19/08/2026
𝐈𝐖𝐀𝐒 𝐅𝐀𝐊𝐄 𝐍𝐄𝐖𝐒, 𝐏𝐑𝐎𝐓𝐄𝐊𝐓𝐀𝐇𝐀𝐍 𝐀𝐍𝐆 𝐀𝐍𝐀𝐊!
Sa panahon ng social media, mabilis kumalat ang mga maling impormasyon tungkol sa bakuna. Huwag agad maniwala, mag-share, o magpakalat ng post nang hindi sinusuri ang pinagmulan.
❌ “May microchip ang bakuna.”
❌ “Hindi ligtas ang bakuna.”
❌ “Mas delikado ang bakuna kaysa sa sakit.”
❌ “Hindi na kailangan ang bakuna kung mukhang malusog ang bata.”
👉 FACT: Ang measles-rubella vaccine ay ginagamit upang makatulong na maprotektahan ang mga bata laban sa tigdas at tigdas-hangin (measles and rubella).
Bago maniwala sa anumang nakikita online, i-check ang source, magtanong sa health worker, at piliin ang impormasyong mula sa mapagkakatiwalaang health authorities.
Huwag hayaang ang fake news ang magdesisyon para sa kalusugan ng iyong anak.
MAG-VERIFY BAGO MAG-SHARE.
PILIIN ANG FACTS. MAKII SA LIGTAS TIGDAS!** 💉🛡️