Brgy. Mayapa Health Center

Call Directions

Brgy. Mayapa Health Center Calamba, 4027 Laguna

05/09/2026

🚨 MGA MAGULANG AT KABABAYAN, MAG-INGAT PO TAYO! 🚨

Maraming bata at matatanda ang nakararanas umano ng LBM o pagtatae, pananakit ng tiyan, pagsusuka, lagnat, at panghihina. Sa panahon ng tag-ulan at pagbaha, tumataas ang panganib ng mga sakit na maaaring manggaling sa kontaminadong pagkain o tubig. Gayunman, kinakailangan pa rin ng opisyal na pagsusuri upang matukoy ang tunay na sanhi.

đź’§ Para sa kaligtasan ng inyong pamilya:

âś… Uminom lamang ng malinis at ligtas na tubig. Kung hindi sigurado, pakuluan muna.
âś… Gumamit ng Oral Rehydration Solution (ORS) kapag nagtatae upang maiwasan ang dehydration.
âś… Maghugas palagi ng kamay gamit ang sabon at malinis na tubig.
âś… Lutuing mabuti at takpan nang maayos ang pagkain.
âś… Itapon ang pagkain o tubig na maaaring nadikitan ng baha.
❌ Huwag basta uminom ng antibiotic o anti-diarrheal medicine nang walang payo ng doktor.

⚠️ Dalhin agad sa pinakamalapit na health facility kapag hindi makainom, tuloy-tuloy ang pagsusuka o pagtatae, may dugo sa dumi, mataas ang lagnat, matindi ang sakit ng tiyan, kaunti o walang ihi, sobrang nanghihina, o antukin at mahirap gisingin.

Mas mataas ang panganib sa mga bata, matatanda, buntis, at mga taong mahina ang resistensiya.

Kung marami ang sabay-sabay na nagkakasakit sa inyong lugar, ipagbigay-alam agad sa Barangay Health Center o City Health Office upang maimbestigahan at makuhanan ng sample ang posibleng pinagmulan.

📣 I-SHARE ANG PAALALANG ITO—maaaring makatulong ito upang mailigtas ang isang bata, nakatatanda, o buong pamilya.

Paalala ni Nancy Dimaranan đź’™

03/09/2026
24/08/2026

Ligtas Tigdas, Protektado ang Bata! 💚​

Mga magulang, samantalahin ang pagkakataong maprotektahan ang inyong mga anak laban sa Measles at Rubella!

Ang Calamba Medical Center, katuwang ang Laguna Provincial Health Office (PHO) at City Health Office (CHO) of Calamba, ay magsasagawa ng Measles-Rubella Supplemental Immunization Activity para sa mga batang 6 months hanggang 59 months old.

📅 August 24–28, 2026 ​
⏰ 1:00 PM–3:00 PM only ​
📍 Calinga Center, Calamba Medical Center Extension Building

📲 Mag-register na! I-scan ang QR code para sa participant pre-registration.

Sama-sama nating protektahan ang ating mga anak laban sa tigdas at rubella. đź’š


21/08/2026

Mga mommies, alam niyo ba na magkaiba ang gamit ng MMR at MR vaccines?

MMR vs MR: Bakit Kailangan Pareho?

MMR (Measles‑Mumps‑Rubella) ay bahagi ng routine immunization. Ito ang regular na bakuna na nakaschedule para sa lahat ng bata, para tuloy‑tuloy ang proteksyon laban sa tigdas, beke, at rubella habang lumalaki sila.

MR (Measles‑Rubella) naman ay ginagamit sa Supplemental Immunization Activities (SIA). Ginagawa ito kapag may outbreak o mataas ang risk sa komunidad.

Kahit kumpleto na ang anak mo sa routine MMR, puwede pa ring kailanganin ang MR para dagdag proteksyon, kasi ang measles ay mabilis kumalat at puwedeng magdulot ng malubhang komplikasyon tulad ng pneumonia, diarrhea, o encephalitis.

👉 Bakit necessary?

MMR = pang‑routine shield - long‑term protection para sa bata.
MR = pang‑extra shield - emergency protection para sa buong barangay/community.

Parehong bakuna ay tumutulong para maiwasan ang measles outbreak at mapanatiling ligtas ang mga bata at pamilya.

🤗 Share mo ito sa ibang moms para lahat informed!

Together, let’s keep our kids safe. 💖

19/08/2026
17/08/2026

📢 Maging Mapanuri sa Impormasyon Tungkol sa MR Vaccine!

Sa dami ng kumakalat na fake news sa social media, mahalagang alamin ang tamang impormasyon mula sa mapagkakatiwalaang sources.

đź’‰ Libre ang Measles-Rubella vaccine, pero hindi ibig sabihin na hindi ito ligtas at epektibo. Ang mga bakunang ginagamit sa National Immunization Program ng DOH ay dumaraan sa mahigpit na pagsusuri upang matiyak ang kalidad, kaligtasan, at bisa nito.

Huwag basta maniwala. Suriin, alamin, at ibahagi ang tama.

Para sa tamang impormasyon tungkol sa MR vaccine, makipag-ugnayan sa pinakamalapit na health center o kumonsulta sa inyong private pediatrician.

15/08/2026

Address

Calamba

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Telephone

+639365157694

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Brgy. Mayapa Health Center posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share