Jane's Library

Jane's Library I only post my stories here! 📝
Enjoy reading!đź“•

C R I S T I N AWritten by: JaneCHAPTER 16Ilang buwan nang nakalipas at palagi nalang wala sa sarili si Dina, lage rin si...
30/06/2023

C R I S T I N A

Written by: Jane

CHAPTER 16

Ilang buwan nang nakalipas at palagi nalang wala sa sarili si Dina, lage rin siyang napapagalitan ng kaniyang ama lalo na kapag ito ay lasing. Palaging ibinabalik ng kaniyang ama ang lahat ng ginawa niya at araw araw itong sinusumbat sa kaniya

Wala namang magawa si Dina kundi ang mag tiis dahil bukod sa wala siyang trabaho Na mapapasukan ay wala rin siyang ibang mapupuntahan, hindi noon palakaibigan si Dina dahil masyadong mahigpit ang kaniyang mga magulang sa kaniya at lage lang siyang nasa bahay kaya naman ay wala siyang kaibigang masasandalan.

Dumating ang araw ng kapanganakan niya at dahil kapos sila noon ay sa kanilang bahay lang siya nanganak

“Lalaki” Ani ng matandang nagpaanak Kay Dina habang naka ngiti ito

Walang ganang iniwas ni Dina ang tingin sa batang iniluwal niya

“Anong pangalan niya anak?” tanong ng ina ni Dina

“Toni” matabang Na sagot ni Dina

Agad namang binihisan ni Nilda ang apo pagkatapos ay tinawag si Tina

“Tina? Halika muna dito” tawag ni Nilda sa apo. Lumapit naman si Tina at pinag masdan ang kaniyang kapatid Na natutulog, napangiti nalang siya sa tuwa dahil sa wakas ay pakiramdam niya hindi Na siya nag-iisa

__________

2 YEARS LATER

“HAPPY NEW YEAR!!!!!” Sabay sabay Na sigaw ng buong pamilya ni Dina at sama sama nilang sinalubong ang bagong taon

“wow! Ang ganda!” sabay Na sigaw Nina Mae at Jun Na manghang-mangha sa fireworks mula sa di kalayuan, habang naka ngiti lang Na pinagmasdan ni Tina ang kalangitan dahil bukod sa fireworks ay marami ring mga bituin roon

“Bituwin” mahinang sambit ni Tina sa kawalan habang naka ngiti

Masayang- masaya ang buong pamilya ng gabing iyon at sabay sabay rin nilang pinag saluhan ang munting handa nila sa mesa

Lumipas ang mga buwan at bumalik na naman sa dati ang buhay ni Dina Na palagi lang wala sa sarili dahil palagi Na naman siyang pinapagalitan ng ama

Kaya napag pasyahan ni Dina na lumayas at isinama niya rin ang kaniyang dalawang anak Na si Tina at Toni, balak niya ihatid ang dalawa sa kanilang ama at iwan sila doon

Ang akala ni Dina ay mamahalin ng kaniyang asawa ang kanilang mga anak ngunit kabaliktaran pala ang mangyayari at wala siyang kaalam-alam sa sasapitin ng kaniyang mga anak roon sa k**ay ng kanilang ama

-to be continued-
âš Do not copy this story without the author's permissionâš 

C R I S T I N AWritten by: JaneCHAPTER 15Poging’s POV_Kasalukoyan akong nagpuputol ng mga kahoy para panggatong namin na...
30/06/2023

C R I S T I N A

Written by: Jane

CHAPTER 15

Poging’s POV_

Kasalukoyan akong nagpuputol ng mga kahoy para panggatong namin nang may marinig akong tawag saakin, tumigil ako sa pag puputol ng kahoy at tumingin ako sa direksyon kung saan nanggagaling ang boses

Si Jun pala, ang pangalawa Kong anak at nag iisang lalaki ngunit minsan nag tataka ako kung lalaki ba Ito oh..ayuko nang isipin dahil umiinit lang ang ulo ko pag ganoon
“Baket kaba sumisigaw!? At pwede ba!? Ayusin mo iyang sigaw mo para kang babae kung tumili!” Galit Na salubong ko sa kaniya

Tumigil muna siya sa kakatili at humihingal habang naka tingin sa akin Na para bang natatakot

“P-Papa s-si..” utal-utal Na sabi niya habang hingal parin ng hingal

“Ano ba iyon?” tanong ko habang nagka dikit ang dalawang kilay

“S-si a-ate p-pa m-may..g-ga..g-ganon l-lu..l-lub-bid..l-le-eg” utal utal parin Na sabi niya habang humihingal at para bang natatakot parin

Agad ko namang naintindihan ang ibig niyang sabihin at dali dali akong tumakbo patungo sa bahay, pumasok ako sa loob at nag tungo sa kusina pagkatapos ay sa sala, nang nasa sala Na ako liningon ko ang kwarto niya at dali dali akong pumasok sa loob

Pagka pasuk ko ay nakita ko si Dina Na naka bitay sa kisame, agad Kong binunut ang itak Na nakatali lang sa aking tagiliran at pinutol ko agad ang lubid

