26/10/2026
📢 KATIPUNAN NG KABATAAN ASSEMBLY
Matagumpay na isinagawa kahapon ng umaga ang Katipunan ng Kabataan (KK) Assembly, na naglalayong magbigay ng pagkakataon sa mga kabataan na makilahok sa mga talakayan hinggil sa mga programa, proyekto, at mahahalagang usapin na nakaaapekto sa ating komunidad. 🤝💙
Patuloy na isinusulong ng Sangguniang Kabataan ang aktibong pakikilahok ng bawat kabataan sa pagsusulong ng transparency, accountability, at makabuluhang paglilingkod sa bayan. 🗣️✨
Sama-sama nating palakasin ang boses ng kabataan tungo sa isang mas progresibo at nagkakaisang komunidad! 💪🇵🇭