Cainta Tricycle Regulatory Unit

Directions

Cainta Tricycle Regulatory Unit CAINTA TRICYCLE REGULATORY UNIT ( CTRU MAIN PAGE )

23/09/2026

September 23, 2026

PAGPUPULONG NG HOA AT CHITTSAITODA | PAGSASAAYOS NG SISTEMA NG BIYAHE

Naanyayahan ang ating CTRU OIC Roty Borer sa isinagawang pagpupulong kasama ang Homeowners Association (HOA) at CHITTSAITODA upang talakayin ang mga usapin tungkol sa pagbabago at pagsasaayos ng kanilang sistema ng biyahe.

Kabilang sa mga natalakay ang pagtatalaga ng kani-kanilang duty sa pilahan, gayundin ang pag-aayos ng kanilang coding scheme kabilang ang mga pagkakataong maaaring bumiyahe ang mga may coding sa itinakdang rush hour, alinsunod sa mapagkakasunduang sistema.

Tinalakay rin ang kanilang operasyon para sa regular at special na biyahe, pati na ang usapin tungkol sa night differential at kaukulang pamasahe

Nagkaroon ng maayos na palitan ng mga tanong, paglilinaw, at suhestiyon mula sa magkabilang panig. Nagkaroon din ng pagkakaunawaan sa pagitan ng HOA at CHITTSAITODA upang mas maging malinaw at organisado ang kanilang operasyon.

Samantala, inayos din ng HOA ang kanilang mga usapin sa mga Toda ng Chittsaitoda upang magkaroon ng mas maayos na koordinasyon. Sa huli, nagkasundo ang bawat panig na isagawa ang mga kinakailangang pagbabago at pagsasaayos sa sistema ng kanilang biyahe

Patuloy ang pakikipag-ugnayan ng CTRU upang matulungan ang bawat panig na magkaroon ng maayos, malinaw, organisado, at patas na sistema para sa kapakanan ng mga driver, homeowners, at mga pasahero.

MAAYOS NA USAPAN. MALINAW NA SISTEMA. MAAYOS NA BIYAHE.

CTRU — Patuloy sa serbisyo at pakikipag-ugnayan para sa kaayusan sa transportasyon.

September 23, 2026 ARAW NG MIYERKULES | TULOY-TULOY ANG PAGPAPATUPAD NG CTRU CODEAraw ng Miyerkules, nagtungo ang ating ...
23/09/2026

September 23, 2026

ARAW NG MIYERKULES | TULOY-TULOY ANG PAGPAPATUPAD NG CTRU CODE

Araw ng Miyerkules, nagtungo ang ating grupo sa A. Bonifacio area upang magsagawa ng area monitoring at pagpapatupad ng CTRU Code.

Patuloy na sinita at pinag-ticketan ng ating mga tauhan ang mga pasaway at paulit-ulit na lumalabag sa mga umiiral na ordinansa. Hindi palalampasin ang mga patuloy na paglabag at patuloy na ipatutupad ang mga kaukulang hakbang alinsunod sa batas at ordinansa.

Kasabay nito, pinaalalahanan din ang mga TODA tricycle driver na hindi pa kumukuha ng kanilang Municipal Plate na ayusin at kumpletuhin ang kinakailangang proseso.

Sa pangunguna ng ating butihing CTRU OIC Roty Borer , tuloy-tuloy ang ating monitoring at pagpapatupad upang mapanatili ang disiplina, kaayusan, at kaligtasan sa kalsada.

WALANG PALALAMPASIN NA LUMALABAG.
DISIPLINA SA DAAN, KALIGTASAN NG LAHAT

September 23, 2026PAGPUPULONG NG HOA AT CHITTSAITODA | PAGSASAAYOS NG SISTEMA NG BIYAHENaanyayahan ang ating CTRU OIC Ro...
23/09/2026

September 23, 2026

PAGPUPULONG NG HOA AT CHITTSAITODA | PAGSASAAYOS NG SISTEMA NG BIYAHE

Naanyayahan ang ating CTRU OIC Roty Borer sa isinagawang pagpupulong kasama ang Homeowners Association (HOA) at CHITTSAITODA upang talakayin ang mga usapin tungkol sa pagbabago at pagsasaayos ng kanilang sistema ng biyahe.

Kabilang sa mga natalakay ang pagtatalaga ng kani-kanilang duty sa pilahan, gayundin ang pag-aayos ng kanilang coding scheme kabilang ang mga pagkakataong maaaring bumiyahe ang mga may coding sa itinakdang rush hour, alinsunod sa mapagkakasunduang sistema.

