02/09/2026
๐๐๐๐๐๐! ๐ ๐ฎ๐ด-๐ถ๐ป๐ด๐ฎ๐ ๐น๐ฎ๐ฏ๐ฎ๐ป ๐๐ฎ ๐บ๐ด๐ฎ ๐ต๐ถ๐ป๐ฑ๐ถ ๐ฎ๐๐๐ผ๐ฟ๐ถ๐๐ฎ๐ฑ๐ผ๐ป๐ด ๐ป๐ฎ๐ด-๐ฎ๐ฎ๐น๐ผ๐ธ ๐ป๐ด ๐๐ฒ๐ฟ๐ฏ๐ถ๐๐๐ผ ๐ฝ๐ฎ๐ฟ๐ฎ ๐๐ฎ ๐ฆ๐ฒ๐ฎ๐๐ผ๐ป๐ฎ๐น ๐ช๐ผ๐ฟ๐ธ๐ฒ๐ฟ๐ ๐ฃ๐ฟ๐ผ๐ด๐ฟ๐ฎ๐บ ๐๐ฎ ๐๐ผ๐ฟ๐ฒ๐ฎ
Pinaalalahanan ng Department of Migrant Workers (DMW) ang mga lokal na pamahalaan (LGUs) na kalahok sa Seasonal Workers Program (SWP) ng Republic of Korea na mag-ingat sa mga hindi awtorisadong kumpanya at indibidwal na nag-aalok ng serbisyo o partnership para sa recruitment, training, at deployment ng mga aplikanteng nais magtrabaho bilang seasonal workers sa South Korea.
Sa Advisory No. 54, Series of 2026, binigyang-diin ng DMW na mahigpit na ipinagbabawal ang paggamit ng mga broker sa recruitment at deployment ng seasonal workers. Nilinaw rin ng ahensya na walang pribadong kumpanya sa Korea ang awtorisadong magsagawa o mag-facilitate ng sisterhood o twinning agreements sa pagitan ng mga local government units sa Pilipinas at South Korea para sa pagpapatupad ng Seasonal Workers Program. Tanging ang Korea Agency of Education, Promotion and Information Service in Food, Agriculture, Forestry and Fisheries (EPIS) ang kinikilalang "Central Government Agency Specialized in the Seasonal Worker Program" ng pamahalaan ng South Korea.
"Ito ay mahalagang paalala sa ating mga LGUs na bahagi ng Seasonal Workers Program sa Korea na huwag makipag-ugnayan sa mga hindi awtorisadong kumpanya o indibidwal para masiguro natin ang kapakanan at proteksyon ng ating mga Pilipinong seasonal workers ayon sa ating mga regulasyon na itinakda patungkol sa overseas employment," pahayag ni Department of Migrant Workers Secretary Hans Leo J. Cacdac alinsunod sa tagulibilin ng Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na bigyan ng proteksyon ang mga OFW. Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa Seasonal Workers Program, maaaring makipag-ugnayan ang mga LGU sa Pre-Employment and Government Placement Bureau (PEGPB) ng DMW sa Ground Floor, DMW Building, Ortigas Avenue corner EDSA, Mandaluyong City, tumawag sa (02) 8722-1177, o mag-email sa [email protected]. # # #