Calamba Component City Police Station

Calamba Component City Police Station We are your Philippine National Police. We serve and protect.
(4)

“Huwag Manahimik, Huwag Matakot: Ireport sa Unified 911 Hotline ang mga pulis na sangkot sa ilegal na gawain.”
20/01/2026

“Huwag Manahimik, Huwag Matakot: Ireport sa Unified 911 Hotline ang mga pulis na sangkot sa ilegal na gawain.”



Happy Birthday, PLT REXTER CLYDE PACLEB! Cheers sa isang solid na leader ng Tracker Team, Calamba CCPS! Salamat sa walan...
20/01/2026

Happy Birthday, PLT REXTER CLYDE PACLEB!

Cheers sa isang solid na leader ng Tracker Team, Calamba CCPS!

Salamat sa walang sawang serbisyo, tapang, at malasakit sa bawat mission.

Lowkey hero, high impact sa community!

More birthdays, wins and safe ops ahead!

Stay awesome, Sir!

United, We Strive to Make Calamba Police the Finest in Laguna

19/01/2026

OPLAN SITA SA BRGY. MAYAPA

Nagsagawa ang Calamba ng Oplan Sita sa Barangay Mayapa bilang bahagi ng patuloy na kampanya para sa ligtas at maayos na kalsada.

12 motorsiklo ang naimpound dahil sa iba’t ibang paglabag sa batas trapiko.

Layunin ng operasyon:
✔️ Maiwasan ang aksidente
✔️ Mas disiplinadong motorista
✔️ Mas ligtas na komunidad

Paalala sa lahat ng riders at drivers: Sumunod sa batas trapiko

Disiplina ngayon, kaligtasan ng lahat.

Tuloy-tuloy ang pagbabantay ng Calamba Police.

United, we strive to make Calamba Police the Finest in Laguna

FLAG RAISING CEREMONY Maagang isinagawa ng Men and Women of Calamba Police ang Flag Raising Ceremony sa pamumuno ni PLTC...
19/01/2026

FLAG RAISING CEREMONY

Maagang isinagawa ng Men and Women of Calamba Police ang Flag Raising Ceremony sa pamumuno ni PLTCOL DENNIS C DE GUZMAN, bilang patunay ng disiplina, pagkakaisa, at dedikasyon sa serbisyo publiko.

Sa aktibidad na ito, nagbigay ng Certificate of Commendation sa mga Personnel ng Calamba Police na nakapagsagawa ng mga kapuri-puring gawain na may malaking ambag sa kapayapaan at kaayusan ng Calamba City.

Pinarangalan din ang masisipag at matatapang na Barangay Tanod ng Brgy. Bucal, II, Parian, Palingon, Real, at San Juan bilang pagkilala sa kanilang aktibong partisipasyon at mahalagang papel sa pagsugpo ng krimen sa kani-kanilang mga nasasakupan.

Maraming salamat at saludo kami sa inyo!

Ang tagumpay ng kapayapaan sa Calamba ay bunga ng matibay na ugnayan ng Barangay at Pulis.

Sama-sama, tuloy-tuloy ang serbisyo para sa ligtas na Calamba.

United, we strive to make Calamba Police the Finest in Laguna

HINDI LANG SERBISYO, KUNDI RESULTAIpinagmamalaki ng Calamba Component City Police Station ang mga natamong pagkilala par...
18/01/2026

HINDI LANG SERBISYO, KUNDI RESULTA

Ipinagmamalaki ng Calamba Component City Police Station ang mga natamong pagkilala para sa taong 2025:

Top Performing Component City Police Station
• Rank #1 sa Lalawigan ng Laguna
• Top 3 sa buong Region 4A (CALABARZON)

Patunay rin ng epektibong pagpapatupad ng batas ang mga sumusunod:
• Rank #1 – Campaign Against Loose Fi****ms (Region 4A)
• Rank #1 – Solving 8 Focus Crimes (Region 4A)
• Rank #2 – Campaign Against Illegal Drugs (Region 4A)

Ito ang bunga ng disiplina, malasakit, at tuloy-tuloy na serbisyo para sa mamamayang Calambeño.

