LTO-Cadiz City District Office

LTO-Cadiz City District Office Official Page of LTO Cadiz City District Office

02/09/2026
02/09/2026
01/09/2026

π‹π“πŽ, π”πŒπ€πŠπ’π˜πŽπ 𝐒𝐀 π‘πŽπ€πƒ 𝐑𝐀𝐆𝐄 𝐍𝐀 πŠπˆππ€π’π€ππ†πŠπ”π“π€π 𝐍𝐆 πŒπ†π€ πƒπ‘πˆπ•π„π‘ 𝐍𝐆 π“π€π—πˆ 𝐀𝐓 π“π‘π”π‚πŠ; π’π‚πŽ πˆππˆπ‹π€ππ€π’, πŒπ†π€ π‹πˆπ’π„ππ’π˜π€ π’π”π’ππ„ππƒπˆπƒπŽ, π’π€π’π€πŠπ˜π€π πˆππ€π‹π€π‘πŒπ€

Agad na kumilos ang Land Transportation Office (LTO), sa ilalim ng pamumuno ni Assistant Secretary Markus V. Lacanilao, matapos makarating sa ahensya ang viral video ng isang road rage incident na kinasangkutan ng isang taxi at isang truck. Dahil dito, naglabas ang LTO ng Show Cause Order (SCO) laban sa dalawang driver at kanilang mga rehistradong may-ari.

Batay sa video na inilabas ng page na β€œThe Visor,” makikita ang tatlong indibidwal na sakay ng truck na sabay-sabay na umaatake at nananakit sa isang taxi driver sa gitna ng kalsada. Sa naturang pangyayari, nakapuwesto rin ang truck sa paraang nakahahadlang sa maayos na daloy ng trapiko.

Samantala, sa hiwalay na video na nakarating sa ahensya, makikitang naghagis ng isang bagay ang taxi driver at ilang ulit na hinampas ng tubo ang windshield ng truck. Matapos nito, hinabol niya ang mga sakay ng truck habang dala pa rin ang tubo at nakipagtalo sa driver nito. Nagpatuloy ang komprontasyon hanggang sa hampasin niya ang pintuan sa bahagi ng driver, na nagresulta sa pagkabasag ng salamin nito.

Dahil sa ipinakitang pag-uugali ng mga sangkot na driver sa kalsada, agad na nagsagawa ng kaukulang aksyon ang LTO. Kinakailangan nilang humarap sa tanggapan ng Intelligence and Investigation Division (IID) ng LTO Central Office para sa pagdinig sa Setyembre 7, 2026 at magsumite ng kanilang sinumpaang salaysay o paliwanag, kalakip ang mga dokumentong maaaring sumuporta sa kanilang panig kaugnay ng insidente.

Kabilang sa mga dapat nilang ipaliwanag ay kung bakit hindi sila dapat managot sa mga paglabag na nakasaad sa SCO. Kailangang ipaliwanag ng truck driver kung bakit hindi siya dapat managot sa paglabag na Obstruction of Traffic, gayundin kung bakit hindi dapat ideklarang Improper Person to Operate a Motor Vehicle ang dalawang driver, na maaaring humantong sa pagsuspinde o pagbawi ng kanilang mga lisensya sa pagmamaneho.

Samantala, kinakailangan ding ipaliwanag ng rehistradong may-ari o operator ng taxi kung bakit hindi siya dapat managot sa paglabag na Employing Reckless, Insolent, Discourteous or Arrogant Drivers kaugnay ng pag-uugali ng kanyang driver.

Kasabay ng pagpapalabas ng SCO, kinakailangang isuko ng mga sangkot na driver ang kanilang mga lisensya sa IID at ipatutupad ang 90-araw na preventive suspension. Inilagay din sa alarm status ang truck at pampasaherong taxi habang nagpapatuloy ang imbestigasyon.

β€œAng lisensya sa pagmamaneho ay hindi pribilehiyong dapat napupunta sa mga taong walang kontrol sa sarili at ginagawang lugar ng karahasan ang kalsada. Hindi ito katanggap-tanggap. Hindi namin kukunsintihin ang ganitong marahas na pag-uugali at sisiguraduhin naming mananagot ang mga sangkot,” pahayag ni Asec. Lacanilao.

