BLGU Taguilos Public Information

BLGU Taguilos Public Information Sama sama tayo tungo sa KAUNLARAN

UPDATES‼️Amin pong ipinapabatid na naayos na po ang nasirang tubo ng water system sa Cantuling. Maraming salamat po sa a...
22/08/2026

UPDATES‼️

Amin pong ipinapabatid na naayos na po ang nasirang tubo ng water system sa Cantuling. Maraming salamat po sa ating mga masisipag na mga Kagawad at volunteers na maisaayos ito!

Bukas na po ito!
18/08/2026

Bukas na po ito!

📌 📌ANUNSYO AT PAANYAYA MULA SA MUNICIPAL HEALTH OFFICE AT PHILHEALTH📌📌

Mga Cajidiocanons! May magandang balita para sa ating komunidad. Inaanyayahan ang lahat na dumalo at makilahok sa gaganaping PhilHealth YAKAP / Barangayan sa ating mga barangay!

💬 Ano ang PhilHealth Barangayan?
Ito ay ang paglapit ng mga serbisyo ng PhilHealth sa ating lokal na komunidad upang mas mabilis, mas madali, at mas direktong mapakinabangan ng bawat pamilya ang ating mga benepisyo.

✨ Mga Serbisyo at Benepisyong Makukuha:
✅PhilHealth Member Registration: Pagtatala para sa mga bagong miyembro.
✅Updating of Member Data: Pagsasaayos ng impormasyon sa inyong records.
✅PhilHealth YAKAP Registration:
🔸Konsulta
🔸Libreng laboratory
🔸Libreng piling gamot
✅Inquiries & Verification: Pagsagot sa inyong mga katanungan tungkol sa inyong hulog, benepisyo, at ID.

📋 Mga Dapat Dalhin Para sa YAKAP:
1. Valid ID (UMID o PhilHealth ID)
2. Cellphone number at e-mail

📋 Mga Dapat Dalhin pag magpaparegister pa lang sa PhilHeath
1. Birth Certificate (PSA/NSO photocopy)
2. Valid ID

💡 Tandaan: Ang kalusugan ay kayamanan! Huwag nang hintaying magkasakit bago ayusin ang inyong PhilHealth. Siguraduhing protektado ang buong pamilya.

Kita-kits sa barangay! I-share din ang post na ito para malaman ng ating mga kamag-anak, kaibigan, at kapitbahay.

Paalala: Wala pong konsulta sa RHU sa mga susunod na schedule. Ang konsulta ay gaganapin sa mga barangay kasama ng pagpaparegister sa YAKAP. Maraming salamat po!

📌 📌ANUNSYO AT PAANYAYA MULA SA MUNICIPAL HEALTH OFFICE AT PHILHEALTH📌📌Mga Cajidiocanons! May magandang balita para sa at...
11/08/2026

02/08/2026
UPDATE‼️We are proud to announce the successful completion of the Solar Light Project in Barangay Taguilos! This initiat...
28/07/2026

UPDATE‼️

We are proud to announce the successful completion of the Solar Light Project in Barangay Taguilos! This initiative, funded through the dedicated efforts and budget allocation of Vice Governor Armando Gutierrez and Mayor Marvin R. Ramos, brings safer, brighter, and more sustainable streets to our community.

Thank you to our local leaders for prioritizing safety, green energy, and the well-being of Taguilos residents!

PASAYOD‼️Isang mapagpalang umaga po.Panawagan po sa lahat ng incoming 4th year students na sa tingin niyo po ay pasok ka...
08/07/2026

PASAYOD‼️

Isang mapagpalang umaga po.
Panawagan po sa lahat ng incoming 4th year students na sa tingin niyo po ay pasok kayo sa programa ng Bawat Barangay Makikinabang Scholarship. Mag submit lamang po ng inyong enrollment form sa opisina ng Barangay Taguilos, na magsisilbing patunay na kayo po ay officially enrolled sa ngayong S.Y. 2026-2027. Once po na gathered na ang lahat ng list ng mga magpapalista, doon lamang po magpapatawag ng meeting para sa lahat ng mga nagpalista.

Maraming Salamat po!

02/07/2026

Iginiit ni Romblon Governor Trina Firmalo-Fabic na kailangang mahigpit na sundin ng mga barangay ang mga alituntunin ng Socio-Civic Projects Fund (SCPF), partikular sa pagpapatupad ng scholarship program.

Sa kanyang mensahe sa Strategic Barangay Development Planning na ginanap sa Odiongan, binigyang-diin ni Fabic na malinaw ang guidelines ng programa, kabilang ang limitasyon na limang estudyante lamang ang maaaring maging benepisyaryo, na bawat isa ay dapat tumanggap ng buong ₱20,000 educational assistance.

“Malinaw po, lima lang. Kasi narinig ko sa ibang barangay na ang plano ay lima ang nakapangalan, pero ang ₱20,000 bawat scholar ay hahati-hatiin. Huwag na huwag ninyong gagawin iyon,” ani Fabic.

Ayon sa gobernador, ang hindi pagsunod sa itinakdang alituntunin ay maaaring magdulot ng pananagutan sa mga opisyal ng barangay, lalo na’t ang pondo ay nakapangalan sa mga partikular na benepisyaryo.

https://romblonnews.net/2026/06/dapat-sundin-ng-mga-barangay-ang-alituntunin-ng-scpf-scholarship-program/

UPDATE ‼️BANDILYO SA PAPARATING NA BAGYODahil sa inaasahang paparating na bagyo, ang ilang opisyal ng Barangay Taguilos ...
29/06/2026

UPDATE ‼️

BANDILYO SA PAPARATING NA BAGYO

Dahil sa inaasahang paparating na bagyo, ang ilang opisyal ng Barangay Taguilos at Tanod ay nagpabatid sa mga residente para makapaghanda.
Keep safe mga kabarangay!

Address

Cajidiocan
5512

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when BLGU Taguilos Public Information posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share