Barangay Camaligan Calamba City

Barangay Camaligan Calamba City Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Barangay Camaligan Calamba City, Government Organization, Camaligan, Calamba.

Sa pakikiisa po ng Sangguniang Barangay sa pangunguna ni Kapitan Vic de Castro, tayo po ay sumusuporta sa lahat ng progr...
16/08/2026

Sa pakikiisa po ng Sangguniang Barangay sa pangunguna ni Kapitan Vic de Castro, tayo po ay sumusuporta sa lahat ng programang ibinababa sa ating barangay. Isa po dito ang kampanya laban sa rabies mula po sa City Veterinary Office sila ay magsasagawa ng pangkalahatang pagbabakuna sa mga may alagang aso at pusa. Sa darating na August 22,2026 araw ng sabado sa ganap na ika-9 ng umaga hanggang 11:30 ng umaga sa ating barangay.Inaasahan po ang pakikiisa ng mga may alaga ng aso at pusa.

MR SIA Vaccine Plus Vit AAugust 14,202675/145 ✅ Thanks sa mga momshie na nakiisa sa ligtas tigdas para sa ating mga chik...
14/08/2026

MR SIA Vaccine Plus Vit A
August 14,2026
75/145 ✅
Thanks sa mga momshie na nakiisa sa ligtas tigdas para sa ating mga chikiting. At syempre sa suporta ng Sangguniang Barangay sa pangunguna ni Kapitan Vic de Castro,sa masipag na Midwife Ms.Marie del Mundo at lahat ng barangay health staff na nagtulong tulong para sa matagumpay na maisagawa ang first day vaccine sa ating barangay.

13/08/2026
Kaisa po ang Sangguniang Barangay Camaligan Calamba City sa pamumuno ni Kap Vic de Castro  para sa Ligtas Tigdas na mga ...
10/08/2026

Kaisa po ang Sangguniang Barangay Camaligan Calamba City sa pamumuno ni Kap Vic de Castro para sa Ligtas Tigdas na mga chikiting ng Calamba City!

Tara na't makiisa sa Measles-Rubella Supplemental Immunization Activity na gaganapin sa August 10-28, 2026! Dalhin lamang po ang inyong mga anak sa mga health center o sa mga itinalagang fixed o temporary vaccination sites, nabakunahan man dati o hindi pa—para mabigyan sila ng karagdagang proteksyon laban sa tigdas at rubella.

Para sa karagdagang impormasyon, manatiling nakatutok sa pahina ng Calamba City Health Services Department (www.facebook.com/CalambaCHSD)

06/08/2026

Mula sa direktiba ng Pamahalaang Panlalawigan ng Laguna sa pangunguna ni Governor Sol Aragones, mananatiling suspendido ang lahat ng klase sa lahat ng antas sa mga pampubliko at pribadong paaralan sa buong Lalawigan ng Laguna dahil ang lalawigan ay nasa ilalim pa rin ng Yellow Rainfall Warning, lahat ng klase naman ay ililipat sa Modular o Online Class Modality.

05/08/2026

JUST IN | WALANG PASOK, AGOSTO 06, 2026

Alinsunod sa anunsyo ng ating Gobernadora, Gov. Sol Aragones, walang pasok bukas, Agosto 6, 2026, sa lahat ng antas ng public at private schools dito sa ating lungsod.

Ipatutupad ang alternative learning modalities tulad ng modular at online learning.

Para sa iba pang mahahalagang anunsyo at updates, manatiling nakatutok dito sa ating page. 📚📱

Flag Ceremony & KumustahanAugust 3,2026 @ Barangay Hall CamaliganPinangunahan ng Sanggunian Barangay sa pamumuno ni Kap ...
03/08/2026

Flag Ceremony & Kumustahan
August 3,2026 @ Barangay Hall Camaligan

Pinangunahan ng Sanggunian Barangay sa pamumuno ni Kap Vic de Castro ang First Monday Flag Ceremony na palaging isinasagawa tuwing unang lunes ng buwan.
Tinalakay din at pinag usapan ang pangunahing pangangailangan ng bawat isa tulad ng Barangay Tanod,Health Center,Daycare Center at Lupong Tagapamayapa para sa kanilang araw araw na pagduty sa barangay.
Ibinahagi din ni Kapitan ang buong suporta para sa gagawing Measles-Rubella Vaccine para sa mga batang may edad 6 months to 59 months old.Hinihikayat ang mga magulang na pabakunahan ang kanilang mga anak.
Ito po ay mahalagang programang pangkalusugan ibinababa sa atin mula po sa ating Punong Lungsod Mayor Ross H. Rizal.Para po sa ating mga anak kayat inaasahan po ang ating buong suporta.

Barangay Camaligan Calamba City

Nutrition Day Done!!!July 30,2026 matagumpay na naisagawa ang nutrition day kasama ang Sangguniang Barangay sa pangungun...
30/07/2026

Nutrition Day Done!!!
July 30,2026 matagumpay na naisagawa ang nutrition day kasama ang Sangguniang Barangay sa pangunguna ni Kap Vic de Castro, kasama din ang Brgy Health Worker at Bns w/ Midwife Marie del Mundo at Daycare Worker Teacher Procy del Rosario w/ daycare students.Maraming Salamat po sa lahat ng nakiisa at dumalo.

21/07/2026

Good news po,,.
Due to public demand nagawan po ng paraan mabago ang oras ng pag aaspalto sa July 23, 2026 from 7am po magiging 7pm onwards na.
Maraming Salamat po!!!

Sa Hulyo 23,2026 araw ng huwebes po ito,hinihiling po ang inyong malawak na pang unawa at mahabang pasensya para po sa i...
21/07/2026

Sa Hulyo 23,2026 araw ng huwebes po ito,hinihiling po ang inyong malawak na pang unawa at mahabang pasensya para po sa ikakaganda ng ating kakalsadahan.
Maraming Salamat po!!!

Address

Camaligan
Calamba
4027

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Barangay Camaligan Calamba City posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share