08/10/2022
It has been a year since October 7, 2021, diving head first into the biggest fight of my life.
After the elections, one of the things I really wanted to do was to write about my experience from this extraordinary journey—mula sa panahong nagdedesisyon pa lang ako, hanggang sa dulo ng ating People’s Campaign.
So today, as many of us look back on the wonderful memories of the campaign, allow me to share: Our book, TAYO ANG LIWANAG, will be available on pre-order soon. Watch out for more details in the coming daysđź’–
I also want to take the time to thank our volunteers, who keep the spirit of Bayanihan alive. I've been seeing so many posts, remembering when our movement was born last year. Mula nu'ng araw na nag-file ako ng COC, dumami nang dumami ang mga Pilipinong nagkakawang-gawa na tumaya para sa Pilipinas ng ating mga pangarap. Napakahirap ng ating naging laban, pero puno ng galak at pasasalamat ang bawat pagbabalik-tanaw.
Isang taon mula noon, buhay na buhay pa rin ang bolunterismo. Sinisikap nating kupkupin ang alab ng pag-asang ito sa Angat Buhay. Ang ating volunteers ang lakas ng ating mga inisiyatibong isinasagawa: sa Community Learning Hubs, Bayanihan E-Konsulta, at : Lusog, Galing, Sigla convergence program. Tuwing may sakuna, mabilis na tumutugon ang ating mga volunteers para makapagbigay ng agarang tulong.
Nakakatuwa ring makita na marami sa ating volunteer groups ang nag-transition na sa pagiging civil society organizations. Ang kanilang lakas, nakatuon sa pagpapabuti ng kani-kanilang komunidad. Excited na kami sa pagtupad ng hangaring na bumuo ng isang malaking network of volunteers, para mapalalim ang pundasyon ng people’s participation sa ating bansa.
The memories being shared by our volunteers today remind us that we can do so much more for our country. Nawa’y patuloy na magsilbing gabay sa ating lahat ang pagmamahal natin sa ating bayan, na ipinamalas natin sa nagdaang taon. Walang pinipiling kulay ang paglilingkod. Tuloy lang tayo. Tuloy ang bayanihan: Para sa kapwa, para sa bayan.