Muling ipinapaalala ng LTO na mahigpit nitong ipatutupad ang mga patakaran laban sa road rage at anumang uri ng karahasan sa kalsada. Hinihikayat ang lahat ng motorista na pairalin ang disiplina, pagpipigil sa sarili at paggalang sa kapwa. Sa halip na makipagtalo o gumanti, manatiling kalmado at unahin ang kaligtasan ng lahat. Ang motoristang pinagkalooban ng lisensya ay inaasahang may disiplina.

01/09/2026

πŒπ€ππ€ππ†π€ππˆπ 𝐍𝐀 𝐏𝐀𝐆-πŽπŽπ•π„π‘π“π€πŠπ„ 𝐍𝐆 ππ€πŒππ€π’π€π‡π„π‘πŽππ† 𝐁𝐔𝐒, πˆππ€πŠπ’π˜π”ππ€π 𝐍𝐆 π‹π“πŽ; π’π‚πŽ πˆππˆπ‹π€ππ€π’, π‹πˆπ’π„ππ˜π€ 𝐍𝐆 πƒπ‘π€π˜ππ„π‘ π’π”π’ππ„ππƒπˆπƒπŽ 𝐀𝐓 𝐁𝐔𝐒 πˆππ€π‹π€π‘πŒπ€

Sa ilalim ng pamumuno ni Land Transportation Office (LTO) Chief, Assistant Secretary Markus V. Lacanilao, agad na umaksyon ang ahensya at nagpalabas ng Show Cause Order (SCO) laban sa rehistradong may-ari at itinalagang drayber ng isang pampasaherong bus kaugnay ng isang insidenteng namataang mapanganib ang pagmamaneho.

Batay sa video na nakarating sa ahensya at nagsilbing batayan ng imbestigasyon, makikitang mapanganib na nag-overtake ang naturang bus at tumawid sa solid yellow lane na nagsisilbing traffic sign na nagbabawal sa pag-overtake at pagdaan sa kabilang linya.

Dahil sa malinaw na paglabag ng drayber, inaatasan ito na humarap sa tanggapan ng Intelligence and Investigation Division (IID) ng LTO Central Office para sa pagdinig sa Setyembre 4, 2026, at magsumite ng sinumpaang salaysay o paliwanag, kalakip ang mga dokumento na maaaring sumuporta sa kanilang paliwanag hinggil sa insidente.

Inaatasan ang drayber na magpaliwanag kung bakit hindi siya dapat maharap sa mga kaukulang paglabag sa ilalim ng R.A. 4136 na nakasaad sa SCO, kabilang ang Reckless Driving, Disregarding Traffic Sign, at Driving Against Traffic, gayundin kung bakit hindi dapat suspindihin o tuluyang bawiin ang kanyang lisensya dahil sa pagiging Improper Person to Operate a Motor Vehicle.

Samantala, kinakailangan din ipaliwanag ng rehistradong may-ari kung bakit hindi siya dapat managot sa mga paglabag na Employing Reckless, Insolent, and Arrogant Driver, at Breach of Franchise Conditions.

Isinailalim na rin sa alarm status ang naturang bus habang nagpapatuloy ang imbestigasyon. Kinakailangan namang isuko ng driver ang kanyang lisensya sa pagmamaneho sa IID, na isasailalim sa 90-araw na preventive suspension.

"Hindi namin palalampasin ang ganitong mapanganib na pagmamaneho, lalo na sa pampasaherong bus. Kung hindi kayang sumunod sa batas-trapiko, haharap sa pananagutan, ipatutupad namin ang nararapat na parusa,” saad ni Asec. Lacanilao.

Muling nagpapaalala ang LTO sa lahat ng motorista na mahigpit na sumunod sa batas-trapiko at iwasan ang anumang uri ng mapanganib na pagmamaneho. Patuloy na magsasagawa ng kaukulang aksyon ang ahensya laban sa mga lalabag upang matiyak ang kaligtasan ng lahat ng gumagamit ng kalsada.

Samantala, patuloy hinihikayat ng LTO ang publiko na iulat ang mga nasasaksihang paglabag sa opisyal na page na I-report mo kay LTO Chief o sa website na https://ireportmokayltochief.ph/ para sa maagap na imbestigasyon ng ahensya. Dahil sa LTO, bawat ulat ng paglabag, may aksyon.

Address

Gustilo Boulevard Brgy. Zone 1
Cadiz City
6121

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when LTO-Cadiz City District Office posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share