09/09/2026
BALITA | HALALAN NG BARANGAY AT SK, POSIBLENG SA 2028
Inaprubahan ng Kapulungan ng mga Kinatawan sa ikatlo at huling pagbasa ang panukalang gawing 5 taon ang termino ng mga opisyal ng Barangay at Sangguniang Kabataan (SK).
📌 Iminumungkahi rin na ilipat ang nakatakdang halalan sa Nobyembre 2026 patungo sa Nobyembre 2028.
Samantala, dalawang magkasunod na termino lamang ang maaaring pagsilbihan ng mga opisyal ng Barangay, habang isang termino pa rin para sa SK.
Hindi pa ito batas. Dadaan pa ito sa Senado at kailangan ng pirma ng Pangulo bago tuluyang maging batas.
Abangan ang susunod na kaganapan!