13/07/2026
๐ข ๐ฃ๐๐๐ฌ๐๐ก๐๐ ๐ก๐๐ฅ๐๐ ๐๐๐ ๐๐ก ๐ฆ๐ ๐๐๐๐๐๐๐ข๐๐๐ก; ๐๐๐ ๐๐๐๐๐ข ๐๐ฆ ๐๐๐๐ ๐ก๐ ๐ก๐๐๐ฃ๐๐ง๐จ๐ฃ๐๐ ๐ก๐ ๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐ก๐ ๐ฃ๐๐ก๐๐๐๐๐๐๐ง๐๐ฆ๐๐ก
Naramdaman sa bayan ng Cajidiocan ang pagyanig dulot ng lindol ngayong araw, Hulyo 13, 2026. Kabilang sa mga lugar na nakaranas ng pagyanig ang Cambajao Elementary School, kung saan agad na ipinatupad ang mga kaukulang hakbang upang matiyak ang kaligtasan ng mga mag-aaral, g**o, at kawani ng paaralan.
Maayos at agarang isinagawa ang mga kinakailangang safety protocols bilang tugon sa pangyayari. Binigyang-prayoridad ang kaligtasan ng lahat habang patuloy na minomonitor ang sitwasyon at sinusuri ang kalagayan ng mga gusali at pasilidad ng paaralan.
Bilang pag-iingat, pansamantalang sinuspinde ng Pamahalaang Bayan ng Cajidiocan ang klase sa lahat ng antas sa elementarya at sekondarya. Ang hakbang na ito ay isinagawa upang mabigyang-daan ang masusing pagsusuri sa mga silid-aralan, gusali, at iba pang pasilidad ng mga paaralan, gayundin upang matiyak ang kaligtasan at kapanatagan ng mga mag-aaral, magulang, g**o, at kawani.
Patuloy naman ang koordinasyon ng Pamahalaang Bayan ng Cajidiocan, MDRRMO, at DepEd upang masubaybayan ang sitwasyon at matiyak na ligtas ang mga paaralan bago ang pagpapatuloy ng mga klase.
Paalala sa lahat na manatiling alerto, kalmado, at laging sundin ang mga opisyal na abiso at itinakdang safety protocols.