Calamba City Police Station

Directions Website

Calamba City Police Station Official page of Calamba Component City Police Station,
under the PNP CALABARZON

08/10/2026

REQUEST NG MGA TAGA-CITADEL, UWISAN, AGAD INAKSYUNAN NG CALAMBA POLICE!

ISANG SUSPEK, TIMBOG SA OPLAN BIGWAS!

CALAMBA CITY, LAGUNA-Agad na inaksyunan ng Calamba Component City Police Station ang mga impormasyon at reklamo mula sa mga residente ng Citadel, Barangay Uwisan, na nagresulta sa pagkakaaresto sa isang suspek sa paglabag sa batas kaugnay ng ipinagbabawal na droga.

Matapos matanggap ang magkakaibang impormasyon mula sa mga taga-Citadel, isinagawa ng Calamba Police ang kaukulang verification at intelligence monitoring. Matapos ma-verify ang impormasyon, agad na isinagawa ang Oplan Bigwas, kabilang ang Oplan Galugad, sa lugar.

Bandang 8:35 ng gabi noong Oktubre 6, 2026, habang nagsasagawa ng Oplan Galugad sa isang residential area sa Barangay Uwisan, naaresto ang isang 41-anyos na lalaki, residente ng Citadel, Calamba City, Laguna.

Narekober mula sa suspek ang dalawang (2) heat-sealed plastic sachets na naglalaman ng puting crystalline substance na hinihinalang shabu, na may tinatayang gross weight na 1.0 gramo at Standard Drug Price na ₱6,800.00, gayundin ang isang coin purse.

Ang suspek ay inaresto dahil sa paglabag sa Section 11, Article II ng RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Ang operasyon ay naitala gamit ang Alternative Recording Device (ARD). Ipinaalam din sa suspek ang kanyang Miranda Rights at Anti-Torture Warning, at kasalukuyang nasa kustodiya ng Calamba Component City Police Station.

Pahayag ng ating Hepe na si PLTCOL DENNIS C DE GUZMAN, “Ang bawat impormasyon mula sa ating mga kababayan ay aming bine-verify at inaaksyunan kung may sapat na batayan. Patuloy ang Oplan Bigwas at Oplan Galugad upang mabilis na matugunan ang mga concern ng ating komunidad.”

May concern o lugar ba kayong nais ipagalugad? I-message lamang ang official page ng Calamba City Police Station at ipaalam sa amin ang inyong concern. Ang bawat impormasyon ay aming ibe-verify at bibigyan ng nararapat na aksyon.

Kayo ang aming katuwang sa pagpapanatili ng ligtas at mapayapang Calamba City.

United, we strive to make Calamba Police the Finest in Laguna

CALAMBA COMPONENT CITY POLICE STATION, NANGUNA NA NAMAN SA BUONG LAGUNA SA BUWAN NG SETYEMBRE!Another milestone unlocked...
07/10/2026

CALAMBA COMPONENT CITY POLICE STATION, NANGUNA NA NAMAN SA BUONG LAGUNA SA BUWAN NG SETYEMBRE!

Another milestone unlocked!

Congratulations to the Calamba Component City Police Station for securing the TOP 1 spot in the Unit Performance Evaluation Rating among Component City Police Stations in Laguna for September 1–30, 2026!

Hindi ito basta numero o ranking lamang. Bunga ito ng sama-samang effort, disiplina, teamwork at commitment ng buong Calamba Police sa paghahatid ng mabilis, tapat at nararamdamang serbisyo sa bawat Calambeño.

Sa pangunguna ni PLTCOL Dennis De Guzman, Chief of Police, patuloy ang pagbibigay ng malinaw na direksyon, suporta at motivation sa mga personnel upang mapanatili ang mataas na antas ng performance at serbisyo.

Malaking bahagi rin ng tagumpay na ito ang patuloy na suporta ng City Government of Calamba sa pangunguna ni Mayor Roseller "Ross" H. Rizal. Ang tuloy-tuloy na pakikipagtulungan at suporta ng ating Punong Lungsod sa kapulisan ay malaking tulong upang mas mapalakas pa ang mga programa, operasyon at serbisyong pangkaligtasan para sa mga Calambeño.