Isang hampas ng aking itak ay putol agad ang lubid at bumagsak si Dina sa sahig, dali dali kong hinawakan ang palapulsohan niya at nakahinga naman ako ng maluwag nang mapagtanto ko Na huminga pa siya

__________

Dina’s POV_

Nagising nalang ako dahil sa malakas na sampal sa aking mukha at medyo basa pa ako, para akong binuhosan ng tubig

Tumingala ako at nakita ko si Papa Na may hawak na balde

“Walang hiya ka! Mag papak**atay ka at idadamay mo pa iyang bata Na nasa sinapupunan mo!?” bulyaw agad ni Papa saakin

Hindi ko alam ang isasagot ko sa aking ama kaya humagulgol nalang ako

“Mag papak**atay ka dahil lang sa lalaking iyon!? SA WALANG KWENTANG LALAKING IYON!? AT IDADAMAY MO PA ANG ANAK MO SA KAHIBANGAN MO!” pag sisirmon ni Papa sa akin

“Anong nangyari dito?” si mama Na halatang kakarating lang galing trabaho

“Pag sabihan mo iyang anak mo Nilda!” galit parin Na sambit ni Papa saka lumabas ng kwarto

Agad namang lumapit si mama saakin at inalalayan akong tumayo at pina upo sa k**a

“Ano bang nangyari Dina at baket may..” hindi natapos ang sasabihin ni mama ng makita niya ang putol Na lubid Na nakatali parin sa leeg ko, tumingala naman siya at napatakip nalang ng kaniyang bibig ng makita niya mula sa kisame ang kadugtong ng lubid Na nasa leeg kong nakatali pa sa kisame

“Dina! Baket mo ginawa iyon!?” galit Na tanong ni mama sa akin at ang tanging nagawa ko lang ay ang yumuko at umiyak

Hindi ko Na alam kung ano Na ang ginagawa ko, hindi ako makapag isip ng maayus. Galit Na ako sa lahat at kahit itong bata Na nasa sinapupunan ko ay idinamay ko narin, umabot pa ako sa punto na gusto ko nang malaglag itong nasa sinapupunan ko

Ginawa ko ang lahat para mawala siya, tumalontalon ako at uminom rin ako ng kung ano-ano para mawala Na siya pero p*tang*na baket hindi ito ma tanggal tanggal!

Napuno ng galit ang dibdib ko at iyon din ang simula ng pagbabago ko

-to be continued-
âš Do not copy this story without the author's permissionâš 

C R I S T I N AWritten by: Janeâš Read at your own risk! This chapter is not suitable for you if you have a weak mentalâš  p...
29/06/2023

C R I S T I N A

Written by: Jane

âš Read at your own risk! This chapter is not suitable for you if you have a weak mentalâš  pero kung matigas ang ulo mo sige go!

CHAPTER 14

“oh! Ipaliwanag mo iyan ngayon!” bulyaw ng ama ni Dina

“H-hindi po ito totoo...h-hindi” ani Dina habang umiiling

“Anong hindi totoo!?” galit Na tanong ng ama

Ipinaliwanag ni Dina ang lahat sa kaniyang mga magulang, tahimik namang nakikinig ang kaniyang ina sa kaniyang kwento at nagulat ang ama dahil sa natuklasan

“Ano!? Ibig mong sabihin hindi totoo iyang nasa sulat niya!?” galit Na tanong ng ama at tumango-tango lamang si Dina bilang sagot habang umiiyak

Batid ng ama Na nag sasabi ng totoo ang anak dahil higit siyang mas nakakakilala dito

“Ang hayop Na iyon! Nagawa ka pa niyang siraan saamin!” galit Na lintanya ng ama

Hindi makapaniwala si Dina sa ginawa ng kaniyang asawa batid niyang hindi Na nga siya mahal nito dahil nagawa pa nitong mag sinungaling para lang mapag takpan ang kaniyang ginawang kapabayaan sa kanila ng anak niya, kaya naman ay labis siyang nasaktan ng subra subra.

Parang gumuho ang mundo ni Dina sa isang iglap, alam niyang pabaya ang kaniyang asawa ngunit mahal niya parin ito sa kabila ng lahat, ang hindi niya matanggap ay iyong binitawan nalang siya basta-basta Na para bang basahan, hindi niya lubos ma isip kung ano ang ginawa niyang kasalanan gayong wala naman siyang ginawa kundi ang magpaka asawa rito. Pakiramdam ni Dina ay ipinagkalono Na siya ng kaniyang asawa at nagawa pa mismo nitong mag sinungaling sa kaniyang sariling magulang para lang magalit ang mga ito sa kaniya

Sa subrang sakit na naramdaman ni Dina hindi Na siya maka kilos ng maayus, pakiramdam niya ay walang kwenta ano man ang gawin niya

Kumuha siya nang lubid at tinali iyon sa kanilang bobong pagkatapos ay hinila niya ang mesa at pumatong roon, iginapos niya ang leeg sa dulo ng lubid

