19/06/2026
PAGHAHAYAG SA BANTAYOG AT PAGGUNITA SA IKA-165 KAARAWAN NI DR. JOSE P. RIZAL
Matagumpay na naisakatuparan ang Paghahayag sa Bantayog at Paggunita sa Ika-165 Kaarawan ni Dr. Jose P. Rizal, isang makasaysayang pagdiriwang na nagbigay-pugay sa buhay, mga adhikain, at kabayanihan ng ating pambansang bayani.
Taos-pusong pasasalamat sa lahat ng nakilahok at nakiisa upang maging matagumpay ang programang ito. Lubos naming kinikilala ang suporta at pakikipagtulungan ng mga g**o ng Ulango Elementary School sa pangunguna ng aming Punong G**o, Jose Leo P. Pamplona; ng Pamahalaang Barangay Ulango sa pangunguna ni Kapitan Andro Evangelista kasama ang mga miyembro ng Sangguniang Barangay; at ng ating mga panauhing pandangal mula sa Kababaihang Rizalista, Inc. sa pangunguna ni Dr. Imelda De La Cruz at ng Knights of Rizal sa pangunguna ni Sir Christopher R. Sanji.
Kami rin ay nagpapasalamat sa SELG at Yes- O sa pangunguna ni Shane Lopez, Kay Bro. Apolonio Torres sa pag babasbas ng bantayog ni Rizal, gayundin sa masigla at mahusay na pagdaloy ng programa sa pangunguna ng ating Taga Pagdaloy ng Palatuntunan, Ma'am Kristal Mhay P. Panganiban.
Hindi rin magiging ganap ang tagumpay ng gawaing ito kung wala ang pakikiisa at suporta ng iba't ibang samahan at organisasyon sa Barangay Ulango: Barangay Public Safety Officers (BPSO), Samahan ng STK Upland, Barangay Quick Response Team (BQRT), ADHIKA, Kasandigan ng Masa – Ulango Chapter, General Parents-Teachers Association (GPTA), Kasandigan ng Kabataan – Ulango Chapter, Barangay Health Workers (BHW), Lupon Tagapamayapa, at BAWC.
Ang tagumpay ng programang ito ay bunga ng pagkakaisa, pagtutulungan, at iisang adhikain na mapanatiling buhay ang mga aral at pagpapahalagang iniwan ni Dr. Jose P. Rizal para sa kasalukuyan at susunod na henerasyon.
Muli, maraming salamat sa inyong walang sawang suporta at pakikibahagi. Nawa’y patuloy nating isabuhay ang diwa ng pagmamahal sa bayan, pagkakaisa, at paglilingkod na ipinamalas ng ating pambansang bayani.
"Ang kabataan ang pag-asa ng bayan."