Team DNM

Team DNM Determinado Na Maglilingkod para sa Kabataan 🤟

Kami sa Team DNM ay naniniwala na ang mga kabataan ay may malalim na potensyal at siyang magdadala ng liwanag sa ating k...
28/10/2023

Kami sa Team DNM ay naniniwala na ang mga kabataan ay may malalim na potensyal at siyang magdadala ng liwanag sa ating kinabukasan.

Ang kanilang sipag, talino, at determinasyon ay siyang nagbibigay inspirasyon sa amin na patuloy na magtiwala sa kanilang kakayahan.

Kasama natin ang mga kabataan sa paglalakbay na ito tungo sa mas magandang kinabukasan.🩵✨

Sa lahat ng oras at panahon, kami ay magbibigay ng aming determinasyon at dedikasyon para sa ikabubuti ng ating komunida...
26/10/2023

Sa lahat ng oras at panahon, kami ay magbibigay ng aming determinasyon at dedikasyon para sa ikabubuti ng ating komunidad. Kami, ang Team DNM : Determinadong Maglilingkod Para sa Kabataan, ay may tapang na isinusulong ang pangarap ng bawat kabataan at mamamayan ng ating barangay. Para sa Kabataan anumang oras, kami'y laging maaasahan, handang tumulong, maglingkod, magtanggol, magbigay kasiyahan, kalusugan at umagapay sa bawat isa upang magkaroon ng magandang kinabukasan.

Ipamamalas at ipapakita namin ang aming galing, lakas at pagsisikap upang maging inspirasyon sa bawat isa. Sa bawat hakbang na aming tinatahak, kami'y magtataguyod ng pagkakaisa at kabutihan.

Papahalagahan ang edukasyon, dahil ito ang susi sa pagkakaroon ng magandang kinabukasan. Ito'y aming layunin at adhikain para sa lahat.

Kami'y isang pamilya, handang gawin ang lahat para sa kapakanan ng ating barangay. Team DNM, ito ang aming pangako—ang patuloy na magsilbing tanglaw, inspirasyon, at lakas para sa mga pangarap ng kabataan. Sama-sama nating tuklasin ang ating kinabukasan. Determinado kaming maglilingkod para sa'yo at para sa kabataan.🩵✨

Sama-sama tayo sa landas tungo sa mas makabuluhan at maunlad na kinabukasan! Ang Team DNM ay kasama ninyo sa pagtahak ng...
20/10/2023

Sama-sama tayo sa landas tungo sa mas makabuluhan at maunlad na kinabukasan! Ang Team DNM ay kasama ninyo sa pagtahak ng landas, hindi lamang bilang lingkod, kundi bilang kasamahan. Kami'y kaakibat ng mga kabataan sa pagsikap na abutin ang kasaganaan na matagal nating pinapangarap.

Nasa aming misyon ang pag-aalalay at pagmamalasakit sa inyo, mga kabataan, at tutulong kami sa abot ng aming makakaya upang mapabuti ang inyong kalagayan at kinabukasan. Sa labang ito, hindi tayo nag-iisa, dahil lahat kayo ay kasama.

Sa pagsasama-sama natin, haharapin natin ang mga pagsubok at maaaring kaganapan nang magkasama. Ipinapangako namin na kasama ninyo, makakamit natin ang mas maliwanag at mas makulay na bukas.

Magandang araw! ☀️Sa araw na ito, tayo ay nakikita bilang mga tagapag-ambag sa pagsisimula ng isang panibagong “legacy” ...
27/08/2023

Magandang araw! ☀️

Sa araw na ito, tayo ay nakikita bilang mga tagapag-ambag sa pagsisimula ng isang panibagong “legacy” para sa ating mga kabataan. Ang ating paninindigan at dedikasyon upang magsilbi sa ating komunidad ay ang nagbibigay ng direksyon para sa isang mas maganda at mas maunlad na kinabukasan.

Sa bawat salita, aksyon, at proyekto na ating ipinatutupad, tayo ay nagtataas ng bandera ng mga pangarap at adhikain ng ating mga kasamahan sa kabataan. Tunay nga, tayo ang mga magsisimula ng pagbabago. Sa ating kamay, mahahawakan at mabibigyang-tuwid ang nararapat na mga polisiya at programa na magdadala ng pagkakataon at progresong hinihingi ng ating mga kababayan.

Ngayon, hindi lamang natin ginugunita ang paglipas ng panahon, kundi ang kasaysayan na ating uuwian. Ang araw na ito ay isang kasimpulan ng ating pagiging matatag at pagtitiyaga sa gitna ng mga laban at hamon. Ngunit, ang sakripisyo at dedikasyon na ating ibinuhos ay may kakambal na kaligayahan, dahil tayo ay nagtutulungan at nagkakaisa tungo sa pag-iral ng isang progresibo at makatarungang pamahalaan.

Sa bawat hakbang na ating tinitimpla, tayo ay humuhugis ng isang henerasyon na may awtoridad at pakialam sa kinabukasan ng ating bayan. Ang ating kaalaman, kakayahan, at malasakit ay magsisilbing mga sandata na maghahatid ng kabutihan at pag-asa para sa sangkatauhan. Tayo ay mga pinuno at tagapagtaguyod ng isang mapagkalingang lipunan, kung saan ang bawat kabataan ay may pantay na pagkakataon para umunlad at magkaroon ng malakas na boses.