Serbisyong totoo. Resultang ramdam.

United, we strive to make Calamba Police the Finest in Laguna

𝐃𝐀𝐋𝐀𝐖𝐀𝐍𝐆 𝐓𝐔𝐋𝐀𝐊 𝐒𝐀 𝐁𝐑𝐆𝐘. 𝐂𝐀𝐍𝐋𝐔𝐁𝐀𝐍𝐆, 𝐓𝐈𝐌𝐁𝐎𝐆 𝐒𝐀 𝐁𝐔𝐘-𝐁𝐔𝐒𝐓 𝐎𝐏𝐄𝐑𝐀𝐓𝐈𝐎𝐍 𝐍𝐆 𝐂𝐀𝐋𝐀𝐌𝐁𝐀 𝐏𝐎𝐋𝐈𝐂𝐄Dalawang (2) hinihinalang tulak ng ileg...
17/01/2026

𝐃𝐀𝐋𝐀𝐖𝐀𝐍𝐆 𝐓𝐔𝐋𝐀𝐊 𝐒𝐀 𝐁𝐑𝐆𝐘. 𝐂𝐀𝐍𝐋𝐔𝐁𝐀𝐍𝐆, 𝐓𝐈𝐌𝐁𝐎𝐆 𝐒𝐀 𝐁𝐔𝐘-𝐁𝐔𝐒𝐓 𝐎𝐏𝐄𝐑𝐀𝐓𝐈𝐎𝐍 𝐍𝐆 𝐂𝐀𝐋𝐀𝐌𝐁𝐀 𝐏𝐎𝐋𝐈𝐂𝐄

Dalawang (2) hinihinalang tulak ng ilegal na droga ang matagumpay na naaresto ng mga Calamba Police Station sa isinagawang buy-bust operation noong Enero 16, 2026 sa Sitio Majada-in, Barangay Canlubang, Calamba City, Laguna.

Ang mga naaresto ay kinilalang sina alya Jo, 42 taong gulang at alyas Lan, 48 taong gulang na parehong nakatira sa Sitio Majada In, Barangay Canlubang, Calamba City, matapos makumpiskahan ng hinihinalang shabu na may kabuuang timbang na humigit-kumulang 3 gramo at tinatayang may halagang ₱20,400.00.

Isinagawa ang operasyon sa ilalim ng PDEA Coordination Control No. *-**-********-** kung saan nakumpiska ang iba’t ibang ebidensya kabilang ang mga heat-sealed transparent plastic sachets na naglalaman ng hinihinalang shabu, buy-bust money, at iba pang kaugnay na kagamitan.

Ang buong operasyon ay naitala gamit ang Body Worn Camera (BWC) at Alternative Recording Device (ARD) at ipinaalam sa mga suspek ang kanilang Miranda Rights at Anti-Torture Warning Act.

Ang mga naarestong suspek ay kasalukuyang nasa kustodiya ng Calamba CCPS para sa dokumentasyon at inquest proceedings.

Ayon sa ating hepe na si PLTCOL DENNIS C DE GUZMAN, OIC ng Calamba CCPS, “Hindi po kami titigil sa aming kampanya laban sa ilegal na droga. Ang bawat operasyon na aming isinasagawa ay para sa kaligtasan ng mamamayan at kapayapaan ng ating mga barangay. Patuloy po kaming umaasa sa pakikipagtulungan ng publiko sa pagbibigay ng tamang impormasyon.”

United, we strive to make Calamba Police the Finest in Laguna

16/01/2026
16/01/2026

Oplan Galugad: Check!

Sama-samang kumilos ang Calamba City Police Station at mga BPSO ng Brgy. Mayapa para sa isang ligtas at maayos na komunidad.

Patuloy ang pagbabantay, pagpapatrolya, at pakikipag-ugnayan sa mamamayan para masigurong safe ang bawat kanto, bawat tahanan.

