01/08/2026
๐๐๐๐๐๐๐: ๐๐๐๐ ๐๐ข๐ณ๐๐ฅ, ๐๐๐ ๐ค๐๐ฅ๐จ๐จ๐ ๐ง๐ ๐๐ข๐ฏ๐๐ฅ๐ข๐ก๐จ๐จ๐ ๐๐๐๐ค๐๐ ๐๐ฌ ๐ฌ๐ ๐ฆ๐ ๐ ๐๐ข๐ฌ๐ฉ๐ฅ๐๐๐๐ ๐๐จ๐ซ๐ค๐๐ซ๐ฌ ๐๐ญ ๐๐๐ฆ๐ข๐ฅ๐ฒ๐๐ง๐ ๐๐ฉ๐๐ค๐ญ๐๐๐จ ๐ง๐ ๐๐ก๐ข๐ฅ๐ ๐๐๐๐จ๐ซ
CAINTA, Rizal โ Bilang bahagi ng patuloy na pagsusulong ng disenteng kabuhayan para sa mga manggagawang nawalan ng trabaho at mga pamilyang nangangailangan ng suporta, nagkaloob ang Department of Labor and Employment (DOLE) Rizal Provincial Office ng โฑ449,123.00 halaga ng iba't ibang livelihood packages sa 11 benepisyaryo sa ginanap na awarding ceremony sa DOLE Rizal Provincial Office, Hulyo 27.
Kabilang sa mga ipinagkaloob na starter kits ang welding, carpentry, moto shop, at printing and photocopy packages, na nakabatay sa kasanayan at napiling kabuhayan ng bawat benepisyaryo. Karamihan sa mga tumanggap ay mga displaced workers mula sa isang nagsarang pribadong kumpanya, habang kabilang din sa mga benepisyaryo ang isang pamilyang na-profile sa ilalim ng Child Labor Prevention and Elimination Program (CLPEP).
Isa sa kanila si Cindy Dimaculangan ng Jalajala, Rizal. Noong 2025, na-profile ang kanilang anak sa ilalim ng Child Labor Prevention and Elimination Program. Ngayon, sa tulong ng carpentry package na ipinagkaloob sa kanyang asawa, umaasa siyang hindi na kakailanganing magtrabaho ng kanilang anak at sa halip ay maipagpapatuloy nito ang pag-aaral.
"Nagpapasalamat po kami dahil isa po kami sa nabiyayaan ng carpentry package. Nagpapasalamat din po ako sa DOLE at napakalaking tulong po nito para sa amin. Makakaasa po kayo na ang anak ko po ay hindi ko na po pagtatrabahuhin dahil ang asawa ko na lang po maghahanapbuhay para sa amin. Maraming salamat po."
Isa rin sa mga tumanggap ng tulong si Jason Ericano, isang displaced worker na nawalan ng regular na hanapbuhay matapos magsara ang kumpanyang matagal niyang pinagsilbihan. Dahil sa biglaang pagkawala ng trabaho, kinailangan niyang magsimula muli upang matustusan ang pangangailangan ng kanyang pamilya at maipagpatuloy ang pag-aaral ng kanyang mga anak.
"Ever since kasi, akala ko dati, doon na ako tatanda, doon na ako magreretiro, magpapaaral. Pero yung unexpected na dumating, katulad nga noon, hindi namin inaasahan, nag-closure siya. So, wala kaming hanapbuhay."
Sa halip na panghinaan ng loob, nakita ni Ericano ang livelihood package bilang pagkakataong makapagsimula muli. Pinili niya ang welding package bilang panimulang puhunan at plano niyang sumailalim sa Shielded Metal Arc Welding (SMAW) training ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) upang higit pang mapaunlad ang kanyang kakayahan at magkaroon ng mas maraming oportunidad sa trabaho.
"Sa totoo lang, wala pa akong skill sa welding. Pero, ang plano ko para sa kinuha kong package para sa family, mag-aaral ako through TESDA ng SMAW. So, yung package na ito, magagamit ko para malinang iyong aking kakayahan para sa pamilya ko, para mabigay ko pa rin yung future na gusto ko para sa kanila."
Sa mensahe ni Supervising Labor and Employment Officer Victoria B. Natanauan, hinikayat niya ang mga benepisyaryo na tingnan ang kanilang mga livelihood package bilang panimulang puhunan tungo sa pangmatagalang pag-unlad.
"Hindi lang po dapat ang mindset natin ay ito lang po iyong pagyayamanin natin. Kung hindi, titingnan din po natin iyong long-term, na balang araw makakatulong din po kayo sa ibang tao, na maging employee, na maging empleyado ninyo. Huwag po kayong tumigil na hanggang dito lang po iyong inyong magiging pangkabuhayan. Kundi po, tingnan din po na dapat mapalago po ninyo ito."
Ipinaliwanag din ni Natanauan na sa ilalim ng DOLE Integrated Livelihood Program (DILP), hindi cash assistance ang ipinagkakaloob ng ahensya kundi mga kagamitan at kagamitan sa produksyon na magsisilbing panimulang puhunan ng mga benepisyaryo. Kabilang din sa package ang isang taong GSIS Accident Insurance, habang hinihikayat ang mga benepisyaryo na ipagpatuloy ang kanilang SSS, PhilHealth, at iba pang social protection benefits sa sandaling magsimula nang kumita ang kanilang kabuhayan. Dagdag pa niya, patuloy ding mino-monitor ng DOLE ang mga livelihood project upang matiyak ang kanilang pagpapatuloy at paglago.
Sa pamamagitan ng DILP, patuloy na binibigyan ng pagkakataon ang mga manggagawang nawalan ng hanapbuhay at mga pamilyang nangangailangan ng suporta na muling makabangon at makapagsimula. Para kina Cindy at Jason, ang mga kagamitan na kanilang natanggap ay hindi lamang panibagong pagkakakitaan, kundi pag-asa rin para sa mas maayos na kinabukasan ng kanilang mga pamilya. Kaakibat ito ng layunin ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na palawakin ang mga oportunidad sa kabuhayan at maiangat ang antas ng pamumuhay ng mga Pilipino, gayundin ng adbokasiya ni Labor and Employment Secretary Francis N. Tolentino na isulong ang sustainable livelihood bilang mahalagang hakbang tungo sa matatag, produktibo, at mas matatag na kabuhayan ng mga manggagawang Pilipino (na may mga ulat mula kina Niรฑo Anthony De Guzman, Jessa Mae Diesta, at John Victor Bernarte). | CBaisa