11/07/2026
ππππππππ
PASIG CITY GENERAL HOSPITAL
EMERGENCY ROOM
Ipinapabatid sa publiko na sa darating na Lunes, July 13, 2026, sa ganap na 12:00MN, isasailalim sa nakatakdang paglilinis at dekontaminasyon ang Emergency Room (ER) ng Pasig City General Hospital (PCGH).
Kaugnay nito, pansamantalang ililipat sa temporary ER area ang mga pasyenteng kasalukuyang narito sa Linggo, July 12, 2026, simula 06:00PM hanggang 11:59PM,
maging ang pagtanggap ng mga pasyente upang matiyak ang tuloy-tuloy na pagbibigay ng emergency medical services habang isinasagawa ang paglilinis at maintenance ng pasilidad.
Matapos ang paglilipat, saka isasagawa ang nakatakdang wall-to-wall cleaning, repair and maintenance, cleaning and disinfection ng mga k**a at kagamitan, pest control, at misting and UV disinfection na tatagal hanggang sa July 14, 2026, sa ganap na 11:59PM.
Sa panahong ito, bibigyang prayoridad ang mga pasyenteng nasa kritikal na kondisyon upang matiyak na makakapagbigay ng agarang pangangalagang medikal.
Ang hakbang na ito ay bahagi ng patuloy na pagsisikap ng PCGH na maiwasan ang pagkalat ng impeksyon at mapanatiling ligtas, malinis, at maayos ang pasilidad para sa lahat ng pasyente at kawani ng nasabing ospital.
Samantala, muling babalik sa orihinal na lokasyon ang ER sa July 15, 2026 (Miyerkules), sa ganap na 12:00MN.
Kami po ay humihingi ng paumanhin sa anumang abala na maaaring idulot nito. Lubos pong pinahahalagahan ng Pamahalaang Lungsod ang pagpapanatili ng malinis, ligtas, at maayos na kapaligiran sa ating ospital.
Maraming salamat po sa inyong pang-unawa.