Nanginginig ang kaniyang mga tuhod habang naka patong sa mesa, luminga-linga siya habang tahimik na umiiyak Saktong walang Tao dahil nasa trabaho ang kaniyang ina Na si Nilda at ang ama naman niya ay abalang nangangahoy habang si Tina at ang kaniyang mga kapatid ay nag lalaro lang sa labas ng bahay nila

Umiyak siya ng umiyak at dahan-dahang kumawala sa pag kakapatong mula sa mesa

_________

Jun’s POV_

Ako si Jun kapatid ni ate Dina, 6 years old palang ako at kasalukoyan ako ngayong nasa labas nag lalaro kasama si Mae ang pinaka bunso namin Na kasing edad lang ni Tina

Tatlo lang kaming magkakapatid si ate Dina, ako at si Mae at masayang masaya ako dahil madadagdagan Na naman ang pamangkin ko dahil buntis si ate Dina sa pangalawa niyang anak

Sa kalagitnaan ng pag hahabolan naming tatlo bigla akong nauhaw kaya naman tumigil muna ako sa pagtatakbo

“teka muna Mae nauuhaw ako iinom muna ako ng tubig ha?” pag papaalam ko sa kapatid

“sige kuya” sagot naman niya at umupo muna silang dalawa ni Tina sa may malaking kahoy na kinahoy ni Papa kahapon

“gusto niyo din ba ng tubig? Mag dadala nalang ako rito para makainom din kayo?” tanong ko sa kanilang dalawa

“sige kuya bilisan mo ah ikaw pa naman ang taya” sagot niya at tumango lang din si Tina bilang pag sang-ayo. Kahit kailan talaga itong si Tina para namang p**i ito

Agad akong nag tungo sa loob ng bahay at kumuha ang isang baso at pitcher, uminom muna ako bago ako ulit nag salin ng tubig sa pitcher. Habang nag sasalin ako ng tubig may narinig akong ingay mula sa loob ng kwarto

Sinundan ko ang mahinang ingay at nag tataka ako dahil parang Na sasakal Na Tao ang naririnig ko mula sa kwarto ni ate, dahan dahan Kong binuksan ang pintoan ng kwarto ni ate at nagulat ako sa nakita

Nanlaki ang mga Mata ko ng makita ko si ate Na nakabitin sa kisame! Agad akong tumakbo sa labas at hinanap ko si Papa

“PAAAAAAA!!” Malakas na tawag ko Kay papa, alam Kong nasa malapit lang siya nangangahoy

“hoy kuya! Anong nangyari sayo nasaan na ang tubig namin!” inis Na tanong ni Mae saakin ngunit hindi ko siya pinansin at nilagpasan ko lamang siya

“PAPAAAAAAA!!!” Malakas na tili ko

“PA SI ATE!!! PAPAAAAAA!!!” Malakas parin na tili ko

-to be continued-
âš Do not copy this story without the author's permissionâš 

C R I S T I N AWritten by: JaneCHAPTER 13Ilang linggo nang walang maayus Na kain sina Dina at ang kaniyang anak na si Ti...
28/06/2023

C R I S T I N A

Written by: Jane

CHAPTER 13

Ilang linggo nang walang maayus Na kain sina Dina at ang kaniyang anak na si Tina at malaki ang ibinawas ng kaniyang timbang at puro sugat pa ang kaniyang balat

Napag disisyonan ni Dina na umuwi na muna sa lugar ng kaniyang mga magulang dahil bukod sa buntis siya at walang makain ay wala rin siyang ka pera-pera para sa gastosin niya sa panganganak

Hindi na nakapag paalam si Dina sa asawa dahil hindi narin naman Ito umuuwi sa kanila at ang tanging biyanan niya lang ang nag hatid sa kanila sa sakayan ng bus at pinahiram rin siya nito ang pera para may pamasahi sila

“itay kayo na ho ang bahala mag sabi Kay Dodong Na uuwi muna ako saamin” ani Dina sa biyanan

“huwag kang mag alala Dina ako Na ang bahalang mag sabi sa kaniya, mag-iingat kayu sa byahe” anito Nestor at hinaplos ang buhok ng kaniyang apo na si Tina

“Maraming-maraming salamat po sa lahat itay” sagot naman ni Dina na medyo naluluha pa

“Wala iyon Dina, pag pasensyahan mo na ang anak Kong si Dodong ha matigas talaga ang ulo nang batang iyon” pag papaumanhin naman ni Nestor Kay Dina

“Ayus lang ho itay” tipod na sagot ni Dina at ngumiti ng mapait

Bumyahe ng halos tatlong oras sina Dina at Tina at pagka rating niya sa lugar na kaniyang kinagisnan ay napa ngiti na lamang siya ng mapait ng maalala ang sitwasyon niya sa buhay niya ngayong may asawa’t anak na siya

Pagkarating niya sa bahay ng kaniyang mga magulang ay agad siyang sinalubong ng kaniyang ina

“Dina? Ikaw ba iyan?” pag aalalang tanong ng kaniyang ina

“M-ma mano po” utal na sagot ni Dina sa ina sabay nag mano at nag mano din si Tina

