₱2,000 kada session, dahilan upang ipagpaliban ng iba ang pagpapakonsulta kahit kinakailangan nila ito.

Bilang tugon, inanunsiyo ni Governor Sol Aragones na available na ang psychiatric services sa Laguna Medical Center tuwing Huwebes at Biyernes. Samantala, pagsapit ng Setyembre, magkakaroon na rin ng psychiatrist sa JP Rizal Hospital tuwing Sabado at Linggo. Plano rin ng pamahalaang panlalawigan na magdagdag ng mga guidance counselor upang mas mapalawak pa ang suporta para sa mental health ng mga Lagunense.






04/08/2026
Pakikiisa ng mga taga-Barangay Poblacion Tres sa programang inihandog ng SAMAKASACAB bilang paggunita sa 48th National D...
25/07/2026

Pakikiisa ng mga taga-Barangay Poblacion Tres sa programang inihandog ng SAMAKASACAB bilang paggunita sa 48th National Disability Rights Week.

Sama-sama nating isulong ang isang lipunang inklusibo, may pagkakapantay-pantay, at may malasakit sa bawat Person with Disability (PWD). 💙♿

23/07/2026
Ang mga kinatawang miyembro ng PWD mula sa Brgy. Poblacion Tres ay buong pusong lumahok sa programang NUTRI-KABUHAYAN bi...
22/07/2026

Ang mga kinatawang miyembro ng PWD mula sa Brgy. Poblacion Tres ay buong pusong lumahok sa programang NUTRI-KABUHAYAN bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng 48th National Disability Rights Week.

Patuloy nating isinusulong ang kalusugan, kabuhayan, at pantay na oportunidad para sa lahat ng Persons with Disabilities (PWD). Sama-sama nating ipagpatuloy ang pagtataguyod ng isang inklusibo, may malasakit, at patas na komunidad para sa bawat isa.





PhilHealth Yakap Gamot sa Bagong Cabuyao Boticab☝️❤️MAGANDANG UMAGA CABUYEÑOPaano mag-claim ng Yakap Gamot Benefits?1. M...
17/07/2026

PhilHealth Yakap Gamot sa Bagong Cabuyao Boticab☝️❤️

MAGANDANG UMAGA CABUYEÑO

Paano mag-claim ng Yakap Gamot Benefits?

1. Magparehistro sa isang Yakap-accredited Facility o Clinic gaya nang CHO1,
CHO2 at CCH.

1. Magpatingin o magpakonsulta sa inyong rehistradong Yakap Facility o
Clinic.

1. Kung kinakailangan ng gamot, bibigyan kayo ng Yakap-accredited doctor
ng PhilHealth GAMOT Prescription.

1. Siguraduhing ang reseta ay may nakasaad na mga iniresetang gamot at
may UPSC o QR Code.

1. Dalhin ang reseta sa Botika ng Cabuyao (BOTICAB) upang ma-claim ang
inyong mga benepisyo.
Mga Mahahalagang Paalala
*Hanggang P20,000 halaga ng gamot ang maaaring ma-avail ng bawat
miyembro kada taon.

*May humigit-kumulang 54 uri ng gamot na maaaring makuha sa ilalim ng
programa.

*Tandaan: Mahalagang magpakonsulta sa isang Yakap-accredited
Facility o Clinic upang mabigyan ng tamang PhilHealth GAMOT
Prescription na magagamit sa Botika ng Cabuyao.

*Isa na⁷ namang dagdag na benepisyo para sa bawat Cabuyaneo tungo sa
mas abot-kaya at mas accessible na hain pangkalusugan para sa lahat.








------
Available na ang PhilHealth YAKAP Gamot sa Botika ng Cabuyao (BOTICAB), City Hall.

Dalhin lamang ang inyong PhilHealth Gamot Prescription upang makakuha ng mga available na gamot, alinsunod sa mga alituntunin ng programa.

Narito ang sample ng PhilHealth Gamot Prescription bilang inyong gabay.






14/07/2026

PWDs sa Cabuyao, Tumanggap ng Financial Assistance mula sa Pamahalaang Lungsod

CABUYAO CITY, Laguna — Patuloy na ipinatutupad ng Pamahalaang Lungsod ng Cabuyao ang financial assistance para sa mga Persons with Disabilities (PWDs) bilang bahagi ng mga programang pangkabuhayan at panlipunang naglalayong mapagaan ang kanilang pang-araw-araw na gastusin.

Ayon sa pamahalaang lungsod, layunin ng programa na magbigay ng tuluy-tuloy na suporta sa mga kwalipikadong PWD beneficiaries at matiyak na may sapat silang tulong para sa kanilang pangunahing pangangailangan.

Ipinapakita rin ng inisyatibang ito ang patuloy na pagsusulong ng administrasyon ng Bagong Cabuyao ng isang mas inklusibo, makatao, at maalagang pamahalaan na nagbibigay ng pantay na pagkakataon at suporta sa lahat ng sektor ng lipunan.

Patuloy namang hinihikayat ng lokal na pamahalaan ang pagkakaisa ng komunidad sa pagsusulong ng mga programang naglalayong mapabuti ang kalidad ng buhay ng bawat Cabuyeño.

*"Bagong Cabuyao, walang naiiwan. Sama-sama sa pag-unlad."

Bagong Cabuyao CIO
MAYOR Dennis DENHA Hain
Junjun Del Rosario Batallones
Richard Dondon Hain
Batang Cabuyao

Address

Brgy Poblacion Tres
Cabuyao
4025

Opening Hours

Monday 9am - 9pm
Tuesday 9am - 9pm
Wednesday 9am - 9pm
Thursday 9am - 9pm
Friday 9am - 9pm
Saturday 9am - 9pm
Sunday 9am - 9pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when PWD Brgy Pob Tres posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share