Ngayon na tayo ay nasa simula ng isang bagong yugto, naniniwala na ang ating kolektibong lakas at higit sa lahat, ang ating pusong naglalakbay tungo sa pagbabago, ay magbibigay-pugay sa isang kinabukasan na puno ng pag-asa, oportunidad, at tagumpay para sa ating mga kabataan.

Mabuhay ang Sangguniang Kabataan! Mabuhay tayong lahat na nagmamahal at naglilingkod sa ating bayan! 🩵

Sigurado na ang bawat isang miyembro ng TEAM DNM ay Determinadong Maglilingkod para sa KABATAAN. 🤟🏼

Masasamahan niyo ba kami sa aming munting lakbay? 😊

Noong ika-13 ng Agosto taong kasalukuyan, isang pagtitipon ang naganap sa pookan ng mga Natividad bandang alas kwatro ng...
22/08/2023

Noong ika-13 ng Agosto taong kasalukuyan, isang pagtitipon ang naganap sa pookan ng mga Natividad bandang alas kwatro ng hapon.

Nakakatuwa at nakakagalak sa puso ang bilang ng mga nagsipagdalo, iba't ibang mukha ang aming nakita at nasilayan. Mula sa mga bata, kabataan at mga magulang na dumalo ng aming simpleng pagtitipon, kami po mula sa TEAM DNM ay lubos na nagpapasalamat sa lahat ng sa inyong pakikiisa sa aming inorganisang pagtitipon.

Nawa’y nabigyan po namin kayo ng tuwa at galak sa aming mga munting inihandog na pa-raffle. Sana’y kayo rin po ay nabusog sa munti naming inihanda noong araw na iyon.

Muli, kami po ay lubos na nagpapasalamat sa inyong lahat. Kami ang Team DNM, ang mga kabataang Determinado Na Maglilingkod para sa kabataan 🤟🏼

Kita kita ulit tayo sa susunod? 😊

Determinado ‘yan ng mindset ni Manaloto!Determinado sa adhikain na isulong ang magagandang gawain na siguradong makakatu...
19/08/2023

Determinado ‘yan ng mindset ni Manaloto!

Determinado sa adhikain na isulong ang magagandang gawain na siguradong makakatulong sa pag-unlad, pagkakaisa, at pagbuo ng mabuting pagsasamahan. Parating magiging bukas sa swestyon at komento upang kaguluhan, pagtatalo, at pagkakawatak-watak ay maiwasan dahil hangarin ko na makita ang kapanatagan ng loob at kasiyahan ng bawat isa.

Pondo ay ilalagay sa tamang proyekto, mga librong katapatan ang laman ay bubuksan upang alinlanga’y maibsan. Palaging handang tumulong sa mga nangangailangan sa abot ng makakayanan. ‘Yan ang tatak ni Manaloto!

Motibasyon na kailangan ay gagawin upang mahimok na sumali sa bawat programa at proyekto na ilulunsad.

Walang kabataan ang maiiwan! AKO, IKAW, TAYO ang magsisimula ng maganda at matibay na pundasyon na magsisilbing gabay at modelo ng susunod na henerasyon.

Kaya samahan niyo kami dahil kami ay Determinado Na Maglilingkod para sa’yo at para sa kabataan.

Asahan niyong kabataan ay magiging kampyon sa pagkakaroon ng CLA-rong plano tungkol sa pagkakaroon ng magandang kalusuga...
19/08/2023

Asahan niyong kabataan ay magiging kampyon sa pagkakaroon ng CLA-rong plano tungkol sa pagkakaroon ng magandang kalusugan.

Narinig mo na ba ang kasabihang "Health is Wealth"? Isang simpleng kasabihan na may malalim na kahulugan. Hindi hadlang sa ating kaalaman na dapat nating bigyang pansin ang ating kalusugan upang MALABANAN ang mga sakit na baka ating daanan.

Tandaan natin na ang pagkakaroon ng magandang kalusugan ay isang kayamanan upang gumanda lalo ang ating kinabukasan

Kaya kabataan halina't sabay-sabay nating tuklasin kung paano nga ba bigyan ang kalusugan ng halaga. CLA-rong CLA-ro sa aking plano na kalusugan ng mga kabataan ang mauuna.

Determinadong maglilingkod sa kabataan,MAGSISILBI sa iba't ibang larangan. SPORTS ay hindi maaaring kalimutan, anking ga...
19/08/2023

Determinadong maglilingkod sa kabataan,

MAGSISILBI sa iba't ibang larangan. SPORTS ay hindi maaaring kalimutan, anking galing, talento at kahusayan ng kabataan ay huhubugin at bibigyan ng pagkakataong maipamalas.

Kami ay sama-samang AAKSYON, upang pati mga kabataang may tinatagong talento sa larangang ng E-SPORTS ay mapagtuunan.

TUTULONG at maghahain kami ng mga programang may kinalaman sa SPORTS AT E-SPORTS na magsisilbing pundasyon sa mas nagkakaisang kabataan ng ating barangay.

MAT para sa kabataan!

Address

Brgy. Bunggo
Calamba
4027

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Team DNM posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share

Category