Tinalakay rin ang kanilang operasyon para sa regular at special na biyahe, pati na ang usapin tungkol sa night differential at kaukulang pamasahe

Nagkaroon ng maayos na palitan ng mga tanong, paglilinaw, at suhestiyon mula sa magkabilang panig. Nagkaroon din ng pagkakaunawaan sa pagitan ng HOA at CHITTSAITODA upang mas maging malinaw at organisado ang kanilang operasyon.

Samantala, inayos din ng HOA ang kanilang mga usapin sa mga Toda ng Chittsaitoda upang magkaroon ng mas maayos na koordinasyon. Sa huli, nagkasundo ang bawat panig na isagawa ang mga kinakailangang pagbabago at pagsasaayos sa sistema ng kanilang biyahe

Patuloy ang pakikipag-ugnayan ng CTRU upang matulungan ang bawat panig na magkaroon ng maayos, malinaw, organisado, at patas na sistema para sa kapakanan ng mga driver, homeowners, at mga pasahero.

MAAYOS NA USAPAN. MALINAW NA SISTEMA. MAAYOS NA BIYAHE.

CTRU — Patuloy sa serbisyo at pakikipag-ugnayan para sa kaayusan sa transportasyon.

SB SESSION | FARE MATRIX ADJUSTMENTIsinagawa ang SB Session kasama ang Transport Committee, mga TODA President, upang ta...
23/09/2026

SB SESSION | FARE MATRIX ADJUSTMENT

Isinagawa ang SB Session kasama ang Transport Committee, mga TODA President, upang talakayin ang usapin tungkol sa fare matrix adjustment

Nagkaroon ng maayos at masinsinang pagtalakay sa mga concerns at suhestiyon ng bawat panig. Bilang bahagi ng proseso, isusunod din ang Public Hearing upang mabigyan ng pagkakataon ang mga kinauukulan at mga apektadong sektor na maipahayag ang kanilang saloobin at pananaw.

Patuloy ang pakikipag-ugnayan ng bawat panig upang matiyak na ang usaping ito ay daraan sa maayos, malinaw, at tamang proseso

MAAYOS NA TALAKAYAN. TAMANG PROSESO. PARA SA MAAYOS NA SERBISYO

September 22, 2026 ARAW NG MARTES | TULOY-TULOY ANG SERBISYOSa pangunguna ng ating butihing CTRU OIC Roty Borer , patulo...
22/09/2026

September 22, 2026

ARAW NG MARTES | TULOY-TULOY ANG SERBISYO

Sa pangunguna ng ating butihing CTRU OIC Roty Borer , patuloy ang ating grupo sa pag-area monitoring at terminal inspection.

Nag-area ang isang grupo sa Sierra Valley, don Mariano habang ang isa naman ay nag-monitor sa Parola at Block 20 kabisig , kasabay ng terminal inspection sa bagong sub-terminal ng Fertoda

Gayon pa man, patuloy ang ating team sa paghuli at pagsita sa mga paulit-ulit na lumalabag sa CTRU Code . Patuloy din ang ating paalala sa mga tricycle driver na wala pang permit na mag-asikaso at kumuha ng kinakailangang permit upang maiwasan ang pagkakahuli at kaukulang parusa

Sa mga nasisita, binibigyan pa rin ng pagkakataon na maitama ang kanilang mga pagkukulang at makasunod sa mga umiiral na alituntunin.

DISIPLINA SA DAAN, KALIGTASAN NG LAHAT
Tuloy tuloy ang serbisyo. Walang palalampasin na lumalabag

September 21, 2026 Araw ng Lunes, panibagong linggo, tuloy-tuloy pa rin ang ating serbisyoSa pangunguna ng ating butihin...
21/09/2026

September 21, 2026

Araw ng Lunes, panibagong linggo, tuloy-tuloy pa rin ang ating serbisyo

Sa pangunguna ng ating butihing CTRU OIC Roty Borer , nagsagawa ang ating mga grupo ng area monitoring at terminal inspection sa iba’t ibang lugar.

Nag-area ang isang grupo sa A. Bonifacio habang ang isa naman ay nag monitor sa Parola, kasabay ng pag-iikot sa General Recarte, Valley Golf, at Brookside.

Patuloy din ang ating mahigpit na pagpapatupad ng CTRU Code. Sinita at pinatawan ng kaukulang aksyon ang mga paulit-ulit na lumalabag, gayundin ang mga hindi pa nakakapag-renew ng kanilang mga permit

Walang palalampasin na lumalabag. Patuloy nating ipatutupad ang mga alituntunin nang patas at pantay-pantay para sa lahat.

