05/10/2026
KAISA Region 9: Pagkakaisa ng mga Rebel Returnees at Sectoral Leaders , tungo sa mas malawak na pakikipag-ugnayan.
Isang makabuluhang pagtitipon ang isinagawa para sa mga Rebel Returnees, Sectoral Leaders, at Political Officers ng Barangay, Purok, Youth, Women, at IPs ng Josefina, Zamboanga del Sur.
Mula sa 14 na barangay ng Josefina, 12 barangay ang nagkaisa at lumahok sa orientation:
Gumahan • Dawa • Bogo Calabat • Tagaytay Hill • Ebarle • Nopulan • Litapan • Moradje • Sebokang • Mansanas • UBT • Tudela
Ang pagkakaisang ito ay bunga ng pagsisikap ng KAISA Municipal Political Officers ng Josefina, Zamboanga del Sur, Bishop Eduardo Sumalpong at Pastor Dionesio Tarocan, sa tulong ni Claudia Balos.
Sa bawat sektor at bawat barangay, mahalaga ang pakikinig, pag-uugnayan at pag-unawa sa layunin ng KAISA. Kapag nagtagpo ang iba’t ibang tinig, mas nagiging makabuluhan ang pag-uusap para sa komunidad.