Calamba City Police Station

Calamba City Police Station Official page of Calamba Component City Police Station,
under the PNP CALABARZON
(4)

4 Hinihinalang Drug Pusher Timbog sa Isang Araw na Operasyon ng Calamba City Police StationApat na hinihinalang drug pus...
08/05/2026

4 Hinihinalang Drug Pusher Timbog sa Isang Araw na Operasyon ng Calamba City Police Station

Apat na hinihinalang drug pusher ang naaresto sa magkahiwalay na buy-bust operations na isinagawa ng mga operatiba ng Calamba City Police Station noong gabi ng Mayo 7, 2026 sa mga barangay ng Uwisan at Milagrosa sa Calamba City.

Sa unang operasyon na isinagawa sa Barangay Uwisan, naaresto ang isang suspek matapos maaktuhang nagbebenta ng hinihinalang shabu sa isang poseur buyer.

Nakumpiska mula sa kanya ang tatlong sachet ng hinihinalang shabu na may tinatayang timbang na dalawang gramo at standard drug price na ₱13,600.00, kabilang ang buy-bust money at iba pang gamit.

Samantala, nasakote din sa Barangay Milagrosa ang tatlo pang suspek sa isinagawang buy-bust operatio sa ilalaim ng PDEA Coordination.

Nasamsam mula sa tatlong suspek ang tinatayang sampung gramo ng hinihinalang shabu na may standard drug price na ₱68,000.00, kasama ang buy-bust money, coin purse, at iba pang ebidensya.

Parehong naitala ang mga operasyon gamit ang Body Worn Camera (BWC) at Alternative Recording Devices (ARD) bilang bahagi ng pagsunod sa tamang police operational procedures.

Ipinaalam din sa mga suspek ang kanilang Miranda Rights at Anti-Torture Warning Act matapos ang pagkakaaresto.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng Calamba City Police Station ang mga naarestong suspek para sa kaukulang dokumentasyon at inquest proceedings kaugnay ng paglabag sa Sections 5, 11, at 26 ng Article II ng Republic Act No. 9165.

Pahayag ng ating Hepe na si PLTCOL DENNIS C DE GUZMAN, “Patuloy nating paiigtingin ang kampanya kontra ilegal na droga sa buong lungsod. Hindi tayo titigil hangga’t may mga indibidwal na patuloy na sumisira sa kinabukasan ng ating mamamayan lalo na ng kabataan. Ang tagumpay na ito ay bunga ng maayos na koordinasyon, pagtutulungan, at suporta ng komunidad sa ating kapulisan."

United, we strive to make CCalamba Police the Finest in Laguna

Press Release: Calamba CCPS-2026-07-05Regional Most Wanted Person na may Kasong Panggagahasa, Timbog ng Calamba PoliceIs...
07/05/2026

Press Release: Calamba CCPS-2026-07-05

Regional Most Wanted Person na may Kasong Panggagahasa, Timbog ng Calamba Police

Isang Regional Level Most Wanted Person ang naaresto ng Tracker Team ng Calamba Component City Police Station sa isinagawang police operation sa Brgy. Real, Calamba City, Laguna dakong umaga ng Mayo 6, 2026.

Kinilala ang suspek na aircon technician at residente ng Brgy. Palingon, Calamba City. Siya ay inaresto sa bisa ng Warrant of Arrest na inilabas ng Presiding Judge ng Family Court, Branch 8, Calamba City noong Mayo 4, 2026.

Nahaharap ang akusado sa kasong Statutory R**e sa ilalim ng Article 266-A ng Revised Penal Code na inamyendahan ng RA 8353 at RA 11648, na may criminal case number ********** at walang pyansang inirekomenda.

Ayon sa ating Hepe na si PLTCOL DENNIS C DE DUZMAN, patuloy ang pinaigting na operasyon laban sa mga wanted person bilang bahagi ng kampanya ng kapulisan para mapanatili ang kaayusan at kaligtasan sa lungsod ng Calamba. “Hindi titigil ang Calamba PNP sa pagtugis sa mga taong may kinahaharap na kaso sa batas. Patuloy nating paiigtingin ang operasyon upang mapanagot ang mga lumalabag at maprotektahan ang ating komunidad.”

Matapos maaresto, ipinaalam sa suspek ang kanyang mga karapatang naaayon sa batas at kasalukuyang nasa kustodiya ng Calamba CCPS habang inihahanda ang Return of Warrant para sa korte na naglabas ng warrant.

Ang operasyon ay naitala rin gamit ang Alternative Recording Device alinsunod sa umiiral na polisiya.

