Sangguniang Barangay ng Laguerta

Sangguniang Barangay ng Laguerta Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Sangguniang Barangay ng Laguerta, Public & Government Service, Purok 3 Barangay Laguerta, Calamba.

HAPPY MONDAY, KABARANGAY! 🇵🇭Unang Lunes ng buwan ng Setyembre 2026, matagumpay na isinagawa ang ating Flag Raising Cerem...
07/09/2026

HAPPY MONDAY, KABARANGAY! 🇵🇭

Unang Lunes ng buwan ng Setyembre 2026, matagumpay na isinagawa ang ating Flag Raising Ceremony sa pangunguna ng ating Punong Barangay, Kap. Eduardo M. Sanque, kasama ang Sangguniang Barangay ng Laguerta at mga kawani ng barangay.

Sabay-sabay nating sinimulan ang bagong linggo nang may pagmamahal sa bayan, pagkakaisa, at patuloy na paglilingkod para sa ating mga Kabarangay. 🇵🇭💙

Isang mainit na pagbati rin po ng MALIGAYANG KAARAWAN sa ating Punong Barangay, Kap. Eduardo M. Sanque! 🎉 Nawa’y pagkalooban po kayo ng masaganang biyaya, mabuting kalusugan, at patuloy na lakas upang mapaglingkuran ang ating Barangay Laguerta.
Happy Birthday po, Kap! Mabuhay po kayo!!

Mahalagang Anunsyo!Hanggang LUNES (September 7, 2026) na lamang po ang pasahan ng mga requirements para po sa mga WALA P...
03/09/2026

Mahalagang Anunsyo!

Hanggang LUNES (September 7, 2026) na lamang po ang pasahan ng mga requirements para po sa mga WALA PANG BIRTH CERTIFICATE.

Last call po kina:
1. GONZALES, XYRILL YOHANN
2. SADIA, JUANITO
3. LOANZON, RODOLFO
4. BACAYO, RAIZEN
5.VALENZUELA, ATHENA JIANA
6. EGOT, CHRISREYN
7. EGOT, REYN DASTIN
8. EUPALAO, YAMAR ANGELLA
9. DUGHO, ALYRHA KATE
10. DUGHO, AYESHA SHANE
11. BOGACONZA, PRINCE RAVEN
12. FERNANDEZ, ERICA
13. FERNANDEZ, ERIC
14. LIRIO, JOHN CLYDE
15. BURGOS, AARON JUSTIN
16. BURGOS, AARON JETHRO
17. BURGOS, ZACH NOAH
18. BURGOS, AARON JACOB
19. BURGOS, LESLEY JANE
20. BURGOS, JOHN CALEB

Maraming Salamat po...

‼️ ANNOUNCEMENT FOR SENIOR CITIZENS OF BARANGAY LAGUERTA‼️Senior Citizen Birthday Gift DistributionPara po sa mga miyemb...
30/08/2026

‼️ ANNOUNCEMENT FOR SENIOR CITIZENS OF BARANGAY LAGUERTA‼️

Senior Citizen Birthday Gift Distribution
Para po sa mga miyembro ng Senior citizen na may birthday ng buwan ng HUNYO 2026!

🗓️Schedule: SEPTEMBER 2, 2026
Time: 11:40am - 12:00pm only
Venue: Barangay hall

📝Mga kailangan dalhin:
✅Magdala lang po Ng Xerox ng senior citizen ID na may 3 na pirma
✅Kung hindi makapunta ang mismong miyembro ay kumuha lamang ng authorization form sa mga Purok Leader at xerox ng id ng kukuha, na may tatlo rin pirma.

Maraming salamat po.

🚑 BAGONG BQRT LAGUERTA, HANDA SA SERBISYO! 💪❤️Nakiisa ang ating mga bagong miyembro ng Barangay Quick Response Team (BQR...
28/08/2026

🚑 BAGONG BQRT LAGUERTA, HANDA SA SERBISYO! 💪❤️

Nakiisa ang ating mga bagong miyembro ng Barangay Quick Response Team (BQRT) Laguerta sa 4-Day Training na nakatuon sa Basic Life Support (BLS), Standard First Aid, at iba pang mahahalagang kaalaman at kasanayan sa medical emergency response.