“ang payat payat mo na Dina at puro sugat pa iyang paa at k**ay mo, ano bang pinakain sayo ng asawa mo doon at ganyan kana ka payat ngayon? Pati itong si Tina ang payat din” mahabang lintanya ng ina Kay Dina

“Anong meron diyan?” ang ama ni Dina na kakarating lang

“Si Dina ang anak mo” kalmang sagot ng ina

Sila sina Poging at Nilda, mga magulang ni Dina

“mano po pa” salubong ni Dina sa ama at pinag mano din si Tina

Pinag masdan lamang ni Poging ang kaniyang anak at apo at umuling-iling Na lamang

“pakainin mo muna sila Nilda baka hindi pa kumakain iyan at si Tina” kalmadong saad ni Poging sa asawang si Nilda

Agad namang nag saing si Nilda para sa makakain nila Dina at Tina
Pagka tapos nilang kumain ay ipinag pahinga muna ang mag-ina

Unang gabi ni Dina sa kanila ay puno ito ng lungkot at pangungulila sa asawa hindi niya ma intindihan ang nararamdaman at lagi lamang siyang umiiyak tuwing gabi

Kapag nag darasal siya tuwing gabi ay hindi niya maiwasang mapaluha sa bigat ng kaniyang dibdib

Ilang linggo ng namalagi si Dina sa piling ng kaniyang mga magulang at alam narin ng mga ito Na nag dadalantao siya at unti unti naring lumaki ang kaniyang tiyan dahil apat Na buwan Na ito

Naaaliw naman si Dina kahit papaano dahil mayroon siyang dalawang bunsong kapatid at ang pinaka bunso naman ay halos ka edad lang ni Tina kaya kahit papaano ay may kalaron narin ito at unti unti naring naging umaayos si Tina dahil madalas Na itong nag sasalita at minsan ay kumakanta-kanta pa ito kahit hindi naman niya ma bigkas ng maayus ang kaniyang kinakanta

Unti-unti ring bumangon si Dina at nakapag simula ng maliit na negosyo Na pinagkikitaan niya, akala niya ay tuloy tuloy Na ang pag bangon niya ngunit nagk**ali siya dahil isang araw umuwi ang kaniyang ama Na galit Na galit sa kaniya

“Nilda?!” Galit nagad na bulyaw nito ng makarating sa bahay nila at dali dali namang lumapit si Nilda sa asawa

“Baket? Anong nangyari?” alalang tanong agad ni Nilda sa asawa

“asan si Dina?” pagalit na tanong nito at agad Na nilagpasan si Nilda at nag tungo sa kusina, doon nakita niya si Dina Na naka upo sa upoan sa may mesa

“pa?” takang tanong ni Dina Na may halong pag-aalala

Hinagis ni Poging ang subri na nag lalaman ng sulat sa mesa

“basahin mo” malamig na utos ni Poging sa anak

Nanginginig at dahan-dahang pinulot ni Dina ang subri, hindi pa man niya ito Na bubuksan ay kumalabog Na ng malakas ang kaniyang dibdib sa di malamang dahilan

“Ano bang pinag gagawa mo doon sa bukid at baket ganiyan ang sinulat ni Dodong!? Akala ko ba maayus kang tumira doon?” Galit Na sabi ng ama

Tiningnan ni Dina ang subri at na buksan Na pala ito hindi Na siya nag taka kung baket galit Na galit ang kaniyang ama pero ang ipinag tataka niya ay kung ano nga ba ang nilalaman ng sulat at baket ganoon nalang ma galit ang kaniyang ama sa kaniya?

Binuklat ni Dina ang sulat at binasa ito

“Dear Mama at Papa,
Pasensya na ho kayo at hindi ko Na matiis si Dina umalis kase siya nang hindi nag paalam sa akin at bago pa siya umalis ay nag nakaw po siya ng manok dito at inulam niya, iyong manok Na iyon ay hindi ho akin iyon pinaalagaan lang ho iyon sa akin. Sana maintindihan niyo ho ako, ayuko ko na hong bumalik pa si Dina dito isinasauli ko Na ho siya sa inyu dahil subrang tamad po niyan dito halos ako ho ang gumagawa lahat pati pag sasaing at pag l

C R I S T I N AWritten by: JaneCHAPTER 12Ilang araw na ang lumipas at di parin umuuwi si Dodong, mabuti nalang at nandiy...
28/06/2023

C R I S T I N A

Written by: Jane

CHAPTER 12

Ilang araw na ang lumipas at di parin umuuwi si Dodong, mabuti nalang at nandiyan ang biyanan ni Dina na si Nestor na siyang tumutulong sa kaniya paminsan-minsan

Nagka sugat sugat narin ang mga paa ni Dina gawa ng Makati ang kagat ng maliliit na lamok at naging mas sensitibo ang kaniyang balat gawa ng siya ay buntis

Ang kaniyang biyanan nalang ang nag hahatid ng makakain nilang mag-ina minsa naman ay wala silang makain kaya nap**ilitan siya manguha ng mga ubi oh di kaya ay kamoting-kahoy para kahit papaano ay malamanan ang kanilang tiyan