DISIPLINA SA DAAN, KALIGTASAN NG LAHAT
Tuloy-tuloy lang tayo sa trabaho at serbisyo

September 21, 2026 Flag Ceremony Happy Monday with Fecatoda Officer's
21/09/2026

September 21, 2026
Flag Ceremony

Happy Monday with Fecatoda Officer's

September 20, 2026 Araw ng Linggo, tuloy ang trabaho ng ating tropaSa pangunguna ng ating butihing CTRU OIC Roty Borer ,...
20/09/2026

September 20, 2026

Araw ng Linggo, tuloy ang trabaho ng ating tropa

Sa pangunguna ng ating butihing CTRU OIC Roty Borer , nagsagawa ang ating mga grupo ng area monitoring at terminal inspection sa A. Bonifacio, Village East, at Vista Verde

Patuloy ang ating mahigpit na pagpapatupad ng CTRU Code. Sinita at pinatawan ng kaukulang aksyon ang mga driver na paulit-ulit na lumalabag sa mga ipinaiiral na alituntunin.

Kasabay nito, patuloy din ang paghuli at pagbibigay ng kaukulang aksyon sa mga tricycle na wala pang permit

Walang pinipili at walang palalampasin sa pagpapatupad ng batas. Patas ang pagpapatupad para sa lahat.

DISIPLINA SA DAAN, KALIGTASAN NG LAHAT
Tuloy-tuloy lang tayo sa serbisyo

September 19, 2026 Araw ng Sabado, tuloy-tuloy ang ating grupo sa pagsasagawa ng area monitoring at pagpapatupad ng CTRU...
19/09/2026

September 19, 2026

Araw ng Sabado, tuloy-tuloy ang ating grupo sa pagsasagawa ng area monitoring at pagpapatupad ng CTRU Code.

Sa pangunguna ng ating butihing CTRU OIC Roty Borer , nag-area ang ating grupo sa Parola, kung saan patuloy ang pagpapatupad laban sa mga tricycle na walang mga permit. Kasabay nito, patuloy din ang pagpapaalala sa mga driver at operator na ayusin at i-renew ang kanilang mga permit upang maiwasan ang kaukulang paglabag at parusa.

Gayon pa man, nag-area rin ang ating grupo sa West Bank Floodway upang patuloy na mag-monitor at magpatupad ng mga alituntunin para sa maayos at ligtas na daloy ng trapiko.

Ayusin at i-renew ang inyong mga permit. Sumunod sa CTRU Code at huwag hintaying maabutan ng ticket bago kumilos.

DISIPLINA SA DAAN, KALIGTASAN NG LAHAT

September 19, 2026 Araw ng Sabado, tuloy-tuloy ang ating trabaho at serbisyo para sa ating mga kababayanNagpunta ang ati...
19/09/2026

September 19, 2026

Araw ng Sabado, tuloy-tuloy ang ating trabaho at serbisyo para sa ating mga kababayan

Nagpunta ang ating CTRU OIC Roty Borer sa lokasyon ng gagawing sub-terminal ng FERTODA sa Block 20, kung saan nagkaroon ng pag-uusap tungkol sa kanilang magiging pilahan at ito ay napagkasunduan na rin sa pakikipag-ugnayan kay Mayor.

Kasama natin sa pag-uusap ang HOA ng Kabisig at mga Officers nito, mga Fertoda officers, at ang manager ng naturang building na tatapatan ng kanilang magiging pilahan.

Napag-usapan ang maayos na pagkakaayos ng pila upang hindi ito lumampas sa itinakdang lugar at hindi maging sagabal sa daanan. Bilang gabay, nilagyan na rin ng marking ang lugar ng pilahan upang malinaw kung hanggang saan lamang maaaring pumila ang mga tricycle.

Sa huli, nagkaisa at sumang-ayon ang lahat sa napagkasunduang sistema. Masaya rin ang mga miyembro ng Fertoda dahil hindi na kailangang humambalang sa kalsada para lamang makapila.

Mas maayos, mas ligtas, at mas organisado ang kanilang pilahan dahil nailipat na ito sa loob ng tamang lugar.

Sa magandang pagtutulungan ng lahat, mas maganda rin ang resulta.

TULOY-TULOY ANG SERBISYO PARA SA KAAYUSAN AT KALIGTASAN NG LAHAT

Address

Municipal Ground Brgy. Sto Domingo
Cainta
1900

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Cainta Tricycle Regulatory Unit posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share