Sa pangunguna ng City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO), layunin ng pagsasanay na higit pang palakasin ang kakayahan at kahandaan ng ating mga BQRT sa pagtugon sa anumang emergency at pangangailangan ng ating mga kabarangay.

👏 Saludo kami sa ating mga bagong BQRT members sa inyong oras, dedikasyon at kahandaang maglingkod!
Laging Handa. Laging Maagap. Para sa Kaligtasan ng Kabarangay! 🚑

🌙 2:00 AM PATROLLING | BARANGAY LAGUERTA 🚨Patuloy ang ating patrolling upang masigurado ang kaligtasan at seguridad ng a...
27/08/2026

🌙 2:00 AM PATROLLING | BARANGAY LAGUERTA 🚨

Patuloy ang ating patrolling upang masigurado ang kaligtasan at seguridad ng ating mga kabarangay, lalo na ng ating mga bata at kabataan na maaaring nasa labas sa ganitong oras.

Patuloy ang pagbabantay at pag-iikot ng ating mga Barangay Tanod para sa isang ligtas, tahimik at maayos na Barangay Laguerta.

Kaligtasan ng bawat kabarangay, ating prayoridad! 💙

📢 MAHALAGANG ANUNSYO PO!Para po sa lahat ng nagpalista para sa LIBRENG BIRTH CERTIFICATE na hatid po ng ating Vice Mayor...
27/08/2026

📢 MAHALAGANG ANUNSYO PO!

Para po sa lahat ng nagpalista para sa LIBRENG BIRTH CERTIFICATE na hatid po ng ating Vice Mayor Totie Lazaro, pinapaalalahanan po ang lahat na nakatala sa ibabab na ipasa na po ang mga kinakailangang requirements hanggang Setyembre 4, 2026.

Para po sa iba pang katanungan o karagdagang impormasyon, maaari po kayong mag-message sa ating Barangay Page o personal na magtungo sa Barangay Hall at hanapin po si Ms. MJ.

Maraming salamat po sa inyong kooperasyon! 🫰🏻

Isang malaking biyaya at tulong po para sa ating mga mag-aaral ng Laguerta Elementary School🪖 100 pcs. Hard Hats para sa...
26/08/2026

Isang malaking biyaya at tulong po para sa ating mga mag-aaral ng Laguerta Elementary School

🪖 100 pcs. Hard Hats para sa mga Grade 1 students ng Laguerta Elementary School, mula sa Sangguniang Barangay ng Laguerta sa pamumuno ni Kapitan Eduardo M. Sanque katuwang ang Sangguniang Kabataan ng Laguerta sa pamumuno ni Kgg. Stanley Apalla.

🎒📚 100 pcs. Bags at School Supplies naman po para sa mga bata sa Aral Program at Grade 1, mula sa Alagang Ayala Land.

Napakalaking tulong po ng mga ito para sa ating mga mag-aaral at malaking bagay upang masuportahan ang kanilang pag-aaral at kaligtasan. 🙏🏻🙌🏻

Kaya naman po, mula sa Sangguniang Barangay ng Laguerta, sa pamumuno ni Kapitan Eduardo M. Sanque, taos-puso po kaming nagpapasalamat sa inyong malasakit, suporta at pagtulong sa ating mga kabataan.

Maraming salamat po sa patuloy na pag-alalay sa kinabukasan ng ating mga kabataan!

NIGHT PATROLLING | BARANGAY LAGUERTA 🚨Patuloy ang ating night patrolling para mapanatili ang kaligtasan, kaayusan, at se...
25/08/2026

NIGHT PATROLLING | BARANGAY LAGUERTA 🚨

Patuloy ang ating night patrolling para mapanatili ang kaligtasan, kaayusan, at seguridad ng ating mga kabarangay. 💙

Maraming salamat sa ating mga Barangay Tanod at mga katuwang sa peace and order na walang sawang nagbabantay, lalo na sa oras ng gabi. 🙏

Address

Purok 3 Barangay Laguerta
Calamba
4027

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Sangguniang Barangay ng Laguerta posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share