Kasama rin sa tagumpay na ito ang ating barangay partners, BPSO, LGU personnel, stakeholders at buong Calambeñong patuloy na nakikiisa sa pagpapanatili ng peace and order sa lungsod.

CALAMBA POLICE, NANGUNGUNA SA PERFORMANCE, NAGKAKAISA PARA SA SERBISYO!

United, we strive to make Calamba Police the Finest in Laguna

Calamba Component City Police Station, Matagumpay na NAIPASA ang Institutionalization Evaluation Process bilang bahagi n...
07/10/2026

Calamba Component City Police Station, Matagumpay na NAIPASA ang Institutionalization Evaluation Process bilang bahagi ng PNP P.A.T.R.O.L. Plan 2030

Isang malaking milestone para sa Calamba Component City Police Station!

ALL 6 Institutionalization Evaluation Process Element - BEST PRACTICE!

E1: Analysis and Examination of Strategy Ex*****on - BEST PRACTICE
E2: Initiatives Management - BEST PRACTICE
E3: Functionality of Strategy Partners - BEST PRACTICE
E4: Stakeholder Communication - BEST PRACTICE
E5: Implementation and Sharing of Best Practices and a Culture of Good Governance - BEST PRACTICE
E6: Breakthrough Results - BEST PRACTICE

At hindi lang PASADO. Sa Impact Validation Assessment, nakakuha rin ang Calamba CCPS ng OVERALL ASSESSMENT na WITH HIGH IMPACT!

Strategic Readiness Test - WITH HIGH IMPACT
Focus Group Discussions - WITH IMPACT
Key Informant Interviews - WITH HIGH IMPACT

Ang tagumpay na ito ay bunga ng tuloy-tuloy na trabaho, maayos na pamamahala, strategic initiatives, at pakikipagtulungan ng Calamba Police kasama ang mga partner stakeholders at komunidad.

Malaki rin ang ambag ng buong suporta ng Pamahalaang Lungsod ng Calamba sa kapulisan, sa pangunguna ni Mayor Roseller H Rizal, sa pagpapatupad ng mga programa at inisyatiba para sa peace and order, public safety, at kapakanan ng mga Calambeño.

Sa pamumuno ni PLTCOL DENNIS C DE GUZMAN, Chief of Police, patuloy na pinagtitibay ng Calamba CCPS ang commitment nito sa mas mahusay, mas epektibo at mas makabuluhang serbisyo-pulisya.

PASADO SA EVALUATION. BEST PRACTICE. WITH HIGH IMPACT.

Calamba Police, hindi lang basta nagseserbisyo, may resulta at may IMPACT!

United we strive to make Calamba Police the Finest in Laguna


07/10/2026

126 INDIBIDWAL, ARESTADO SA BUWAN NG SETYEMBRE!

CALAMBA POLICE, PATULOY ANG SERBISYO PARA SA LAHAT NG CALAMBEÑO!

Hindi tumitigil ang Calamba Police sa pagpapatupad ng batas at pagpapanatili ng peace and order sa lungsod.

Sa buong buwan ng September 2026, umabot sa 126 indibidwal ang naaresto ng Calamba Component City Police Station kaugnay ng iba’t ibang paglabag sa batas.

SEPTEMBER 2026 HIGHLIGHTS

126 -Total Arrested Individuals
27 - Arrested for Illegal Drugs
33 - Arrested for Illegal Gambling
8 - Most Wanted Persons Arrested
25 - Other Wanted Persons Arrested
3 - Arrested for Loose Fi****ms
2 - Arrested through Search Warrants

Sa pamumuno ni PLTCOL DENNIS C DE GUZMAN, Chief of Police ng Calamba Component City Police Station, patuloy na isinasagawa ang mga police operations, law enforcement activities, at community-based initiatives upang mapanatili ang kaligtasan at kaayusan sa iba’t ibang bahagi ng Calamba City.

