21/05/2026
๐ ๐ฎ๐ ๐ฎ๐ฌ, ๐ฎ๐ฌ๐ฎ๐ฒ | ๐๐๐๐๐ก๐ ๐๐ง ๐ฃ๐๐๐๐๐๐๐๐ฆ๐ ๐ก๐ ๐๐๐ง๐๐ก๐ข ๐๐๐ ๐ข๐๐๐๐๐๐ฅ๐ฆ ๐ ๐จ๐๐๐ก๐ ๐ฃ๐๐ก๐๐ ๐๐๐๐ฆ ๐ฆ๐ ๐๐๐ ๐ฆ๐ฃ๐ข๐ฅ๐ง๐ฆ ๐๐๐ฆ๐ง ๐ฎ๐ฌ๐ฎ๐ฒ ๐ฉ๐ป๐ง๐ป
Nagmistulang sentro ng saya, laro, at pagkakaisa ang Batino Covered Court matapos matagumpay na idaos dito ang BCA Sports Fest 2026 kung saan aktibong nakilahok at muling nagpamalas ng husay ang mga opisyal ng Barangay Childrenโs Association - Batino.
Kasama ng ating mga kabataan ang ibaโt ibang barangay mula sa kanilang cluster kabilang ang Prinza, Uwisan, Paciano Rizal, Bucal, Parian, San Cristobal, Mayapa, Lawa, at Mapagong sa isang buong araw ng Larong Pinoy at recreational activities na pinangunahan ni Sir Aaron Esquinas sa ilalim ng City Social Services Department ng City Government ng Calamba.
Isa isang sinubukan ng ating mga BCA officers ang ibaโt ibang tradisyunal na laro tulad ng sack race, batuhang bola, tiko, luksong lubid, kadang kadang sa bao, traditional wheel rolling, at patintero. Sa bawat laban ay kapansin pansin ang ipinakitang sigla, disiplina, teamwork, at sportsmanship ng ating mga kabataan habang buong pusong kinakatawan ang Barangay Batino.
Bagamat hindi man nasungkit ang ilan sa mga titulo, panalo naman sa puso at karanasan ang ating mga kabataang Batineรฑo na buong tapang at kumpiyansang ipinakita ang kanilang talento at magandang samahan. Higit sa kompetisyon, naging pagkakataon din ang aktibidad upang mas mapalakas ang pagkakaibigan, respeto, at pakikipagkapwa sa pagitan ng mga kabataan mula sa ibaโt ibang barangay.
Naging matagumpay rin ang paghohost ng Barangay Batino sa nasabing aktibidad kung saan ipinakita ng ating komunidad ang pagiging maayos, welcoming, at hospitable sa mga panauhing dumalo sa programa.
Patuloy namang nakaagapay at gumagabay sa ating mga kabataan ang kanilang BCA Mentor na si Kagawad Elsa Gatdula katuwang ang buong suporta ni Kap Joel Dimapilis at ng buong Sangguniang Barangay sa mga programang nagbibigay pagkakataon sa kabataan na malinang ang kanilang talento, tiwala sa sarili, at pakikipagkapwa.
๐ฆ ๐๐๐ค ๐๐ฃ๐ ๐๐๐ฃ๐ฉ๐ง๐ค. ๐ฝ๐ผ๐๐๐๐, ๐๐ช๐ก๐ช๐ฎ-๐ฉ๐ช๐ก๐ค๐ฎ ๐๐ฃ๐ ๐ผ๐จ๐๐ฃ๐จ๐ค! โจ