05/12/2025
The FIRST and ONLY Neurogeneticist in the Philippines is a Calacazen! 🇵🇭🧡✨
Mabuhay ka, Dr. Kristine Joyce L. Porto!
𝐏𝐀𝐆𝐁𝐀𝐓𝐈 𝐒𝐀 𝐆𝐀𝐋𝐈𝐍𝐆 𝐍𝐆 𝐂𝐀𝐋𝐀𝐂𝐀𝐙𝐄𝐍!
Isang maalab na pagbati sa nag-iisang Neurogeneticist, Dr. Kristine Joyce L. Porto, isang Calacazen mula sa Barangay Talisay na bumalik sa Pilipinas upang pagsilbihan ang kapwa Pilipino sa pamamagitan ng kanyang pag-aaral ukol sa pagsusuri ng sakit na stroke.
Sa iyong pagbabalik sa pamamagitan ng Balik Scientist Program, muli mong pinatunayan na ang kaalaman ay higit na makabuluhan kapag iniaalay sa bayan. Ang iyong husay ay nagsisilbing liwanag sa mas malalim na pag-unawa sa buhay at kalusugan at patuloy na nagbibigay-inspirasyon sa pamamagitan ng talino, dedikasyon, at pagsulong sa agham.
Maraming salamat, aming nag-iisang Neurogeneticist, Mabuhay ka, at nawa'y magpatuloy kang maging tanglaw sa larangan ng neurogenetics.
Muli, Congratulations po!