NFA Misamis Oriental

NFA Misamis Oriental VISION

An efficient, modern and resilient food agency providing food security and food sufficiency for all Filipinos in times of calamities and emergencies.

MISSION

The NFA shall:
1. Help improve the lives of the Filipino rice farmers by safeguarding their profitability.
2. Ensure strategically located buffer stocks for faster rice issuance.
3. Promote adoption of advanced and environmentally sustainable technologies for optimized operations.
4. Actively support the Philippines' transition towards becoming a disaster-resilient nation. MANDATE

The N

FA shall maintain sufficient rice buffer stock to be sourced solely from local farmers and distributed efficiently especially during calamities and emergencies. CORE VALUES

• Service Excellence
• Organizational Awareness and Commitment
• Professionalism
• Interpersonal Relations
• Accountability

26/05/2026

Ang “BUFFER STOCKING” ng bigas na minandato sa National Food Authority sa bisa ng Rice Tariffication Law (RA11203) ay ang pagpapanatili ng sapat na imbentaryo o reserbang bigas ng gobyerno para magamit sa panahon ng kalamidad, emergency, o kakulangan sa suplay.

Bumibili ang NFA ng palay mula sa lokal na magsasaka Ang binibiling palay ay iniimbak sa mga bodega ng NFA bilang reserve stock.

GAANO KARAMI ANG BUFFER STOCK NG NFA?

Sa kasalukuyang mandato, target ng NFA ang humigit-kumulang 15 days national rice buffer stock.

Ibig sabihin: Bigas para sa emergency consumption ng bansa sa loob ng mga 15 araw.

ILANG PORSYENTO NG KABUUANG ANI NG PILIPINAS ANG KAILANGANG BILHIN NG NFA PARA SA BUFFER STOCKING?

Noong 2024, sa datos ng Philippine Statistics Authority, umabot ang kabuuang palay production ng Pilipinas sa 19.09 million metric tons habang ang procurement ng NFA ay 443,600 metriko tonelada.

Umabot lamang sa 2% hanggang 3% ng kabuuang palay production ng bansa ang direktang nabibili ng NFA.

ANO ANG SISTEMA NG NFA SA PAMIMILI NG PALAY?

Dahil maliit lamang ang bahagi ng kabuuang ani ng bansa na direktang binibili ng NFA, kaya ang nakikita sa sistema nila ay:

- hindi agresibong farmgate procurement,
-walang malawakang hauling operations,
-at modernong drying facilities na direktang kontrolado ng gobyerno.

Sa aktwal na setup, madalas:

-magsasaka pa ang naghahatid ng palay sa buying stations,

-sila rin ang kailangang magpatuyo upang pumasa sa moisture standards,

-habang ang NFA ay limitado lamang sa pagtanggap ng kwalipikadong palay.

NFA Region X Kinilala Bilang Isa sa mga Partner Agencies ng Lalawigan ng Misamis OrientalSa pagdiriwang ng Buwan ng Mayo...
18/05/2026

NFA Region X Kinilala Bilang Isa sa mga Partner Agencies ng Lalawigan ng Misamis Oriental

Sa pagdiriwang ng Buwan ng Mayo bilang Buwan ng mga Magsasaka at Mangingisda, kinilala ng Lalawigan ng Misamis Oriental, sa pangunguna ni Gov. Juliet Uy at ng Provincial Agriculture Office, ang National Food Authority (NFA) Region X bilang isa sa mga pangunahing partner agencies ng lalawigan. Isinagawa ang seremonya nitong Mayo 18, 2026, sa flag raising ng mga kawani ng Misamis Oriental sa Provincial Capitol Grounds.

Sa okasyon, pinasalamatan ng gobernador ang NFA sa patuloy nitong suporta sa lalawigan, lalo na sa pag-supply ng bigas para sa P20 Rice Program. Ipinahayag din niya ang kanyang buong suporta sa mga programa at inisyatiba ng ahensya.

Kasunod ng seremonya, nakilahok ang NFA Regional Office X at ang Misamis Oriental Branch Office sa isang Round Table Discussion kasama ang PAGRO at iba pang ahensya ng gobyerno. Dito, ipinaliwanag nina Assistant Regional Manager Rejorie R. Onde at Misamis Oriental Acting Branch Manager Kharren A. Retiza ang mandato ng NFA, pati na rin ang mga programa at nagawa ng Misamis Oriental Branch Office at ng buong Region X sa ilalim ng pamumuno ni Regional Manager Miguel S. Tecson.
Ang aktibong partisipasyon ng NFA sa mga gawaing ito ay isang malinaw na pagpapakita ng kanilang pakikiisa at pagpapahalaga sa mga magsasaka at mangingisda ng lalawigan.