126 na indibidwal ang naaresto, ngunit ang tunay na layunin ay higit pa sa bilang. Ito ay ang patuloy na pagprotekta, pagpapatupad ng batas, at paglilingkod sa bawat Calambeño.

Kumikilos para sa kaligtasan.
Nakikipag-ugnayan para sa kapayapaan.
Naglilingkod para sa bawat Calambeño.

CALAMBA POLICE : PATULOY ANG SERBISYO, PATULOY ANG PAGTUGON, PARA SA LAHAT NG CALAMBEÑO!

United, we strive to make Calamba Police the Finest in Laguna


BAGONG LINGGO, BAGONG PARANGAL! | CALAMBA POLICE RECOGNIZES DEDICATED PERSONNELBagong linggo, panibagong serbisyo at pan...
05/10/2026

BAGONG LINGGO, BAGONG PARANGAL! | CALAMBA POLICE RECOGNIZES DEDICATED PERSONNEL

Bagong linggo, panibagong serbisyo at panibagong pagkilala sa mga taong patuloy na kumikilos para sa kaligtasan ng ating komunidad.

Isinagawa kanina sa Calamba Component City Police Station ang Flag Raising Ceremony na pinangunahan ni PLTCOL DENNIS C DE GUZMAN, Chief of Police.

Naging bahagi rin ng programa ang pagdalo ng Guest of Honor and Speaker na si Hon. Soliman B. Lajara, City Councilor ng Calamba, na nagbigay ng mensahe para sa ating mga police personnel at force multipliers.

Kasabay nito, kinilala ang mga BPSO, VAWC at iba pang personnel ng Calamba CCPS na nagpakita ng dedikasyon at kahusayan sa kanilang tungkulin.

Ang kanilang mga pagkilala ay bunga ng walang-sawang pagbabantay, aktibong pagpapatupad ng batas, at mga accomplishment kabilang ang pag-aresto sa mga law violators.

CONGRATULATIONS, AWARDEES!

Barangay BPSO Awardees:

Brgy. V
BPSO Juan Diego D. Tapia, BPSO Sheryl T. Dichoso, BPSO Reynante V. Arcibal

Brgy. Batino
BPSO Elizabeth R. Fonacier, BPSO Amador C. Dimapilis

Brgy. Pansol
BPSO Glenda L Cortez, BPSO Arturo T. Martin

Brgy. II
BPSO Gino R. Evangelista, BPSO Alfredo T. Trinidad Jr., VAWC Marissa Q. Sumbilla

Brgy. Bucal
BPSO Rodrigo M. Barte Jr., BPSO Federico L. Pambago

Brgy. Barandal
BPSO Lourence L. Pascual, BPSO Alex C. Garcia

Brgy. Kay-Anlog
BPSO Aldwin H. Carcasitas, BPSO Generoso C. Ligpitan

Brgy. Majada Out
BPSO Cristobal N. Malabanan,
BPSO Jake F. Salazar, VAWC Editha T. Rubico

Brgy. Paciano Rizal
BPSO Renato B. Arsenye, BPSO Raffy M. Pajalla,
VAWC Luz C. Cerbatos,
BPSO Romeo M. Orene, BPSO Juan Mario E. Javier

Calamba Police Awardees

PCMS Alberto Babadilla
PSSg Nolan Borja
PCpl Nely Cobol
Pat Arthur Villasin

28 awardees. Isang layunin-SERBISYO.

Sa bawat ronda, pagbabantay, pagresponde at pagpapatupad ng batas, ipinapakita na ang tunay na serbisyo ay hindi lang salita kundi aksyon.

Saludo kami sa inyong dedikasyon at malasakit sa komunidad!

Tuloy ang serbisyo. Tuloy ang pagbabantay.

United, we strive to make Calamba Police the Finest in Laguna


CALAMBEÑO, INGATAN ANG SASAKYAN, IWASAN ANG CARNAPPING! Mga Calambeño, wag maging kampante kahit saglit lang!Kapag iiwan...
04/10/2026

CALAMBEÑO, INGATAN ANG SASAKYAN, IWASAN ANG CARNAPPING!

