19/06/2026
Malinis na paaralan, ligtas na kalusugan!
Sa pagbabalik eskwela ng mga mag-aaral, mahalaga na sila ay maturuan at magabayan sa wastong paghuhugas ng kamay, pagpapanatili ng kalinisan at mabuting gawi sa kalusugan. Pinangunahan ni Dr. Jethroe A. Matusalem, Dentist II ang pagsasagawa ng WinS sa ating paaralan upang mapalakas ang kamalayan ng mga mag-aaral sa wastong pangangalaga ng katawan at kahalagahan ng malinis na kapaligiran.