Isang araw umuwi si Dodong at wala na naman itong dala na kahit ano

“baket ngayon kalang umuwi?” tanong ni Dina sa kakarating lang na asawa

“ano bang ulam?” tanong nito at di pinansin ang tanong ni Dina sa kaniya

“wala na kaming kain D**g! Ilang araw kang wala dito sa bahay at iyong ama mo lang ang nag hahatid sa amin dito ng makakain namin, ano ka ba naman? Hindi mo na ba akong mahal? Baket mo ako ginaganito D**g!?” Galit na bulalas ni Dina

“oh may nag hahatid naman pala ng pagkain niyo dito e baket kapa galit?” walang ganang sagot ni Dodong sa asawa

“p*tang*na naman D**g! Hindi kaba nahihiya sa tatay mo!? Pamilya mo kami! Baket mo ipinapasa sa ama mo ang responsibilidad mo sa amin!” Galit na sigaw ni Dina sa asawa

“alam mo Dina ang ingay-ingay mo kakarating ko lang e!” sagot ni Dodong at padabog na umupo sa upoan

“buntis ako D**g! Buntis ako!” bulyaw ni Dina sa asawa at di na niya napigilan ang mga luha na lumandas na sa kaniyang pisngi

“buntis ka, oh e ano ngayon?” sagot lang niya at tinapunan ng malamig na tingin si Dina

Napahilamos nalang ng k**ay si Dina sa mukha sa di malaman kung ano pa ang sasabihin niya sa asawa niya dahil kahit ano pang sabihin niya sa asawa ay di parin nito maintindihan ang gusto niya

“alam mo ang problema sayo? Ang arte-arte mo kase aminin mo nalang na napilitan kalang na sumama sakin dito noon dahil wala kang choice! Hindi naman ako gusto ng mga magulang mo diba? E baket kapa sumunod sakin dito? Baket kapa nandito?” ani Dodong

“ano? Ako napilitan?” sabay turo ni Dina sa sarili

“Sumama ako sayo dito sa inyu dahil mahal kita! Kahit malayo ang pamilya ko hindi ko inisip iyon dahil kasama naman kita! Pamilya tayo D**g! Kaya ba ha!? Kaya ba hindi mo man lang ipinaalam sa akin noong nakalaya ka e dahil ayaw mo na akong pumunta pa rito!? Ganon na iyon D**g? Sagotin mo ako!” galit na sigaw ni Dina sa asawa habang walang tigil na umaagos ang luha sa pisngi niya

Bumuntong hininga lamang si Dodong at lumapit kay Dina

“Oo Dina tama ka, sinadya kong huwag ipaalam sayo na nakalaya na ako noon dahil ayaw ko nang makita pa ang pag mumukha mo” malamig na lintanya ni Dodong sabay alis

Hindi naman nakagalaw si Dina dahil sa narinig mula sa bibig mismo ni Dodong

Napa upo nalang siya sa sahig at humagulgul nang walang tigil

Hindi niya maipaliwanag ang sakit na nararamdaman sa dibdib niya

“baket? Baket ganito?” tanong ni Dina sa sarili habang umiiyak parin

“ano bang ginawa kong mali? Hindi ko talaga maintindihan, ano bang kulang ko?” ani Dina

Iyak lang ng iyak si Dina noong mga oras na iyon, hindi niya mawari kung ano ang gagawin at mararamdaman dahil sa bigat ng dibdib niya

_______

Lumipas ang mga araw at hindi parin umuuwi ang asawa niyang si Dodong at hirap na hirap na si Dina dahil wala siyang mapagkakakitaan at wala rin siyang mahihiraman ng pera dahil wala naman silang kapit bahay at paminsan minsan lang dumadalaw ang kaniyang biyanan dahil abal rin ito sa kaniyang mga tanim na siyang pinag kikitaan nito.
Maraming alagang manok si Dodong sa bukid at isang umaga ay na takam si Dina sa manok na pa lakad lakad sa labas ng bahay niya kaya dinakip niya ito at laking tuwa niya nang mahuli nga niya ito

Dali-dali niya itong niluto at pagkatapos ay sabay naman silang kumain ni Tina

“kain lang ng kain Tina” ani niya sa anak at tahimik lamang si Tina na kumakain

-to be continued-
âš Do not copy this story without the author's permissionâš 

C R I S T I N AWritten by: JaneCHAPTER 11Dina's POV_Nagising ako dahil napansin kong nanginginig si Tina sa tabi ko, nan...
21/06/2023

C R I S T I N A

Written by: Jane

CHAPTER 11

Dina's POV_

Nagising ako dahil napansin kong nanginginig si Tina sa tabi ko, nang hawakan ko siya ay subrang init niya kaya dali-dali akong bumalikwas mula sa k**a at nag nag pakulo ng tubig

Natataranta akong bumalik sa kwarto at ginising si Tina

“Tina? Nilalagnat ka” sabay hawak ko sa noo niya. Agad naman akong kumuha ng basahan at bumalik sa kusina

Hinanda ko ang maiinit na tubig at nilagay ko ito sa tasa at nilagyan ng luya at mga ugat-ugat ng halaman na gamot (roots of herbal plant) at kumuha narin ako ng maligamgam na tubig pagkatapos ay dali-dali naman akong bumalik sa kwarto

