24/09/2026
๐ ๐๐ฆ ๐ ๐๐๐๐๐๐ฆ ๐ก๐ ๐ฆ๐๐ฅ๐๐๐ฆ๐ฌ๐ข๐ก๐ ๐ก๐๐ฅ๐๐ฅ๐๐ ๐๐๐ ๐๐ก, ๐๐๐ง๐๐ ๐ก๐ ๐.๐.๐ฆ.๐ง. ๐ฆ๐๐๐ข๐ข๐ ๐๐๐๐ฅ๐ง ๐๐ก๐ ๐ฅ๐๐ฃ๐๐ ๐ฅ๐๐ฆ๐ฃ๐ข๐ก๐ฆ๐ ๐ฆ๐ฌ๐ฆ๐ง๐๐
Bilang pagtupad sa mandato at pangakong bigyang proteksiyon, siguraduhin ang seguridad ng mga kabataang mag-aaral at magbigay ng mabilis na serbisyong nararamdaman sa buong rehiyon ng Calabarzon, opisyal nang inilunsad ng PNP Police Regional Office 4A ang B.E.S.T. School Alert and Rapid Response System ngayong Huwebes, Setyembre 24.
Pinangunahan ni PRO Calabarzon Regional Director Police Brigadier General Dominic Baccay ang paglulunsad ng bagong mobile application sa rehiyon, kasama ang ilang mga ahensya ng pamahalaan tulad ng Department of Education (DepEd), Commission on Higher Education (CHED) National Police Commission (NAPOLCOM), Department of the Interior and Local Government (DILG), Technical Education and Skills Development and Authority (TESDA), Bureau of Fire Protection (BFP), Department of Information and Communications Technology (DICT), at Parents-Teachers Association.
Sa kanyang mensahe, binigyang-diin ni PBGen. Baccay ang kahalagahan ng pagkakaroon ng ganitong mobile application upang matiyak na ang mga kapulisan ay makatatanggap ng tama at beripikadong impormasyon ukol sa mga insidenteng nagaganap sa mga paaralan na nangangailangan ng agarang aksyon at pagresponde tulad ng active shooting incidents, armed riots, at iba pa.
Naniniwala siya na ang mga paaralan ay dapat maging ligtas na lugar para sa pagkatuto ng mga mag-aaral, hindi lamang para sa kanilang kinabukasan kundi maging para sa kinabukasan ng ating bansa.
Nagsilbi naman bilang panauhing pandangal si DepEd R-4A Calabarzon Regional Director Carlito Rocafort, na nagpahayag ng pasasalamat sa PRO Calabarzon para sa naturang inobasyon na inaasahang higit pang magpapaigting sa seguridad at kaligtasan ng mga paaralan sa buong rehiyon.
Aniya, ikinagagalak ng DepEd Region IV-A ang pagkakaroon ng ganitong inisyatibo mula sa kapulisan, na magsisilbing isa sa mga hakbang tungo sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaligtasan sa mga paaralan, gayundin sa pagbawas ng takot at pangamba ng mga magulang hinggil sa kaligtasan ng kanilang mga anak.
Ang B.E.S.T. School Alert and Rapid Response System ay isang one-tap o swipe mobile application na binuo ng kapulisan sa Calabarzon. Tanging mga piling indibidwal at kawani ng paaralan, tulad ng mga principal, g**o, at security guard, ang bibigyan ng access sa aplikasyon.
Sinig**o naman ng PRO Calabarzon na walang paaralan ang maiiwan o makaliligtaan sa pagbibigay ng access at paglalagay ng naturang sistema, kabilang ang mga Higher Education Institutions (HEIs) sa buong rehiyon. | via MOP/PIA4A