United, we strive to make Calamba Police the Finest in Laguna

07/05/2026

Calamba Police nagsagawa ng Pagpapatrolya sa Barangay Parian

Paikot-ikot, bantay-sarado, at present sa kalsada ang Calamba Police habang nagsasagawa ng pagpapatrolya sa Brgy. Parian para mapanatiling ligtas at maayos ang komunidad.

Bukod sa police visibility, nagsagawa rin ng pag-iikot at pakikipag-ugnayan sa mga residente upang agad matugunan ang anumang concern sa lugar.

Tuloy-tuloy ang pagbabantay kontra kriminalidad para masigurong payapa ang bawat kanto at tahanan.

Paalala sa lahat: maging alerto, makiisa, at agad ireport ang anumang kahina-hinalang aktibidad.

United, we strive to make Calamba Police the Finest in Laguna


06/05/2026

Magkasabwat na Carnapper, Bistado ng Calamba Police

Hindi pinalampas ng Calamba Component City Police Station (CCPS) ang isang insidente ng carnapping na naganap sa Barangay Parian, kung saan mabilis na naaresto ang dalawang suspek at nabawi ang tinangay na motorsiklo kahit pa umuulan ng madaling araw habang isinasagawa ang operasyon.

Naganap ang insidente bandang 6:53 ng gabi sa nasabing Barangay.

Ang biktima ay isang 19-anyos na estudyante mula sa Brgy. Canlubang.

Naiwan ng biktima ang susi ng kanyang motorsiklo sa ignition, na naging dahilan upang ito ay tangayin ng mga suspek.

Agad na nagsagawa ng backtracking operation ang mga pulis ng Calamba. Sa kabila ng ulan, sinuyod nila ang mga CCTV footage na naging susi upang matunton ang galaw ng mga suspek.

Sa mga nakuhang video, unang nakita ang isang suspek na tinangay ang motorsiklo patungong Barangay Lingga. Sa pagpapatuloy ng imbestigasyon, natukoy na napunta ito sa isa pang suspek na namataan naman sa Barangay Palingon.

Sa tulong ng koordinasyon sa mga barangay at beripikasyon, tuluyang natukoy at naaresto ang dalawang suspek. Matagumpay ring nabawi ang motorsiklo at naibalik sa may-ari.

Ayon kay PLTCOL DENNIS C DE GUZMAN, ACOP ng Calamba CCPS, “Nananatiling handa at maagap ang ating kapulisan sa pagtugon sa anumang uri ng krimen. Patuloy din naming pinaaalalahanan ang publiko na maging responsable at maingat sa kanilang mga ari-arian.”

Kasalukuyang inihahanda ang pagsasampa ng kaukulang kaso laban sa mga suspek.

United, we Strive to make Calamba Police the Finest in Laguna

Press Release: Calamba CCPS-202606-05 2 Hinihinalang Drug Pusher Timbog sa Buy-Bust ng Calamba Police sa Barangay Dos, C...
05/05/2026

Press Release: Calamba CCPS-202606-05

2 Hinihinalang Drug Pusher Timbog sa Buy-Bust ng Calamba Police sa Barangay Dos, Calamba City

Calamba City, Laguna-Dalawang hinihinalang sangkot sa ilegal na droga ang naaresto ng mga operatiba ng Calamba City Police Station sa isinagawang buy-bust operation kagabi, (Mayo 5, 2026) sa Barangay Dos, Calamba City.

Ang dalawang suspek ay kapwa residente ng nasabing lugar at kabilang sa Street Level Individual (SLI) list.

Nahuli ang mga suspek habang aktong nagbebenta ng hinihinalang shabu sa isang poseur-buyer. Narekober mula sa kanila ang tinatayang 2 gramo ng hinihinalang shabu na may standard drug price na ₱13,600, kasama ang buy-bust money at iba pang ebidensya tulad ng mga plastic sachet at coin purse.

Isinagawa ang operasyon sa ilalim ng PDEA Coordination Control No. 4-00-********-***. Ang buong operasyon ay naitala gamit ang Body Worn Camera (BWC) at Alternative Recording Device (ARD) bilang bahagi ng transparency at tamang proseso.

Ipinaalam din sa mga suspek ang kanilang mga karapatan alinsunod sa Miranda Rights at Anti-Torture Act.

Mahaharap ang mga naaresto sa kasong paglabag sa Section 5 at Section 11 kaugnay ng Section 26 ng Article II ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Ayon sa ating Hepe na si PLTCOL DENNIS C DE GUZMAN,
"Patuloy ang aming pinaigting na kampanya laban sa ilegal na droga. Ang matagumpay na operasyong ito ay patunay ng aming dedikasyon na sugpuin ang ganitong uri ng kriminalidad at mapanatili ang kaayusan sa ating komunidad. Hinihikayat namin ang publiko na makiisa at makipagtulungan sa kapulisan upang tuluyang masawata ang ilegal na droga."