United, we strive to make Calamba Police the Finest in Laguna

Happy Birthday, PMSg Mariecris P Coloma! Maraming salamat po sa inyong dedikasyon, sipag, at tapat na serbisyo bilang Su...
15/01/2026

Happy Birthday, PMSg Mariecris P Coloma!

Maraming salamat po sa inyong dedikasyon, sipag, at tapat na serbisyo bilang Supply Supervisor.
Nawa’y patuloy po kayong pagpalain ng magandang kalusugan, tagumpay, at good vibes palagi!

Warmest birthday greetings from the Men and Women of Calamba CCPS

Mabuhay po kayo!

14/01/2026

OPLAN SITA AT GALUGAD SA CALAMBA CITY!

Walang ligtas sa kalsada ang pasaway!

Pinangunahan ni PLTCOL DENNIS C. DE GUZMAN, OIC ng Calamba Police, ang isinagawang Oplan Sita at Galugad sa Barangay Majada Out at iba pang barangay sa lungsod ng Calamba bilang bahagi ng pinaigting na kampanya kontra krimen at paglabag sa batas-trapiko.

Sa isinagawang Oplan Sita sa iba't ibang Barangay, ilang motorsiklo ang na-impound dahil sa iba’t ibang paglabag sa umiiral na batas at regulasyon sa kalsada.

Layunin ng operasyong ito na mapanatili ang disiplina sa lansangan, maiwasan ang krimen, at masigurong ligtas ang bawat Calambeño.

Paalala sa lahat ng motorista:
Ayusin ang papeles. Sumunod sa batas. Iwas abala, iwas huli.

United, we strive to make Calamba

REGIONAL MOST WANTED PERSON NA NANGGAHASA NG MENOR DE EDAD, ARESTADO SA CALAMBAMatagumpay na naaresto ang isang Regional...
14/01/2026

REGIONAL MOST WANTED PERSON NA NANGGAHASA NG MENOR DE EDAD, ARESTADO SA CALAMBA

Matagumpay na naaresto ang isang Regional Most Wanted Person na sangkot sa panghahalay sa menor de edad sa pamamagitan ng isang magkasanib na operasyon noong gabi ng Enero 13, 2026 sa Southville Phase 6, Brgy. Kay-anlog, Calamba City, Laguna.

Ang naarestong akusado ay si alyas Jo, 28 taong gulang, construction worker at residente ng nasabing barangay. Ang pag-aresto ay isinagawa sa bisa ng Warrant of Arrest na inilabas ng Family Court, Branch 8, Calamba City, kaugnay ng dalawang (2) bilang ng Qualified R**e of a Minor at dalawang (2) bilang ng Acts of Lasciviousness, kung saan walang inirekomendang piyansa para sa mga mabibigat na kaso.

Isinagawa ang operasyon sa pamamagitan ng joint operation ng RID4A–Special Team bilang lead unit at ng warrant personnel ng Calamba CCPS, na nagresulta sa maayos at matagumpay na pagdakip sa akusado.

Ang pag-aresto ay naitala gamit ang Alternative Recording Devices (ARDs) at ipinaalam sa suspek ang kanyang karapatang konstitusyonal alinsunod sa Miranda Doctrine at Anti-Torture Law.

Sa kasalukuyan, ang akusado ay nasa kustodiya ng Calamba CCPS, at ang mga kaukulang dokumento ay ihaharap sa korte para sa tamang disposisyon.

Pahayag ng ating hepe na si PLTCOL DENNIS C DE GUZMAN,
“Ang matagumpay na joint operation na ito ay patunay ng matibay na koordinasyon ng iba’t ibang yunit ng PNP. Hindi kami titigil hanggang sa mapanagot ang mga taong gumagawa ng karahasan laban sa mga bata. Ang Calamba Police ay nananatiling matatag sa pagbibigay ng hustisya at proteksyon sa kabataan.”

United, we strive to make Calamba Police the Finest in Laguna

Address

Calamba City Hall
Calamba

Telephone

09154067505

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Calamba Component City Police Station posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share

Category

Calamba City Police Station

Help us build Calamba City a safer place to live, work and do business.