04/06/2026
๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐ | ๐๐ง๐ฌ๐ฉ๐๐ค๐ฌ๐ฒ๐จ๐ง ๐ข๐ฌ๐ข๐ง๐๐ ๐๐ฐ๐ ๐ง๐ ๐๐๐๐๐๐ ๐ฌ๐ ๐๐จ๐ก๐จ๐ฅ ๐ค๐๐ฎ๐ ๐ง๐๐ฒ ๐ง๐ ๐ข๐ฌ๐๐ฌ๐๐ ๐๐ฐ๐๐ง๐ ๐๐จ๐๐ข๐ฅ๐ ๐๐๐ ๐ข๐ฌ๐ญ๐ซ๐๐ญ๐ข๐จ๐ง
Nagsagawa ng inspeksyon ang MARINA Regional Office 7 sa Sandingan Island Port patungong Cabilao Island sa Loon, Bohol, upang suriin ang kalagayan ng lugar at matukoy ang mga pangangailangan ng mga stakeholder sa sektor ng maritima.
Kasabay nito, nakipagpulong si MARINA Regional Director Engr. Ronaldo P. Bandalaria sa mga kinatawan ng Philippine Coast Guard (PCG), mga opisyal ng lokal na pamahalaan ng Loon, at iba pang stakeholder upang talakayin ang mga paghahandang kinakailangan para sa planong Mobile Registration activity.
Ayon sa MARINA, layunin ng Mobile Registration na ilapit at gawing mas accessible ang mga serbisyo sa pagpaparehistro para sa mga may-ari ng bangka at iba pang maritime stakeholder. Inaasahan ding mababawasan nito ang oras at gastusin sa paglalakbay, habang pinadadali ang pagsunod sa mga umiiral na regulasyon sa sektor ng maritima.| via Ronna L. de los Santos