Pina bangon ko si Tina at pinunasan ko ang noo niya at leeg dahil namamawis na siya

“pa’no ba ’to? Wala tayong gamot at wala rin tayong pera pambili ng gamot mo at kahit pampa check up mo Tina, walang-wala tayo ngayon dahil hindi umuwi ang papa mo paano na ’to ngayon?” alalang-alala na ako dahil inaapoy talaga ng lagnat si Tina

“inumin mo ito Tina” sabay abot ko sa kaniya ng tasa na may herbal at agad din naman niya itong nilagok

End of POV*

Nakatulog ulit si Tina pagkatapos niyang makakain ng lugaw na luto ni Dina, dahil hindi pa makakain ng maayus si Tina ay lugaw nalang ang ipinakain niya rito

Sising-sisi naman si Dina dahil alam niya nagkasakit si Tina dahil sa pinag gagawa nilang pamamalo sa kaniya ng asawa niya

Malapit ng mag Hapon at hindi parin umuuwi si Dodong, Hindi parin bumababa ang lagnat ni Tina

“kahit kailan talaga hindi ko siya maaasahan” galit na sambit ni Dina sa sarili, bigla namang sumama ang pakiramdam niya at dali-dali itong tumakbo sa labas at doon nag sususuka

“ayus kalang ba iha?” nagulat naman si Dina nang may biglang mag salita sa likuran niya at nilingon niya ito

Umayus naman siya nang tayo ng makita niyang ang biyenan niya pala ang dumating

“magandang Hapon po, kanina pa po ba kayu diyan? Hindi ko man lang namalayan ang inyung pag dating itay” sabi ni Dina rito at sabay nag mano

“kakarating ko lang iha at may dala akong pagkain dito oh” sabay abot nito ng supot na nag lalaman ng pagkain na luto na

“ah salamat po” sagot naman ni Dina

“birthday kase ngayon ng anak ni Inday at napansin ko doon na wala ka kaya dinalhan nalang kita rito ng pagkain para naman matikman mo rin ang mga hinanda ni inday” mahabang lintanya nito

“nandoon po ba si Dodong itay?” tanong ni Dina habang inaalalayang maka pasok ang biyanan sa loob ng bahay niya at pina upo ito

“Oo, e nag tataka nga ako kung baket hindi ka manlang niya sinama” sagot nito

“e hindi ko rin po alam na birthday po pala ng anak ni Inday ngayon, hindi naman kase umuwi si Dodong kagabe itay” paliwanag ni Dina

“naku, yung batang ’yon” sabay iling iling niya

“ilalagay ko lang po ito sa kusina itay sandali lang po” pag papaalam ni Dina

“oh sige, tika nasaan nga pala si Tina?” takang tanong nito

“nasa kwarto po siya itay, inaapoy po siya ng lagnat” alalang sagot naman ni Dina

“naku, asan ba siya? At nang mahilot ko” sabay tayo niya

Itinuro naman ni Dina kung nasaan si Tina at nang makita niya ito ay agad naman niyang hinawakan ang noo.

Siya si Nestor, isang kilalang manggamot sa kanilang bukid at Native ang kaniyang angkan magaling din siyang manghihilot kaya naman marami ang tumutungo sa kaniya upang magpa gamot o di naman kaya'y magpa hilot

“naku Dina, ano ba ang nangyari kay Tina at marami siyang pasa sa katawan?” takang tanong ni Nestor
“kase po.. N-napag buhatan p-po kase namin siya ni Dodong kahapon k-kaya siguro nilalagnat siya ngayon” paliwanag naman ni Dina

Mahal na mahal ni Nestor si Tina dahil ito ang kaniyang apo sa panganay niyang anak na si Dodong, mabait na bata si Tina at tahimik lang ito palagi

Kaya naman hinilot niya ito at natagpuan niya agad ang mga pilay nito sa katawan

Matapos niyang hilutin si Tina ay siyang pag baba naman ng lagnat nito pagkatapos ay tinitigan niya si Dina

“Dina, huwag kang masyadong mag papagod dahil baka mapano iyang nasa sinapupunan mo” ani Nestor

Nagulat naman si Dina sa sinabi ng kaniyang biyanan

“po? Anong ibig niyong sabihin itay? ” nalilitong tanong ni Dina

“buntis ka iha” sagot nito at napa hawak naman si Dina sa tiyan niya

“kaya pala bigla-bigla nalang sumasama ang pakiramdam ko” ani Dina sa sarili

-to be continued-
âš Do not copy this story without the author's permissionâš 

C R I S T I N AWritten by: JaneCHAPTER 10PAG PAPAKILALA_“Hilahin mo na” TisoyDahan-dahang hinila ni Orlando ang lubid na...
21/06/2023

C R I S T I N A

Written by: Jane

CHAPTER 10

PAG PAPAKILALA_

“Hilahin mo na” Tisoy

Dahan-dahang hinila ni Orlando ang lubid na isinampay niya sa ibabaw ng puno at unti unting lumutang ang kaniyang kapatid na si Randy na tinalian ni Tisoy ng lubid sa mga paa nito

Mahinang napatawa si Dodong sa kagagohan na ginagawa ng dalawang mga kapatid niya.

