01/06/2026
LUNGSOD NG CALAMBA, KINILALA NG ANTI-RED TAPE AUTHORITY BILANG NATATANGI AT ISA SA LIMANG LGU NA PINAKAMABIBILIS SA PAGPROSESO NG BUSINESS PERMIT SA BUONG PILIPINAS, NANGUNGUNA SA CALABARZON REGION, AT NUMBER ONE SA LALAWIGAN NG LAGUNA 🥇🏆
Sa ginanap na ARTA Anniversary Month Culmination ngayong Hunyo 1, 2026 sa UP AyalaLand TechnoHub, Quezon City, iginawad sa inyong lingkod, City Mayor Roseller H. Rizal at BPTFO Head Bernadette D. Opulencia ang Fastest Processing Electronic Business One-Stop Shop (eBOSS) Award bilang pagkilala sa mahusay na implementasyon ng lungsod sa mas episyente at mas pinadaling serbisyo para sa mga negosyo.
Mula sa 149 lungsod at mahigit 1,493 munisipalidad sa buong bansa, nakamit ng Calamba City ang ika-5 pwesto sa New Business Applications at ika-8 pwesto sa Renewal Transactions—patunay ng patuloy na pagsisikap ng lungsod na gawing mas mabilis, mas maayos, at mas accessible ang proseso ng pagnenegosyo.
Tampok din na ang Lungsod ng Calamba ang nag-iisang pinarangalan mula sa Lalawigan ng Laguna at rehiyong CALABARZON, na sumasalamin sa pamumuno nito sa pagpapahusay ng business permitting at regulatory efficiency.
Ang tagumpay na ito ay bunga ng sama-samang pagsisikap ng Pamahalaang Lungsod, dedikasyon ng mga kawani, at suporta ng ating mga stakeholders tungo sa isang mas transparent, makabago, at makataong serbisyo publiko.
Lubos ang pasasalamat ng Lungsod ng Calamba sa ARTA para sa pagkilalang ito at sa patuloy nitong pagsusulong ng reporma para sa ease of doing business at mahusay na pamamahala.
Sa gitna ng pagdiriwang ng lungsod ng tagumpay na ito, ito rin ay nagsisilbing inspirasyon upang lalo pa nating pagbutihin ang serbisyo. Patuloy tayong magsusumikap para sa mas mabilis, mas mahusay, at mas inklusibong serbisyo para sa bawat negosyante at mamamayan ng Calamba.
Mabuhay ang Lungsod ng Calamba— asahan po ninyong walang sawang ipagpapatuloy natin ang mahusay na paglilingkod at makabagong pamamahala!