09/04/2026
UP LANG ULIT SA MGA HINDI UMA-ATTEND NG ASSEMBLY SA BARANGAY π±
Narito po ang detalye kung saan ilalaan ang pondong darating para sa ating kabataan.
Kung sakaling hindi na po talaga maitutuloy ang liga sa ibang buwan dahil sa patuloy na krisis, ito po ay ililipat sa mas kapaki-pakinabang na mga programa para sa kabataan.
PAALALA:
Maghintay lang po tayo dahil ang halagang β±1,422,561.00 ay hindi pa po naitatransfer sa atin. At kung ito man ay ma-transfer na sa bangko, hindi po ito buo agad na matatanggap.
Ito po ay quarterly na ibinibigay, ibig sabihin hinahati ang pagtransfer ng pondo sa mga sumusunod na buwan:
APRIL, JULY, OCTOBER, at JANUARY ng susunod na taon.
Maraming salamat po sa inyong pag-unawa at patuloy na suporta sa mga programang pangkabataan. π
BUDGET HEARING 2026 β
Sa pangunguna ng ating SK Chairperson Hana Tricia Piamonte kasama ang ating mga SK KAGAWAD na sila Iyel Paner, John Paul Gonzales at Jlloyd Reniva Almazan, kasama si SK Treas Anna Jermaine Battad Estenor sa pagbasa ng badyet sa taong 2026 na gagamitin sa mga programa para sa KABATAAN ng SAN JUAN.
Sa mga kabataan na hindi umattend ng nakaraang Barangay Assembly, ang ating 1,422,561.00 na badyet ay nahahati sa dalawang programa:
1. General Administration Program Php 447,561.00 - ito ay para sa mga Honorarium ng SK Kagawad, SK Secretary at SK Treasurer lamang, Training at Seminar na inaattenan ng SK, at Membership Due sa Federation ng Calamba.
2. Youth Empowerment and Development Program Php 975,000.00 - ito ay pang kabataan na ng San Juan gaya ng Liga, EduKalikasan Program, YES livelihood Training, Youth Week 2026, Free Printing and Scan at KK Assembly.