Nagising si Randy na tila nakabaliktad ang ulo niya at nasa itaas ang mga paa na nakatali sa lubid

“P*tang*na!!!!!” sigaw ni Randy.
Humagalpak naman ng tawa ang tatlo

-Ako si Orlando, pangalawa sa aming limang magkakapatid. Ako ang pinaka pilyo sa amin at katuwang ko ang bunso naming si Tisoy sa mga kagagohan na ginagawa ko at ang kakawa sa amin ay itong si Randy dahil siya ang lagi naming napag titripan

Hindi ko kase mapag tripan ang panganay naming si Dodong dahil hindi magandang galitin ang isang iyon

Sa aming lahat ako ang pinaka gwapo...

“Hoy mukhang unggoy! Ibaba mo’ko dito!” sigaw si Randy at nilingon ko siya

“Ano sabi mo?” saka dahan dahang lumapit sa kaniya

“Ang sabi ko ibaba mo ako dito!” sigaw niya ulit

Tumawa lamang si Tisoy at si Dodong

“Pustahan tayo uto-uto na naman tong si Orlando” mahinang sabat ni Tisoy kay Dodong at tumango-tango lang si Dodong habang naka ngisi

“Hindi kita narinig” sabi ni Orlando habang naka tingala at naka ngisi

“tang*ina nangangalay na ako dito!” sigaw ulit ni Randy

“Sige ibababa kita diyan pero sabihin mo muna kung sino ang pinaka gwapo sa ating apat” mayabang na lintanya ni Orlando

Lihim namang nag tatawanan ang dalawa sa likod

“Ikaw! Ikaw na, ikaw ang pinaka gwapo sa lahat!” sigaw ni Randy

Ngumisi naman si Orlando at bumaling sa mga kapatid niya na nasa likuran

“oh! Narinig niyo iyon?” mayabang na tanong ni Orlando sa dalawa at pasimple lang na tumango ang mga ito bilang tugon sa kaniya

Pinakawalan ni Orlando si Randy at nang makatayo na ito

“ikaw na, ikaw na ang pinaka gwapong unggoy sa lahat” bulalas ni Randy sabay hampas ng lubid kay Orlando

“Ano!?” ani Orlando at akma na sanang hampasin si Randy pabalik nang mag salita si Dodong mula sa likuran nila

“may lakad pa tayo” sabat nito na naka pamaywang pa

Sh*t nakalimutan ko, birthday pala ng anak ni Inday ngayon, pag di kami dumating lagot kaming apat do’n maldita pa naman yun na kahit si Dodong di ma pantay-pantayan ang ugali non

“tara na tutulong pa tayo sa pag katay nang iihawin natin mamaya” sabi ko at sabay-sabay na kaming nag tungo sa bahay ni Inday

End of POV*

Nag tungo ang apat sa kabilang dako ng bukid, dumaan sila sa ilog at paakyat ng bundok pagkatapos ay dumaan sa isang mahabang tulay. Ilang milya pa ang kanilang nilakad bago makarating sa paroroonan nila

-to be continued-
âš Do not copy this story without the author's permissionâš 

C R I S T I N AWritten by: JaneCHAPTER 9Gabi na at hindi parin umuuwi si Dodong sa kanilang tahanan kaya nag saing nalan...
20/06/2023

C R I S T I N A

Written by: Jane

CHAPTER 9

Gabi na at hindi parin umuuwi si Dodong sa kanilang tahanan kaya nag saing nalang si Dina para sa haponan nila ng kaniyang anak dahil alam niyang hindi nanaman uuwi ang asawa niya

“Tina halikana dito kakain na tayo” tawag ni Dina sa kaniyang anak

Dahan-dahan namang lumapit si Tina sa lamesa at umupo sa kaniyang upoan

“ayus kalang ba Tina?” tanong ng ina at tumango lamang si Tina bilang tugon sa kaniyang ina.

_________

Sa kabilang dako naman ay nag iinoman lang si Dodong kasama ang kaniyang mga kapatid na si Orlando at si Randy.

“tol, bukas punta raw tayo sa bahay ni Inday dahil birthday ng panganay niyang anak” sabi ni Orlando sa kapatid

Si Inday ang pangatlong kapatid ni Dodong at si Randy ang pang apat

“pupunta ba kayo don?” tanong ni Dodong

“Oo, e ikaw ba?” tanong ni Orlando at tumango lang si Dodong bilang tugon sa kapatid niya

“Oh mga tol luto na ’tong pulotan natin!” singit ni Randy at nilapag ang inihaw na ibon sa harap nila

*CHEERS*!!

