26/09/2026
๐๐๐๐ ๐๐๐๐ ๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐ - ๐๐ข๐ญ๐ฒ ๐๐๐ฏ๐๐ฅ ๐๐จ๐ฆ๐ฉ๐๐ญ๐ข๐ญ๐ข๐จ๐ง | ๐๐๐ฉ๐ญ๐๐ฆ๐๐๐ซ ๐๐, ๐๐๐๐
Pinangasiwaan ng tanggapan ng City Assistance for Community Development sa pangunguna ng nakatalagang City Cooperatives Development Officer, katuwang ang Schools Division Office-Calaca City at Calaca City Cooperative Development Council (3CDC) ang isinagawang patimpalak para sa KOOP QUIZ 15TH BLAST- City Level Competition.
Tinanghal bilang ๐๐ข๐ข๐ฃ ๐ค๐จ๐๐ญ ๐ญ๐ฑ๐ง๐ ๐๐๐๐ฆ๐ง ๐๐ถ๐๐ ๐๐ฒ๐๐ฒ๐น ๐๐ต๐ฎ๐บ๐ฝ๐ถ๐ผ๐ป si ๐๐น๐น๐ฎ ๐ฅ๐ฎ๐๐๐ฎ ๐๐น๐ฎ๐ผ, mag-aaral ng Dacanlao G. Agoncillo Integrated National High School na nag-uwi ng trophy, medal, certificate at Php 10,000.00 cash prize. Siya rin ang magiging kinatawan ng Lungsod ng Calaca sa sunod na antas ng kompetisyon.
Samantala, naiuwi naman ni Carlyn Marie Besas ng Calantas Integrated School ang ikalawang pwesto, at ni Maria Carmela Roie G. Ontangco ng St. Raphael Archangel Parochial School, Inc. ang ikatlong pwesto. Pareho ring nag-uwi ng trophy, medal, certificate at Php 7,000.00 at Php 5,000.00 cash prize ang dalawa. Bilang pagkilala naman sa mga naging tagapagsanay ng mga nagwagi, sa unang pagkakataon ay tumanggap din ng cash prizes ang mga g**ong tagapagsanay.
Layunin ng programang ito sa tulong ng Provincial Cooperatives, Livelihood and Enterprise Development Office (PCLEDO Batangas) na magsanay ng mga susunod na henerasyon ng mga lider ng sektor ng kooperatiba at maimulat ang mga kabataan sa kahalagahang ginagampanan ng mga kooperatiba sa pagpapalakas ng ekonomiya at pagsuporta sa mga komunidad na bahagi rin ng mga pangunahing programa sa Lungsod ng Calaca sa pamumuno ni City Mayor Nas Ona.
Patunay ang mga ganitong gawain sa pagpapahalaga sa pagpapalalim sa kaalaman at patuloy na pagtitiyak na ang bawat kabataang Calacazen ay may angking husay sa anumang larangan na bunga ng Tamang Gawa sa Lungsod ng Calaca.
Muli ay pagbati sa lahat ng naging kalahok at nagwagi sa edisyong ito ng KOOP QUIZ BLAST! Hanggang sa susunod pang mga taon ng patimpalak.