BRGY. BITIN

BRGY. BITIN Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from BRGY. BITIN, Town Hall, RIZAL Avenue PUROK 1 BARANGAY BITIN BAY, Calamba.

17/04/2020

APRIL 17, 2020

Sa araw na ito nag tala na naman tayo ng isa pang positibong kaso ng Covid-19 sa ating Bayan. Si Bay PX-5 ay isang frontliner sa isang ospital sa Bay. Ang nasabing indibidwal ay kasalukuyan ng sumasailalim sa quarantine procedure at nasa stable na condition ngayon. Nag sasagawa na din tayo ng contact tracing sa kanilang mga nakasalamuha.

Kami po ay nakikiusap sa ating mga kababayan. Manatili po tayo sa loob ng ating mga bahay kung wala namang matibay na dahilan upang lumabas, kung lalabas ay mag suot ng mask. Mag practice ng physical distancing. Ugaliing mag hugas ng kamay. Ang mga umpukan ay sisitahin na ng ating mga pulis. Inaasahan po na ang bawat Bayeños ay makikiisa sa ating laban sa Covid-19.

Pinapaalalahan din po ang lahat na huwag po natin pairalin ang diskriminasyon sa mga panahon na ito bagkus ay ipakita natin ang ating pagmamalasakit sa ating mga kababayan sa pamamagitan ng pag sunod sa mga alituntunin upang maiwasan ang pagkalat ng virus. Alalahanin po natin na magka-iba ang diskriminasyon sa pag iingat. Ayon sa batas, ang sino mang mag di-discriminate ay maaring patawan ng parusa.

Tayo po ay mag dasal para sa patuloy na pag galing ng ating mga kababayang nag positibo sa Covid-19. Isama din po natin sa ating panalangin ang ating Bayan.

Ingat po mga Bayeños!

15/04/2020

As of April 15, 2020 at 8pm

COVID-19 ay iwasan, kooperasyon ang kailangan!

Address

RIZAL Avenue PUROK 1 BARANGAY BITIN BAY
Calamba
4033

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when BRGY. BITIN posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share

Category