06/07/2026
๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐
Ang buong pamunuan at kawani ng City Social Services Department (CSSD) - Calamba City ay buong-pusong nagpapahayag ng matinding kalungkutan at pakikiramay sa maagang pagpanaw ng isa sa ating mga katuwang sa serbisyong panlipunan, si Teacher Ofelia Taboso, na sumakabilang-buhay kaninang madaling araw July 6, 2026.
Si Teacher Ofel ay naglingkod nang may katapatan, pagmamahal, at dedikasyon bilang isang Child Development Worker (Day Care Worker) sa Barangay II. Sa loob ng maraming taon, siya ang naging gabay, pangalawang ina, at liwanag ng mga batang Calambeรฑo sa kanilang maagang yugto ng pag-aaral. Ang kanyang ngiti, sipag, at walang-sawang paggabay sa mga maliliit na bata ay mag-iiwan ng isang hindi mapapawing marka sa puso ng ating komunidad.
Kami ay nakikiisa sa panalangin kasama ang kanyang pamilya, mga mahal sa buhay, at ang buong komunidad ng Barangay II sa panahong ito ng matinding hapis.
Maraming salamat sa iyong walang-hanggang serbisyo at pagmamahal sa mga bata, Teacher Ofel. Ang iyong alaala at legasiya ay mananatili sa bawat kawani ng CSSD at sa Lungsod ng Calamba.
May her soul rest in peace.