Kasalukuyang nasa kustodiya ng Calamba CCPS ang mga suspek para sa dokumentasyon at inquest proceedings.

United, we strive to make Calamba Police the Finest in Laguna

05/05/2026

Real-Time Foot Patrol | Brgy. Pansol, Calamba City

Kasalukuyang nagsasagawa ng foot patrol ang Calamba Police sa Barangay Pansol para masigurado ang kapayapaan at seguridad ng mga Calambeño.

Habang abala ang lahat sa araw-araw na gawain, nakaantabay ang ating kapulisan para sa kaligtasan ng bawat isa.

Kung may mapansing kahina-hinala, huwag mag-atubiling lumapit o mag-report sa ating kapulisan.

United, we strive to make Calamba Police the Finest in Laguna

04/05/2026

OPLAN GALUGAD: Barangay Uno Edition

Nagparamdam ulit ang Calamba Police sa Barangay Uno sa kanilang Oplan Galugad. Random checks, visibility, at pakikipag-ugnayan sa komunidad para siguradong safe ang lahat ng Calambeño.

Hindi lang basta ronda, kundi pakikipag-ugnayan din sa mga residente para marinig ang concerns at agad maaksyunan

May gusto kayong puntahan next? Comment niyo lang barangay niyo 👇

United, we strive to make Calamba Police the Finest in Laguna

Calamba Police, Outstanding ang Performance Dahil sa Buong Suporta sa Pinansyal at Logistical mula sa Calamba City Gover...
04/05/2026

Calamba Police, Outstanding ang Performance Dahil sa Buong Suporta sa Pinansyal at Logistical mula sa Calamba City Government

Calamba City-Kinilala ang patuloy na outstanding performance ng Calamba City Police Station na patunay ng epektibong pagpapatupad ng peace and order sa lungsod.

Ang tagumpay na ito ay bunga ng buong suporta sa pinansyal at logistical resources mula sa Calamba City Government sa pamumuno ni Mayor Roseller H. Rizal, na malaking tulong upang mapalakas ang kakayahan ng kapulisan sa pagbibigay ng serbisyo at pagpapanatili ng seguridad ng mamamayan.

Sa patuloy na pagtutulungan ng lokal na pamahalaan at kapulisan, mas lalo pang pinaiigting ang kampanya para sa mas ligtas, maayos, at mapayapang Calamba City.

United, we strive to make Calamba Police the Finest in Laguna

Bayanihan sa Kalsada: Calamba Pulis at POSO Magkatuwang sa Agarang Tulong sa Nasiraang Jeep sa Gitna ng KalsadaMuling pi...
03/05/2026

Bayanihan sa Kalsada: Calamba Pulis at POSO Magkatuwang sa Agarang Tulong sa Nasiraang Jeep sa Gitna ng Kalsada

Muling pinatunayan ng Calamba PNP katuwang ang POSO na ang tunay na serbisyo ay nararamdaman sa oras ng pangangailangan.

Agad na rumesponde ang ating mga kapulisan at POSO personnel nang isang jeep ang masiraan sa gitna ng kalsada, na nagdulot ng bahagyang abala sa daloy ng trapiko.

Sa tulong ng kanilang maagap na aksyon, mabilis na naitabi ang sasakyan at naibalik sa normal ang daloy ng trapiko, kasabay ng pagtulong sa driver upang matugunan ang kanyang sitwasyon.

Ang simpleng pagtulong na ito ay sumasalamin sa diwa ng bayanihan at malasakit sa komunidad. Patunay ito na ang Calamba PNP at POSO ay laging handang umalalay, anumang oras, sa kahit anong sitwasyon.

United, we Strive to make Calamba Police the Finest in Laguna

02/05/2026

APRIL RECAP

Sa buong buwan ng Abril, naging tuloy-tuloy ang pagkilos ng Calamba PNP mula sa mga operasyon laban sa ilegal na droga, sugal, at loose fi****ms, hanggang sa paghuli sa mga wanted persons.

Kasabay nito, pinaigting din ang pagpapatupad ng Safer City Initiatives sa ilalim ng OPLAN Galugad, kung saan mas naging visible ang police presence sa iba’t ibang barangay.

Dahil sa sama-samang effort, bumaba ang focus crime incidents ng 53.57%, mula 28 kaso noong Marso naging 15 na lamang ngayong Abril.

Kasabay nito, naitala ang 114 na naaresto para sa iba’t ibang paglabag, habang 66 kaso ang matagumpay na nalutas.