Mga Calambeño, wag maging kampante kahit saglit lang!

Kapag iiwan ang sasakyan o motor, siguraduhin na naka-lock, patay ang makina, at dala ang susi. (Kahit “mabilis lang naman” ang pupuntahan.)

United, we strive to make Calamba Police the Finest in Laguna


03/10/2026

OPLAN GALUGAD, TULOY-TULOY!

Patuloy ang Calamba City Police Station, katuwang ang BPSO, sa pagsasagawa ng Oplan Galugad sa Barangay Halang, Calamba City bilang bahagi ng pagpapaigting ng police visibility at pagpapanatili ng peace and order sa komunidad.

Nag-iikot. Nag-oobserba. Nagpapaalala. Nagpapatupad.

Hindi lang ito basta presensya. Tuloy-tuloy ang pagbabantay para sa mas ligtas na kalsada, barangay, at komunidad.

📍 Saan ang susunod?
COMMENT NIYO ANG BARANGAY NA GUSTO NINYONG IPAGALUGAD! 👇

Sa tulong ng Calamba Police at Barangay partnership, sama-sama nating pinapalakas ang seguridad at kaayusan sa bawat sulok ng Calamba City.

United, we strive to make Calamba Police the Finest in Laguna


4 SANGKOT SA IPINAGBABAWAL NA GAMOT, TIMBOG SA OPLAN BIGWAS NG CALAMBA POLICE SA BARANGAY BUBUYAN AT PALO ALTOCALAMBA CI...
02/10/2026

4 SANGKOT SA IPINAGBABAWAL NA GAMOT, TIMBOG SA OPLAN BIGWAS NG CALAMBA POLICE SA BARANGAY BUBUYAN AT PALO ALTO

CALAMBA CITY, LAGUNA-Apat na indibidwal ang naaresto ng mga operatiba ng Calamba Component City Police Station sa magkahiwalay na operasyon sa Barangay Bubuyan at Barangay Palo Alto, Calamba City, Laguna, sa gabi ng October 1, 2026, bilang bahagi ng pinaigting na Oplan Bigwas at Oplan Galugad laban sa ilegal na droga at iba pang uri ng kriminalidad.

Sa unang operasyon, sa Purok 1, Barangay Bubuyan, dalawang indibidwal ang naaresto matapos mapansin ng mga mobile patroller na kahina-hinalang kumikilos at may palitan ng maliit na transparent sachet na naglalaman ng puting mala-kristal na substance na hinihinalang shabu.

Nakumpiska mula sa dalawang suspek ang apat na heat-sealed transparent plastic sachets na naglalaman ng hinihinalang shabu, na may kabuuang tinatayang gross weight na 4.6 gramo, na may tinatayang standard drug value na ₱31,280.00, gayundin ang isang coin purse at isang ₱100 bill.

Samantala, sa Purok 1, Barangay Palo Alto, dalawa pang indibidwal ang naaresto matapos mapansin ng mga intelligence operatives ang isa sa kanila na may hawak na sachet na naglalaman umano ng hinihinalang shabu at iniabot ito sa kasama.

Nang lapitan at makilala ng mga operatiba bilang mga pulis, nagtangkang tumakas ang dalawa ngunit agad silang naabutan matapos ang maikling pursuit.

Sa isinagawang body search, nakumpiska ang apat na heat-sealed transparent plastic sachets na naglalaman ng hinihinalang shabu, na may kabuuang tinatayang gross weight na 2.2 gramo, na may tinatayang standard drug value na ₱14,960.00 at isang coin purse.

Sa kabuuan, 8 sachets ng hinihinalang shabu na may pinagsamang tinatayang gross weight na 6.8 gramo at tinatayang standard drug value na ₱46,240.00 ang nakumpiska sa dalawang magkahiwalay na operasyon.

Ipinaalam sa mga naarestong indibidwal ang kanilang Miranda Rights at sa Anti-Torture Warning Act. Sa kasalukuyan, nasa kustodiya ang mga ito ng Calamba CCPS para sa kaukulang dokumentasyon at inquest proceedings.