Sabay sabay na usal ng tatlo
Habang abala sila sa kasiyahan ay dumating din ang bunsong kapatid nila na si Tisoy

“hoy mga lasinggero!” salubong na sigaw nito sa kanila at may dala-dala pang mga alak

Sabay sabay naman silang nag aapir at nag tatawanan

“Ang tagal mo naman akala namin hindi kana darating eh” Orlando

“oh ito shat ka muna” sabay bigay ni Randy ng alak kay Tisoy

“Naku tol hindi na ako niyan” sabay sinyas niya ng k**ay na tila tinatanggihan ang inaalok na alak sa kaniya

Nagkatinginan naman ang magkapatid at pagkatapos ay bumalik sa kaniya ang tingin nila

“Hindi na ako tatanggi” bulalas ni Tisoy sabay kuha sa alak at malakas na tumawa, napa halakhak naman ang magkapatid
Sa banat ni Tisoy

Buong gabi silang nag iinoman at gumawa ng mga kalokohan na para bang wala nang bukas, sanay na sila sa ganoong gawain dahil iyon ang bonding nilang magkakapatid sa tuwing nag-aabot silang apat

*KINABUKASAN_

Maagang nagising ang magkakapatid, makalat ang paligid at kung saan-saan na sila nahiga

Si Orlando ay nasa sahig ng kwarto niya hindi na siya nakaabot sa k**a kaya sa sahig siya nakatulog

Si Dodong naman ay nasa mahabang upoan na gawa sa kawayan nakahiga

Si Randy ay nasa lupa nakatihaya
Dahil lupa ang sahig ng kanilang bahay at si Tisoy naman ay nasa mesa naka dapa habang nakatulog doon

Gumising silang tatlo, si Tisoy, Dodong at Orlando at walang neisang bumangon pa at sabay silang napaungol dahil sa sakit ng kanilang mga ulo

Bumangon si Tisoy sa mesa at pinag masdan ang mga kapatid sumunod naman na bumangon si Dodong at si Orlando

Nagtabi ang tatlong nakaupo sa upoan na hinihigaan kanina ni Dodong at sabay nilang pinag masdan si Randy na humihilik at nakatihaya pa sa lupa

May naisip naman na kalukohan si Orlando at Tisoy.

-to be continued-
âš Do not copy this story without the author's permissionâš 

C R I S T I N AWritten by: JaneCHAPTER 8Dodong’s POV_Kasalukuyan akong nag papahinga sa ilalim ng puno ng mangga habang ...
20/06/2023

C R I S T I N A

Written by: Jane

CHAPTER 8

Dodong’s POV_

Kasalukuyan akong nag papahinga sa ilalim ng puno ng mangga habang pinag mamasdan ang kabuohan ng lupang pinag dadaruhan ko.

Mula sa kanang bulsa ko, dinukot ko ang isang maliit na supot na naglalaman ng ipinag babawal na halamang gamot at may kasama pa itong newspaper.

Nilatad ko ang newspaper at nilagay ko duon ang mga tuyong dahon na pinunit punit ko pa sa maliliit na piraso, napansin kong dumadaan si Tina ng patakbo-takbo ngunit hindi ko pinansin iyon

Binalik ko muli sa bulsa ko ang supot at pag tingin ko ulit sa nilatag kong newspaper kanina ay nakita ko nang nakaupo si Tina malapit doon, naka yuko s’ya sa newspaper

Tiningnan ko kung ano ang dinudungaw n’ya sa newspaper, nakita kong may mga imahe ng mga pagkain at iyon pala ang tinitingnan niya

Hindi ko inaasahan ang sumunod na nangyari, bigla nalang pinulot ni Tina ang papel at kasabay non ang pag tapon ng mga dahon at ang iba naman ay nilipad ng hangin dahil nasa may daruhan kami kaya hindi ko na mapupulot ang mga lumipad na mga tuyong dahon ng ipinag babawal na halamang gamot

Sa subrang pagka bigla ko hindi ko agad na proseso sa utak ko ang ginawa ng anak ko at tiningnan ko lang ang mga dahon na nilipad ng hangin

Muli ko siyang tiningnan at nakita kong aliw na aliw s’ya habang pinag mamasdan ang imahe sa newspaper

Biglang uminit ang ulo ko at kinuha ko ang lubid na pinanghahampas ko sa baka kanina nong nagdadaro ako, hinawakan ko ang braso ni Tina at pinatayo ko siya

“Halika nga ditong bata ka!” sabay hila ko sa kanya

“Tingnan mo kung anong ginawa mo!” sabay turo ko sa mga natapon na mga dahon at pinag hahampas ko siya ng lubid na hawak ko

“Aray papa!” iyak na sigaw niya at patuloy ko pa s’yang hinahampas hanggang sa narinig ko nalang ang sigaw ni Dina at nabitawan si Tina

Nakita kong tumakbo si Tina papunta sa kaniyang ina at sinundan ko ito

“sa’n ka pupunta!? Hindi pa tayo tapos!” sigaw ko at sinundan ang anak ko

End of POV

______

Umalis si Dodong pagkatapos ng pag-aaway nila ni Dina

“letching mag-ina!” galit na saad niya sa sarili habang nag lalakad papunta sa bahay ng kapatid niya

-to be continued-
âš Do not copy this story without the author's permissionâš 

Address

Cagayan De Oro City
Cagayan De Oro

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Jane's Library posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share

Category