Sa usapin ng loose fi****ms, 6 na operasyon ang nagresulta sa 6 na aresto at pagkakarekober ng kabuuang 10 fi****ms (kabilang ang mga nakumpiska at isinuko), pati na rin ang isang hand gr***de na nagpapatunay ng mas pinaigting na kampanya laban sa ilegal na armas.

Kasunod nito, sa kampanya laban sa ilegal na droga, nagsagawa ng 19 na operasyon na nagresulta sa 31 na aresto at pagkakakumpiska ng humigit-kumulang 76.03 grams na may tinatayang street value na ₱517,004.

Samantala, pinaigting din ang kampanya laban sa mga wanted persons kung saan 24 ang nahuli, kabilang ang mga most wanted sa iba’t ibang antas.

Sa ilegal na pagsusugal naman, 10 operasyon ang isinagawa kung saan 17 indibidwal ang naaresto at ₱4,158 ang nakumpiska.

Sa ilalim ng OPLAN Galugad, mas pinaigting ang presensya sa komunidad hindi lang para manghuli kundi para magpaalala at gumabay. Sa mga pampublikong lugar, may mga naabutang nag-iinuman, naninigarilyo sa bawal na lugar, hindi angkop ang kasuotan, at mga menor de edad na nasa labas pa sa oras ng curfew. Lahat sila ay maayos na nilapitan, kinausap, at pinayuhan upang maiwasan ang posibleng gulo o disgrasya. Sa kabuuan, 403 sa drinking in public, 350 sa smoking, 403 sa half naked, at 406 sa curfew ang naitala. Lahat sila ay pawang warned lamang bilang paalala at gabay sa komunidad.

Patuloy ang panawagan ng Calamba PNP sa publiko na makiisa at manatiling mapagmatyag upang mas lalo pang mapanatili ang kaayusan at kaligtasan sa lungsod. Sama-sama, tuloy ang laban para sa mas ligtas na Calamba.

United, we strive to make Calamba Police the Finest in Laguna

Press Release: Calamba CCPS 2026-02-05-01Krimen sa Calamba City Bumagsak ng 53.57% mula Marso Hanggang Abril; Calamba Pu...
02/05/2026

Press Release: Calamba CCPS 2026-02-05-01

Krimen sa Calamba City Bumagsak ng 53.57% mula Marso Hanggang Abril; Calamba Pulis at Barangay Sama-samang Kumilos

Calamba City, Laguna-Naitala ng Calamba City Police Station ang 53.57% na pagbaba sa total focus crime incidents ngayong Abril 2026 kumpara noong Marso 2026, isang malinaw na indikasyon ng patuloy na pagbuti ng peace and order situation sa lungsod.

Ang nasabing pagbaba ay bunga ng pinaigting na pagpapatupad ng iba’t ibang police operations at aktibong pakikipagtulungan ng mga Barangay partners na mabilis rumesponde sa mga insidente.

Kabilang sa mga pangunahing hakbang na nag-ambag sa positibong resulta ay ang mga sumusunod:

OPLAN Galugad-tuloy-tuloy na police visibility at pag-iikot sa mga barangay, lalo na sa mga high-risk areas

Targeted Sita-mas pinaigting na checkpoint operations na nagresulta sa pagkakahuli ng ilang indibidwal at pagkakasamsam ng mga ilegal na baril

Zero Backlogs sa Kaso / Zero Unsolved Cases-bunga ng masusing imbestigasyon at epektibong case build-up, kung saan nadagdagan ang mga patrollers na naideploy sa field para sa mas pinaigting na pagpapatrolya

Aktibong Barangay Response–agarang koordinasyon at mabilis na pagresponde ng mga opisyal at tanod sa bawat insidente

Binigyang-diin ni PLTCOL DENNIS C DE GUZMAN, Hepe ng Calamba City Police Station ang kahalagahan ng mga hakbang na ito:
“Ang pagbaba ng krimen mula Marso hanggang Abril ay bunga ng tuloy-tuloy at mas pinaigting naming operasyon. Dahil sa pagkamit natin ng zero unsolved cases, mas marami na rin sa ating mga kapulisan ang naide-deploy bilang patrollers sa field, kaya mas napapalakas ang ating police presence. Kasabay nito, nadagdagan din ang mga nahuhuling ilegal na baril sa pamamagitan ng ating targeted operations. Hindi rin matatawaran ang naging papel ng ating mga Barangay partners na mabilis rumesponde at tumulong sa pagpapanatili ng kaayusan. Patunay ito na kapag nagkakaisa ang kapulisan at komunidad, nagiging mas ligtas ang ating lungsod.”

United, we strive to make Calamba Police the Finest in Laguna

Address

Barangay Real, Calamba City, Laguna
Calamba
4027

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Calamba City Police Station posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share