Patuloy namang pinaiigting ng Calamba Police ang Oplan Bigwas at Oplan Galugad upang mapigilan ang pagkalat ng ilegal na droga at mapanatili ang kaligtasan at seguridad ng mga residente ng Calamba City.

Pahayag ng ating Chief of Police, PLTCOL DENNIS C. DE GUZMAN,
“Patuloy ang aming operasyon laban sa ilegal na droga. Hindi kami titigil sa pagpapatupad ng batas upang mapanatiling ligtas bawat Calambeño.”

United, we strive to make Calamba Police the Finest in Laguna


RANK 10 MOST WANTED SA LAGUNA, ARESTADO NG CALAMBA POLICE SA BARANGAY REALCALAMBA CITY, LAGUNA-Naaresto ng Tracker Team ...
02/10/2026

RANK 10 MOST WANTED SA LAGUNA, ARESTADO NG CALAMBA POLICE SA BARANGAY REAL

CALAMBA CITY, LAGUNA-Naaresto ng Tracker Team ng Calamba Component City Police Station ang isang indibidwal na kabilang Rank 10 Provincial Most Wanted Persons ng Laguna sa isinagawang police operation dakong 2:19 PM noong October 1, 2026, sa Barangay Real, Calamba City, Laguna.

Ang naarestong akusado ay isang 36-anyos na babae, residente ng Barangay 3, Calamba City, Laguna, at nakatala bilang Provincial Most Wanted Person Rank No. 10.

Ang pagkakaaresto ay isinagawa sa bisa ng mga Warrants of Arrest na inisyu ng iba't ibang sangay ng Regional Trial Court, Fourth Judicial Region, Calamba City, Laguna, kaugnay ng magkakahiwalay na kasong Qualified Theft.

Kabilang sa mga warrant ang mga inisyu ng RTC Branch 104 para sa Criminal Case Nos. *****-2026-C at *****-2026-C; Branch 35 para sa Criminal Case No. *****-2026-C; Branch 103 para sa Criminal Case No. *****-2026-C; Branch 105 para sa Criminal Case No. *****-2026-C; Branch 36 para sa Criminal Case No. *****-2026-C; at Branch 37 para sa Criminal Case No. *****-26-C.

Ang mga kasong saklaw ng RTC Branches 104, 35, 105, 36, at 37 ay may recommended bail na ₱40,000.00 bawat count, habang ang kasong nasa RTC Branch 103 ay may recommended bail na ₱30,000.00.

Isinagawa ang operasyon ng Tracker Team ng Calamba CCPS bilang bahagi ng patuloy na pagtutok ng kapulisan sa mga wanted person at pagpapatupad ng mga umiiral na warrant of arrest upang matiyak ang paghahatid ng mga akusado sa kaukulang proseso ng batas.

Matapos ang pagkakaaresto, ipinaalam sa akusado ang kanyang constitutional rights at ang Anti-Torture Warning. Siya ay kasalukuyang nasa kustodiya ng Calamba CCPS, habang inihahanda ang Return of Warrant of Arrest para sa issuing court.

PAHAYAG ng ating Chief of Police na si PLTCOL DENNIS C. DE GUZMAN,

“Ang pagnanakaw ay hindi lamang pagkawala ng isang bagay; maaari itong magdulot ng malaking epekto sa kabuhayan at seguridad ng isang pamilya. Kaya naman hinihikayat natin ang ating mga kababayan na maging mapagmatyag, ingatan ang kanilang mga ari-arian, at agad na i-report sa pulisya ang anumang kahina-hinalang kilos o insidente. Patuloy nating tututukan ang mga gumagawa ng krimen at sisiguraduhin nating ang bawat kaso ay dadaan sa tamang proseso ng batas.”

Patuloy namang pinagtitibay ng Calamba Police ang kanilang commitment sa pagpapatupad ng batas at paghahatid ng serbisyong mabilis, maayos, at naaayon sa due process.

United, we strive to make Calamba Police the Finest in Laguna


Address

Barangay Real, Calamba City, Laguna
Calamba
4027

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Calamba City Police Station posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share