12/09/2022
| Halina at makilahok sa pagbubukas ng ika-59 na Linggo ng Pangisdaan! Sa temang “Pagkain ng Bansa Siguruhin, Likas-Kayang Produksyon ng Isda Isulong Natin,” sama-sama nating isulong ang isang masigla at likas-kayang sektor ng pangisdaan tungo sa maunlad na ekonomiya at kasiguraduhan ng pagkain sa bansa.
Tunghayan ang mga inihandang aktibidad ng DA-BFAR tulad ng paglulunsad ng Fisheries Business Center sa DA-BFAR Central Office, ang cooking showdown tampok ang mga indigenous at endemic species ng isda, pati na rin ang FISHONISTA: Creative Costume Contest at ang ISDANCE: The Fish Move Dancing Contest.
Abangan ang LIVESTREAM bukas ng umaga, ika-8 ng umaga, ika-12 ng Setyembre, 2022. Kitakits!