16/05/2026

Mga benepisyaryo ng 4Ps sa Misamis Oriental, patuloy na nagpapasalamat sa P20 Rice Program o Benteng Bigas Meron Na.

16/05/2026

Malaki ang naitulong ng P20 program o Benteng Bigas Meron na (BBM) sa mga DA-DOLE beneficiaries dahil nabigyan sila ng pagkakataong makabili ng mas murang bigas sa halagang ₱20 kada kilo, na malaking ginhawa sa kanilang pang-araw-araw na gastusin. Sa pamamagitan nito, nabawasan ang pasanin ng mga minimum wage earners at iba pang benepisyaryo dahil mas lumaki ang natitipid nilang budget para sa iba pang pangunahing pangangailangan ng pamilya.




National Food Authority NFA Larry Lacson Mike Tecson Rejoice R. Onde NFA Northern Mindanao Region - X Kai Asingua Kathy Kitz

Bilang bahagi ng pagpapatibay ng koordinasyon at suporta sa seguridad sa pagkain, nagsagawa ang NFA ng Ugnayan o pagpupu...
15/05/2026

Bilang bahagi ng pagpapatibay ng koordinasyon at suporta sa seguridad sa pagkain, nagsagawa ang NFA ng Ugnayan o pagpupulong kasama ang mga farmer-members ng Solana Rice Farmers Association (SORFA) ng Solana, Jasaan, Misamis Oriental, katuwang si Rice Technician Aiza Amor Agbong ng LGU Jasaan.

Basahin ang buong ulat sa comment section ⬇️


May 7, 2026– Ipinagmalaki ng NFA Misamis Oriental Branch Office ang limang mag-aaral mula sa University of Science and T...
12/05/2026

May 7, 2026– Ipinagmalaki ng NFA Misamis Oriental Branch Office ang limang mag-aaral mula sa University of Science and Technology of Southern Philippines (USTP) na matagumpay na nakatapos ng kanilang On-the-Job Training (OJT), na umabot sa kabuuang 486 na oras o mahigit tatlong buwan.

Pinuri at pinasalamatan sila ni RM Miguel S. Tecson, Acting BM Kharren A. Retiza, at ng mga empleyado ng branch sa kanilang sipag, dedikasyon, at kahusayan, lalo na sa pagtulong sa pamamahagi ng P20 Rice Program. Ang kanilang kasipagan at positibong kontribusyon ay tunay na kahanga-hanga at nag-iwan ng magandang impresyon sa buong tanggapan.

Ang pagtanggap ng mga estudyante bilang OJT trainees ay bahagi ng misyon ng ahensya na suportahan ang edukasyon at bigyan ang mga kabataan ng pagkakataong maranasan ang buhay bilang isang lingkod-bayan. Bukod sa pagpapalakas ng kanilang kasanayan, pinapalalim din nito ang pagpapahalaga sa propesyonalismo at responsibilidad sa serbisyo publiko.


Daghan Salamat Local Government Units of Cagayan de Oro!
11/05/2026

Daghan Salamat Local Government Units of Cagayan de Oro!


10/05/2026

Sa bawat abot-kayang kilo ng ₱20 na bigas, may kasamang pag-asa at ginhawa para sa mga pamilyang Pilipino. 🌾❤️


Bilang bahagi nang patuloy na pagpapaigting ng programa sa pagbili ng palay, nagsasagawa ang NFA Misamis Oriental ng ser...
09/05/2026

Bilang bahagi nang patuloy na pagpapaigting ng programa sa pagbili ng palay, nagsasagawa ang NFA Misamis Oriental ng serye ng koordinasyon at pagpupulong kasama ang mga Municipal Agriculture Officers (MAO), rice technicians, at mga rice farmers upang maipabatid ang bagong pamamaraan at mas mataas na buying price ng palay sa ilalim ng Flexible Price Range Scheme.

Basahin ang buong ulat sa comment section ⬇️


Upang matiyak ang tuloy-tuloy at sapat na suplay ng bigas para sa mga programa ng pamahalaan at mga relief operations, n...
08/05/2026

Upang matiyak ang tuloy-tuloy at sapat na suplay ng bigas para sa mga programa ng pamahalaan at mga relief operations, nagsagawa ang NFA Misamis Oriental ng mga test-milling activities bilang bahagi ng hakbang sa pagpapabilis nang pagdaragdag ng imbentaryo at paghahanda para sa procurement at implementasyon ng contracted milling services.

Read full story in comment ⬇️


Address

Baloy, Tablon
Cagayan De Oro
9000

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Telephone

+639054136905

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when NFA Misamis Oriental posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to NFA Misamis Oriental:

Share