09/10/2026
πππππ¦ππππ₯: πππͺππ§ πππ§ππ¦ π πππππππ, ππππ‘ππ’π¦ π¦π ππππ¨π‘π
Bilang bahagi ng inisyatibong mailapit ang konsultasyon at pakikilahok ng mga komunidad sa pag-akda ng mga batas at implementasyon ng mga programa, idinaos ng House of Representative ang LegisHear Bawat Batas Mahalaga: A Nationwide Legislative Consultation and Oversight Initiative of the House of Representatives, sa Jose Rizal Coliseum, Calamba City, Laguna ngayong Biyernes, Oktubre 9.
Pinangunahan ni Speaker Faustino βBojieβ Dy III ang programa, katuwang sina Senior Deputy Speaker Rep. Dinand Hernandez at host district representative si Rep. Charisse Anne Hernandez ng Lone District of Calamba.
Dumalo din sa LegisHear ang mga kinatawan ng Laguna sa Kongreso, Rep. Ann Matibag, Rep. Ramil Hernandez, Rep. Loreto Amante, Rep. Benjamin Agarao, Rep. Roy Gonzales, at Rep. Arman Dimaguila.
Ayon kay Speaker Dy, ang pagsasagawa ng LegisHear ay mahalaga upang masigurong maibabaon ng Kongreso ang mga nakuha nitong suhestiyon at tugon mula sa publiko sa kanilang mga gagawin, na sumasalamin sa pagiging bukas ng lehislatura para sa inisyatibong mamakatulong sa bawat Pilipino.
Tinalakay sa LegisHear ang mga usapin patungkol sa rehabilitasyon at pangangalaga sa Laguna de Bay at ano ang hakbang sa paggawa ng mga batas.
Bukod sa Town Hall meeting na dinaluhan ng higit 4,000 katao, magkakaroon din ng focus group discussions ang ibaβt ibang ahensya ng pamahalaan, bukod pa sa mga serbisyong kanilang ibababa sa mga Lagunense.
Ang Laguna ang ika-anim na lalawigang binisita ng Kamara para sa LegisHear.